"Luis! Hindi mo sinabing nandito ka at kasama mo pala si Monique" ngiti na may bahid inis na wika ni Angela habang palapit siya kina Luis at Monique na nakikipag-usap sa mga trabahador. Lihim na napangiti si Luis ng makita siya. Umubra ang kanyang planong inisin si Angela dahil sa ginawa niyang pag-corner sa kanya para pumayag na doon tumira muna sa kanila habang nandoon si Philip. Alam niyang inis ito kay Monique dahil sa ginawa ng isa sa araw ng kasal nila. "What are you doing here?" supladang tanong ni Monique kay Angela. "You, What are you doing here?" buong supladang balik-tnong din ni Angela. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawang panglalait sa kanya ng babaeng hitad. "Nakakalimutan mo atang asawa ako ng kasama mo?" dagdag niya. "Luis! You said na hindi siya magpapakita dit

