"Itay?"
Tawag ni Fernan sa kanyang ama na naghahalo ng mga uling.
"Oh anak? Andiyan kana pala.."
"Mano po.."
"Kaawaan ka ng diyos.."
"Ilagay ko lang po sa loob gamit ko.."
Pagkababa ng gamit ay binalikan niya ang ama sa labas.
"Itay may sasabihin po sana ako.."
"Ano iyon anak?"
Huminto sa paghahalo ng uling ang kanyang ama at naupo ito sa bangko.
"Kase po iniisip ko pong magtrabaho.."
Ang pag-inom nito ng tubig ay naudlot sa ere..
"Trabaho?"
"O-Opo.. sana.."
Matagal na hindi nakapagsalita ang kanyang ama kaya't kung ano-ano nang bagay ang naiisip nmi Fernan, paano kung magalit ang kanyang ama? Paano kung hindi siya nito maintindihan?
"Kaya mo ba?"
"P-Po?"
Napatingin siya sa kanyang tatay na nakatingin sa nagliliyab na mga uling.
"Kaya mo bang magtrabaho habang nag-aaral ka anak?"
"Itay.. kakayanin kopo.."
"P-Pasensya kana Fernan.. humihina na ang kita ng tatay.."
"Pasensya kana dahil kailangan mong maranasan ang ganito kahirap na buhay.. p-pasensya kana anak.."
Hindi nakaligtas sa paningin ni Fernan ang mga luha na nalaglag sa mga mata ng kanyang ama..
"I-Itay naman... nasabi ko naman pos a inyo na okay lang po.. wala po kayong dapat ihingi ng tawad.."
Sabi niya dito ngunit hindi narin niya maiwasan ang hindi maluha sa nakikitang kalagayan ng ama..
"Bata ka pa lamang ay naranasan mo na lahat ng hirap, pagpasensyahan mo na ang tatay anak, pagpasensyahan mo na ako dahil ito lang ang buhay na kaya kong ibigay sa iyo."
Patuloy sa pagpunas ng luha ang kanyang ama siya naman ay hindi narin napigilan at naiyak na.
"Pangako Itay makakaahon tayo.. dadating ang araw na hindi nalang uling ang haharapin mo.."
Sabi niya dito..
Bumalik na paaralan si Fernan na may ngiti sa mga labi, oinayagan na siya ng itay niya na magtrabaho sa skwelahan nila ateto siya ngayon pupuntahan si Mang Kanor upang sabihin ang na pinapayagan na siya ng ama.
"Aling Sesa si Mang Kanor po?"
Tanong niya sa isang SRM ng school nila.
"Nasa likod ng gym naglilinis."
"Salamat po!"
Dali dali syang pumunta sa likod ng gym at doon nga ay nakita niyang nagwawalis si Mang Kanor.
"MANG KANOR!"
"Ay kabayo! Juske kang bata ka lagi mo nalang akong ginugulat! Ano? Anong sadya mo?"
Imbis na magsalita ay may ipinakita siyang papel dito. Agad naman nito iyong kinuha at binasa.
"Ako po si Feliciano Alonso pinapahintulutan kopo ang aking anak na magtrabaho bilang isang Janitor sa inyong paaralan..."
Huminto sa pagbabasa si Mang kanor at tumingin sa kanya.
"Aba't akala ko ay nagbibiro ka lang hahaha"
"Mang Kanor naman ako pa? Syempre hindi! Sino po ang kakausapin ko para maipasok niyo napo ako bilang janitor ng school natin?"
"Ako na ang bahala doon.."
Sabi ng matanda sa kanya.
Nang sumapit ang hapon ay nagpunta si Fernan sa silid ng mga SRM hinihintay niya ang paglabas ni Mang Kanor upang tanungin ang tungkol satrabaho na kinukuha niya.
"Sige mauuna na ako sa inyong lahat maaga nalang ako papasok bukas.."
Napatayo si Fernan mula sa pag-kakaupo ng marinig ang boses na iyon ng matanda.
"Mang Kanor."
Wika niya ng Makita niya ito.
"Oh? Akala ko ay umuwi kana kaya bukas ko nalang sana sayo balak sabihin.."
"Ano po? Tanggap po ba ako?"
Nakangiti niyang sabi.. ngunit hindi agad sumagot ang matanda napaseryoso ang itsura nito at naglakad na sinundan naman niya.
"Hindi sumang-ayon si chief kase ang sabi niya ay hindi daw maaari ang ganoong schedule, masyadong magulo.."
