bc

SUCCESSS is sweet when there is SWEAT (COMPLETED)

book_age4+
565
FOLLOW
1.0K
READ
independent
inspirational
drama
bully
nerd
lonely
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

I hope this story will inspire you, ito ay tungkol sa isang kabataan na hindi nagpatalo sa hirap ng buhay hindi nagpagapi at pinili maging matatag sa kabila ng hirap na kanyang dinanas. :)

chap-preview
Free preview
Paaralan
Gaano ba kahalaga ang edukasyon sa isang mag-aaral? Gaano ba kaimportante ang mga itinuturo ng bawat guro sa paaralan sa kanila? Para kay Fernan bawat oras, minuto o kahit Segundo ay napakahalaga, hindi siya nag-sasayang ng oras, hindi siya nakikipagdaldalan sa katabi o nakikipag-usap sa gitna ng klase. Bakit? Ano ang dahilan? Pero bago natin malaman iyon.. Kilalanin muna natin si Fernan.. "Magandang Umaga po Mrs. Santiago.." Si Fernan o Fernando Alonso ay isang mag-aaral SA Kolehiyo ng Kabanatuan ang kinukuha niyang Kurso ay Accountancy, isa siya sa mga kinagigiliwan ng mga Professor doon dahil masipag siya at tutok na tutok sa pag-aaral. "Magandang Umaga din naman sa iyo Fernan kamusta ang iyong tatay?" Wika ng Professor sa kanya. "Maayos naman po ang lagay ng Itay, nakahingi po kami ng gamot sa barangay sa tulong ng aming kapitan.." Nakangiti niyang sabi sa Professor. "Ay Ma'am tulungan ko napo kayo sa pagbubuhat." Dagdag pa niya at kinuha sa Professor ang mga bitbit-bit nito. Nakita niya kase na nahihirapan ito sa pagbitbit ng mga gamit nito, may paper bag na ang laman ay mga cartolina at iba't ibang palamuti sa siguro ay gagamitin nito sa pagtuturo. "Nako salamat hindi ko na nga mabuhat lahat ang layo pa naman ng faculty room dito." Sabi nito at ngumiti sa kanya. Talaga nga namang kinagigiliwan si Fernan dahil sa pagiging matulungin nito sa mga Professor at pati na sa mga kamag-aral nito. Habang naglalakad sila patungo sa faculty room ni Mrs. Santiago ay napapatingin sa kanila ang ibang mga estudyante bumabati ng magandang umaga at ngumingiti sa Professor na kasama niya ngunit pagdating sa kanya ay sisimangot na ang mga ito. Napahingang malalim si Fernan nasabi niya sa isip niya 'eto nanaman' oo nga't kinagigiliwan siya sa paaralang iyon ngunit may mga tao rin naming inis at ang tingin sa kanya ay isang sipsip "Dito nalang Fernan salamat sa pagtulong mo." Wika sa kanya ng Professor. "Sige po Ma'am punta na rin po ako sa klase ko.." Pagkasabi niyon ay umalis na siya agad. Habang naglalakad ay hindi nakaligtas sa kanya ang mga bulong bulungan ng mga kapwa estudyante niya. "Ayan nanaman si Fernan." "Tuwing umaga nagpapasikat." "Siguro kaya mataas ang marka niya ay dahil sa sumisipsip siya sa bawat Guro dito sa school." "Oo tama ka! Iyon nga marahil ang dahilan!" Ngunit imbis na sitahin o ipagtanggol ang sarili mas minarapat ni Fernan na baliwalain ang mga naririnig, hindi naman iyon ang unang beses na nakarinig siya ng mga ganoong salita tungkol sa kanya kaya't minamabuti nalang niyang huwag pansinin dahil alam naman niya na iyon ang nararapat. Nang marating ni Fernan ang silid nila ay agad siyang naupo at inilabas ang kwaderno niya. "Fernan! Fernan! Nako patay! Naghanda daw si Ma'am Alfaro ng pagsusulit