Masayang umuwi si Angela sa kanilang bahay pagkagaling sa bayan. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdamang saya at galak dahil sa bagong trabaho niya bilang Production Manger ng isang sikat na kompanya. Ang dalawa niyang kapatid ang nadatnan niya sa mga oras na 'yun dahil nasa manggahan a ang ina. "Mukhang may magandang nangyari sa 'yo sa bayan ate ah, ang saya mo ngayon." biro sa kanya ni Alfred. "Naku Alfred, mayroon talaga." halos tumalon niyang sabi. "Anong mayron ate?" tanong naman ng kapatid na natutuwa na rin kahit hindi pa niya alam ang magandang balita. "Natanggap na ako sa trabahoooooo!" pasigaw niyang balita sa kanyang kapatid. "Talaga ate?" hindi makapaniwala naman si Alfred. "Oo at Production Manger pa ang ate mooooooo!" bulalas pa niya at napayakap siya sa kapat

