Pamilya

1251 Words
"Itay mano po.." Magdadapit hapon na ng makauwi ng bahay si Fernan gumawa pa kase sila ng project ng mga kaklase niya. "Kaawaan ka ng diyos anak.. kamusta ang skul?" Sabi nito habang pinupunasan ang kamay na puno ng bakas ng uling. "Okay naman po itay.. tingan niyo po to." Mula sa kanyang bag ay inilabas niya ang test paper niya sa Math at ipinakita sa ama. "Aba anak.. puro pulang check ah.." "Opo itay.. sabi po ni Ma'am Romualdez ay hindi na niya ako bibigyan ng ikalawang quiz dahil naperfect kopo ang quiz na iyan.." Masayang wika niya sa ama.. "Aba't ang galing naman talaga ng anak ko ah!" Sabin g itay niya na bakas ang saya sa mukha. "Nakakawala naman ng pagod ang ganitong score mo anak.. kita mo si tatay kanina pagod ngayon lumakas na!" Sabi nito at animo'y isang bata na nagtatalon sa kanyang harapan. "Si Itay.. nangbola tara na nga pos a loob .." Yaya niya dito.. Pagkapasok nila sa loob ng bahay ay tumambad sa kanya ang sako sakong mga uling.. "Itay naipaorder niyo napo ang lahat ng ito?" Tanong niya sa ama habang pinagmamasdan ang mga sako sakong uling na may mga nakasulat na pangalan. "Ay oo anak, iyong mga Professor mo sila ang um-order ang babait nga at ayaw pang pabawas iyong bayad.. ang sabi ko ay may discount total mga Guro mo naman sila pero hindi pumayag.." "Mababait po sila Itay, kanina nga po ay ipinagtanggol ako ni Mrs. Alfaro dahil may nagsabi po na nangodiko ako.." Napahinto ang kanyang ama sa paggagayak ng mesa ng marinig nito ang sinabi niya. "Pero Itay! Wala naman pos akin iyon.. malaki napo ako iindain kopa po ba ang mga pambatang akusa tulad niyon?" Nakangiting sabi niya. "Pasensya kana anak kasalanan ng tatay ito eh.." Nilapitan niya ang ama at tinulungan ito sa paghahain. "Itay huwag po kayong mag-isip ng ganyan.. wala po kayong kasalanan, wala po akong pinagsisisihan sa naging kalagayan natin ngayon. Sa totoo nga po nagpapasalamat ako." "Nagpapasalamat po ako dahil may Itay ako na katulad niyo.. kaya Itay smile na!" Sabi niya na siya ngang ikinangiti ng kanyang ama.. Bago siya natulog ng gabing iyon ay tinulungan niya sa paggawa ng uling ang tatay niya madami pa kase ang mga susunuging kahoy kaya't tinulungan na niya ito. "Anak kailan ba ulit ang bayaran ng tution sa school?" Tanong ng ama niya habang nagsasako ito ng mga uling. "Sa ikatlong linggo po ng buwan na ito Itay.." "Nako ganoon ba.. kakasya kaya ang kikitain ko? Mukhang magkukulang ang ibabayad mo ngayon anak maaari ka bang mag bigay na lamang muna ng sulat para pakuhanin ka nila ng exam?" "Susubukan kopo Itay.. maaari naman po siguro iyon.." Sabi niya, Ngunit sa isipan ni Fernan ay kailangan niyang maghanap ng trabaho pandagdag sa pang-araw araw nilang mag-ama pati narin sa pambayad niya ng matrikula. Nang maghating gabi na ay napagpasyahan nilang mag-ama na tumigil na at ipagpabukas na lamang ang pag-uuling maaga rin kase ang pasok niya kinabukasan kaya't kailangan na niyang matulog. "Sana anak ay makapagpatapos ka ng pag-aaral mo.." Sabi ng kanyang ama, nasa tabi siya nito iisang higaan lang kase meron sila at sa sobrang liit ng bahay nila ay sa iisang silid lang sila natutulog. "Kakayanin at pipilitin kopo Itay.. Hindi po ba iyon ang pangako k okay Inay? Ang makapagtapos ng pag-aaral?" Kinabukasan ay maagang pumasok si Fernan mas maaga pa sa natural na pasok niya sa paaralan nais niya kasing kausapin si Mang Kanor isa sa janitor ng paaralan nila. Luminga linga siya sa paligid kapag ganoong maaga ay nasa garden ang matanda at nagdidilig ng mga halaman. "Sinong hinahanap mo Fernan?" "Mang Kanor!" Naibulalas niya ng Makita niya ito. "Hala oh bakit?! Nako kang bata ka nagugulat ako sa iyo! Hahaha" Sabi nito sa kanya. "Pasensya na ho Mang Kanor hinahanap kopo kasi talaga kayo at may nais po sana akong itanong.." "Ay ano ba iyon?" Sumunod si Fernan dito habang ito ay patuloy parin sa pagdidilig ng halaman. "Tutal naman po mahaba ang vacant ko baka po pwedeng mag-apply na janitor