Natulalang pinagmasdan ni Luis si Angela na palayo na sa kanya. Hindi siya nakaimik sa sinabi nitong may gusto ito sa kanya. Natatawa siya tuloy na naiinis dahil sa dinami-dami ng babaeng nakakasalamuha niya ay siya pa lang ang nakapagsabi sa kanya ng ganun. "Ang kapal naman ng mukha. Akala mo naman kung sino." galit na wika niya sa kanyang sarili. Hindi na niya ito sinundan baka mag-eskandalo pa ito. Tuluyan na lang siyang umalis na kunot ang noo sa inis. Habang nasa elevator naman si Angela ay hindi niya napigilan ang kanyang sarili na matawa. Natawa siya dahil sa naging reaksiyon ng mukha ni Luis dahil sa kanyang sinabi. Tawa siya ng tawa hanggang sa makarating siya sa kanyang opisina. "Akala mo naman kasi kung sinong mamaliit ng tao eh, ayan tuloy nakatikim ng wala sa oras. Hahahaha