para doon sa nakaraan niyang ipinaliwanag.. iyon bang tungkol sa.. sa.. saan nanga iyon?" Biglang sulpot ng kaibigan niyang si Jade Anne. "Iyong tungkol sa iba't ibang klase ng fungi? Ah oo.. hindi ba't ipinaalala ni Ma'am iyon bago niya tayo idismiss noong hapon?" Sabi niya habang inaayos ang mga gamit sa loob ng bag. "Nako! Nako naman! Nakalimutan ko! Hala.. nahilig nanaman kase ako sa pagpe-f******k kaya't nakaligtaan ko.." Sabi nito na animoy pasan na ang daigdig. "Jade may oras pa naman para magreview may kalahating minute pa oh kaya't magreview kana." Sabi niya sa kaibigan. Agad namang tumalilis ito at bumali k sa sarili nitong bangko. Iiling iling naman siya dito. Ganoon naman palagi ang kaibigan niyang iyon, laging sinasabi nito na nawala sa isip nito ang sinabing pag-susulit o kung ano man dahil sa pagka adik nito sa f******k o kahit ano pa mang social site. "Hindi na nagbago si Jade.. kapag nagpatuloy iyon tiyak babagsak siya sa mga pagsusulit." Nasabi na lamang niya sa sarili. "Yo, Pareng Fernan! What's up dude!" Nagulat si Fernan ng mula naman sa likod niya ay tinapik siya ng isa pa niyang kaibigan, ito ay si Jerwin. "Oh Jerwin? Ano ang sadya mo sa akin?" "Wala naman dude.. nais ko lang sanang itanong kung pwede ka mamaya? Kase dude sa lahat ng gimik naming hindi kappa sumasama.." Sabi nito na may halong pagtatampo sa boses. "Ay nako.." Wika ni Fernan at marahang napakamot sa kanyang ulo. "Pasensya kana kaibigan hindi kase ako pu-pwede mamaya tutulungan ko kase ang itay sa paggawa ng uling." "Nako ganoon ba.. osige! Okay lang iyon marami pa naming pagkakataon.." Sabi nito at umalis na din na tulad ni Jade ay bumalik sa sarili nitong silya. "Omg! Omg! Huwaaaaaa grabe!" Muntik nang mabitawan ni Fernan ang taban niyang ballpen ng marinig ang matinis na boses na iyon na. "Grabe! I still can't believe what happened last night! Omg guys you know what! WE.SAW.DANIEL! si DJP! Si Daniel JohnFord Padilla! He's so pogi to the highest level!!" Ito naman si Chrislie isa rin sa kaibigan niyang sobrang adik sa isang male artist. Hay.. buti pa iyong mga kaibigan niyang ito may panahon sa pagrerelax pero siya? Wala.. kahit isang araw.. "Fernan.." "Fernan?" "Fernando!" Napatayo si Fernan ng magulat siya sa sigaw na iyon. "Ano ba naman Britney! Aatakihin ako sa gulat sa iyo!" Sita niya sa isa pa niyang kaibigan. Ito si Britney, masasabi niyang naiiba ito sa lahat ng mga kaibigan niya iyong sina Jade, at Jerwin kase ay mga walang hilig sa pag-aaral hindi katulad nito.. "Pasensya naman.. Nga pala isasauli kona itong hiniram kong libro sa iyo." Sabi nito at inilapag sa desk niya ang taban nitong libro. "Ah.. sige salamat " Wika niya rito at katulad nga nina Jerwin at Jade ay bumalik narin ito sa silya nito Sakto naming pagdating ng kanilang Professor na si Mrs. Alfaro. "Good Morning Ma'am!" Sabay sabay na wika nilang lahat. "Okay class you may now take your sit." Wika ng kanilang guro. Maayos na naupo si Fernan at inihanda na ang mga gagamitin niya, Notebook Ballpen at- "Class bring one whole sheet of paper." Naisaisip ni Fernan 'Patay!' wala siyang papel.. naubos na kase iyong limang piso na ibinigay ng tatay niya