dito sa school?" "Ha? Ay nako kaya moba Fernan?" Naibaba nito ang baldeng taban nito at hinarap siya. "Tayo nga dine, at nang makapag-usap ng maayos." Sabi nito sa kanya at Naupo sila sa isang bangko doon. "Alam ban g Itay mo ang gagawin mong iyan Fernan?" Tanong sa kanya ni Mang Kanor.. Napayuko naman si Fernan at umiling. "Ay Fernan sabihin mo muna at baka iyan ang maging dahilan ng alitan niyo.." "Pero Mang Kanor saying naman po kase baka makuha ng iba ang trabaho kaya po sinasabi kona sa inyo ngayon palang." "Pero kailangan paring malaman ng tatay mo ito Fernan, kapag alam na ng tatay mo at kapag sumang-ayon siya saka ako papayag.." Doon natapos ang pag-uusap nila ni Mang Kanor. Wala na siyang ibang maisip na pag-aapplyan ng trabaho kundi ang paaralan nila kung susubok siya sa iba ay baka hindi niya kayanin dahil isang taon nalang ay makakatapos na siya. "Oh? Anong nangyare sayo Fernan bakit pang biyernes santo iyang mukha mo?" Tanong sa kanya ni Yong. "Kailangan ko kase ng trabaho." Sabi niya at naupo na sa silya niya. "Trabaho? Edi kapag nakagraduate na tayo! Isang taon nalang oh!" Sabi naman ni Jade "Kailangan ko ng pera pang tuition baka kase magkulang iyong ibibigay ni Itay.. mahina kase ang kita sa uling." Sabi niya. "Well, I can lend you my money if that so Fernan.." Sabi naman ni Chrislie. "Nako ah, wag na.. nakakahiya pera parin naman ng mga magulan mo iyon.." Wika ni Fernan iwinagayway pa niya ang kamay niya dito. "Isipin mo muna." Napatingin sila kay Britney. "Bago ka magtrabaho ay isipin mo kung kakayanin mo dahil Fernan hindi ka first year college third year kana at alam mong maraming requirements ang gagawin dahil malapit na tayong gumraduate." Sabi nito, tama nga naman si Britney.. may punto ito pero kailangan niyang sumuong kailangan niyang subukan para hindi nahihirapan ng sobra ng tatay niya at namomroblema sa pambayad niya ng tuition. "Alam ko naman itong gagawin ko.. kaya nga hindi nako lumayo dito ko balak magtrabaho sa school." Sabi niya na ikinagulat ng mga kaibigan niya. "ANO?! ANONG TRABAHO?!" Sabay sabay na sabi ng mga ito. "Janitor.. ayos nayon pandagdag sa pangtuition ko." "Ibang klase ka Dude.. napakatatag mo" Sabi sa kanya ni Jerwin. "Oo nga Fernan. Grabe napaka tiyaga mo sana ganyan din ako sayo." Segunda naman ni Jade "Kaya niyo naman basta isipin niyo lang ang hirap na iginugugol ng mga magulang niyo mapag-aral lang kayo.." "That makes sense guys." Sabi ni Chrislie. "Tama.. ako kase puro Twitter, f******k at youtube ako pagdating sa bahay.. nakakatulog na nga ako na puro iyon lang ang ginagawa ko minsan pa nga nalilipasan ako ng pagkain na nagiging dahilan ng pag-aaway naming ni Mommy.." Wika naman ni Jade "Ako din nag-aaway kami ni Mom kase sabi niya puro daw ako barkada at gimik isipin ko naman daw ang sakripisyo nila ni Dad iyong mga pagtatrabaho nila maibigay lang lahat ng luho ko." Segunda naman ni Jerwin "Dad is strict pero ni minsan hindi niya ko sinaktan lagi siyang nagagalit dahil puro bagsak ang marka ko but he never hurt me alam ko kase na mahal na mahal niya ako gabi na siyang umuuwi galing office at pag-uwi niya diretso agad siya sa kama minsan I heard him sabi niya nalulugi na daw ang negosyo natatakot siya dahil baka hindi na niya matustusan lahat ng pangangailangan ko.." Wika naman ni Yong.. Tahimik ang magkakaibigan matapos ng sinabi Yong wala ni isang nagsasalita hanggang sa binasag na ni Britney ang katahimikan. "Walang maiiwan." Sabi niya na ikinakunot ng noo ng lima. "Walang maiiwan saan Birtney?" Tanong ni Jerwin "Oo nga Britney may pupuntahan ba tayo?" Sabi naman ni Yong.. "Ang ibig kong sabihin walang maiiwan.. dapat lahat tayo makagraduate.. dapat lahat tayo makatuntong sa stage at makapaghagis ng cap!" Napangiti naman silang magkakaibigan sa sinabi nito. "Iyon ba?" "Oo naman!" "Walang maiiwan!" "Para sa atin! At para sa ating mga Pamilya!" Sabay sabay nilang sabi..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD