Unang araw ni Angela sa Sub-Zero Company. Excited siya na maipakilala sa mga tauhan ng kompanya lalo na ang mga tauhan sa factory na 'yun. Maaga siyang naghanda para dito at kailangan niyang paghandaan lahat ng mga maaaring mangyari ngayon na magsisimula na siya. Nang makarating siya sa opisina ay isang magiliw na guard ang sumulubong sa kanyan. "Magandang umaga po Ma'am!" masayang bati nito. "Magandang umaga din po manong." "Good luck po sa unang araw ng inyong pagtatrabaho dito." "Naibalita na pala? Maraming salamat ho manong." "Nasabi na po ni sir Edmund sa 'kin kahapon kaya nakilala ko po kayo agad." nakangiting sambit ng guard. "Ay ganun po ba? Sige po manong aakyat na po ako." Nakangiti siyang pumasok sa loob. Isang magandang umpisa na 'yun para sa kanya bilang bago siya dito