para pambili ng papel niya. "Okay Class number 1" Lagot na talaga.. wala pa siyang papel.. "Fernan here.. hurry!" Sabi sa kanya ni Chrislie na nakaupo sa likuran niya. "N-Nako salamat!" Ang kagandahan sa kaklase niyang iyon ay madaldal man ay mapagbigay parin para sa mga katulad niya. Nagpatuloy sa pagsasalita ang Professor nila maraming mga tanong na umabot sa tatlumpu. at masasabi naman niya na hindi siya babagsak sa pagsusulit na iyon dahil nagreview naman siya. "Pass your paper.. One.. two.." "Huwaaaaaaa! Konti lang naisagot ko!" Rinig niyang sabi ni Jade. "Ha.. ako din naman pero ayos lang yan.. quiz lang naman." Sagot naman ni Jerwin dito. Siguro ay dapat niyang pagsabihan ang mga kaibigan niya tungkol doon.. Ang hirap naman kasi magsalita baka sabihin ng mga ito na nangingialam siya pero para kasi sa kanya hindi tama na inuuna ng mga ito ang ibang mga bagay kaysa sa pag-aaral. "Aba.. si Fernan ulit ang pinakamataas.." Anunsyo ng Professor nila. "Wow! Ang galing galing mo talaga Fernan!" Wika ni Jade sa kanya. "Tss.. Kung alam ko lang nangodiko lang iyan." Mula sa kung saan ay iyon naman ang narinig ng buong klase. "Haa. Oo nga!" "Tama! Imposible na palagi siyang mataas!" "Tapos minsan perfect pa! Kaduda duda!" Napayuko si Fernan, kahit gaano niya ipagsawalang bahala ang mga sinasabi nito ay hindi parin niya maiwasang hindi masaktan. Nasa kolehiyo na siya ang alam niya ay ang mga nasa high school lamang ang nakakaranas ng mga ganoong eksena. Ngunit hindi pala. "Class! Quiet! Who are those who say that Mr. Fernan cheated!" May galit sa tono ng boses ni Mrs. Alfaro ng sabihin nito iyon. "Kayo nga na wala namang ibang gagawin kundi ang mag-aral nalang hindi pa makapasa pasa! But look at him, Tingnan niyo si Mr. Fernan! Itutulog nalang niya itinutulong pa niya sa kanyang ama!" "Write those names na nagsalita kanina! Kailangan niyong magpunta sa guidance!" Pagkasabi ng Professor nila niyon ay nagsimula na itong magsulat sa white board nang bago nilang topic. Napahingang malalim si Fernan, Naitanong niya sa sarili niya at sa panginoon.. na bakit ba hindi siya ipinanganak na mayaman? Bakit kailangan niyang magtrabaho habang nag-aaral? Pero naniniwala naman siya na sa kabila ng hirap ng buhay makakamit naman nila ng tatay niya ang tamis niyon. Makalipas ang isa at kalahating oras ay dinismiss na sila ng kanilang Professor. "Fernan okay ka lang ba?" Tanong sa kanya ni Chrislie, kasama nito sina Britney Jade at Jerwin pati na si Yong. Si Yong ay isa rin sa mga kaibigan niya. "Okay naman.." Sagot niya dito. "Huwag mong masyadong dibdibin Fernan, nako humanda sakin ang mga nagsabi non!" Wika ni Yong habang may pasuntok suntok pa ito sa hangin na animo ay may kalaban. Napangiti naman siya sa sinabi nito, para sa kanya wala lang iyong mga panghuhusga basta ba nandito parin sa tabi niya ang mga tunay na kaibigan niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
115.2K
bc

SILENCE

read
381.3K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.5K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.2K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
50.0K
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook