Nang matapos silang kumain ay nagpaalam na ang Mama ni Angela sa mga balae. Nagpapasalamat ito sa pagtanggap lagi sa kanila sa mansyon. Kahit magkalayo ang agwat ng kanilang estado sa buhay ay hindi nila iyon ipinaparamdam sa mga ito. Ganun din si Philip na kahit unang beses pa lang niya bumisita ay naging open siya. Ang mag-asawa naman ay nasa taas na nagdidiskusyon tungkol sa pagdesisyon ni Angela na hindi muna kinunsulta ang isa. "Wala sa usapan natin 'yun." may bahid galit na wika ni Luis. "Ilang gabi lang naman. Pag-uwi niya ay dito ako ulit." malumanay na sagot naman niya. "Bahala ka!!" tanging nasabi ni Luis at lumabas na sa kwarto. Hindi niya itinago ang tampo sa ginawang iyon ni Angela na hindi muna siya kinukunsulta. Nagpaalam ito sa kanyang biyanan at sa kapatid ng asawa. "