Napahinto si Fernan sa paglalakad.. hindi maaari, iyon nalang ang inaasahan niya..
Humarap sa kanya si Mang Kanor at ngumiti ito.
"Pero ang sabi ni Dean Santiago ay hayaan ka daw dahil kailangan na kailangan mo daw iyon"
Nakangiting sabi nito sa kanya.
"Oh eto ang oras at araw ng paglilinis mo nakalagay nadin diyan kung aling mga lugar ang nakaassign sayo."
"Nako! Maraming salamat po!"
Masaya niyang ipinamalita iyon sa mga kaibigan niya..
"Sigurado ka naba talaga diyan?"
Sabi sa kanya ni Britney.
"Oo wala nadin kase akong ibang mapagkukunan ng pera ayoko naman na maghirap pang lalo si tatay tsaka isang taon nalang naman ang kailangan at makakagraduate nako."
Naglalakad sila ngayon papunta sa department nila para tingnan kung ano ang schedule ng exam.'
"Pero dude baka naman magkaproblema sa schedule mo tsaka paano na yung mga projects?"
Sabi ni Yong sa kanya.
"Magagawan ko naman iyon ng paraan."
Nang marating nila ang college department nila ay tiningnan na nila ang listahan ng mga exam kung anong araw at oras ang mga iyon.
"Sa room 230 Tayo sa Monday limang subjects tapos the next day room .. 103 naman tayo para sa mga remaining subjects."
Sabi ni Chrislie.
"Paano na ngayon yan Fernan? May trabaho ka makakapagreview kaba?"
Ang dahilan kung bakit kinuha ni Fernan ang trabahong iyon ay hindi buwanan ang sweldo kundi lingguhan mas madali atmainanm dahil magagamit niya agad ang perang kikitain niya.
"Oo naman, alam niyo kase kapag gusto madaming paraan.."
Sabi niya.
"Maiwan ko na kayo uuwi nako tutulungan ko pa si Tatay sa pag-uuling.."
Habang nasa daan pauwi si Fernan ay nakangiti siya at tinitingnan ang schedule ng pagpasok niya sa trabaho bilang janitor bukas.
"Sa wakas may pandagdag nadin ako sa tuition hindi na mahihirapan si itay.."
Sabi niya..
"SUNOG!!"
"MGA KAPITBAHAY MAY SUNOG!!"
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Fernan ng makita ang mga taong nagtatakbuhan. Iyon ang daan papunta sa bahay nila.
"SUNOG! MADALI KAYO!"
Tumakbo si Fernan at hinanap niya sa mga tumatakbo ang Itay niya.
"Ale, Ale, saan po may sunog?!"
Tanong niya sa isa sa mga taong tumatakbo.
"Sa dulo daw! Napakalaking sunog daw!"
Pagkasabi niyon ay umalis na ang ale.
"Sa dulo?"
Kinabahan si Fernan sa narinig mula sa Ale.
"Sa d-dulo ang bahay namin.. si Itay.. Itay!"
Nagtatakbo papunta sa bahay nila si Fernan habang ang mga tao naman ay tumatakbo rin ngunit paalis sa lugar na iyon.
"Itay!! Tatay!!"
Sigaw niya ng marating niya ang lugar na pinanggagalingan ng apoy..
Akala niya sa iba.. akala niya ibang bahay ang nasusunog..
"ITAY! ITAY!!!"
"Nako boy.. lumayo ka sa apoy.."
Awat sa kanya ng isang bumbero.
"T-TATAY!!"
Sigaw niya.. Mabilis na namalisbis ang mga luha sa mga mata ni Fernan habang isinisigaw ang salitang 'Tatay'
"S-Sir, maawa po kayo.. ang Itay ko.. bahay po n-namin iyang nausunog.."
"ITAY!! TATAY!!"
Halos tatlong katao na ang pumipigil sa kanya na huwag pasukin ang loob ng bahay, nagwawala siya sa mga taban ng mga ito, hinahanap niya ang tatay niya.. nasaan na ito?
"I-Itay.. "
Umiiyak na napaupo si Fernan sa gilid ng puno habang nakatingin sa bahay parin nilang nag-aapoy..
"ANAK!!"
"Ngunit ganoon na lamang ang gulat niya ng makita niya ang kanyang ama na may benda ang ulo at tumatakbo papunta sa kanya."
"ANAK!!"
"I-ITAY?"
Napatayo si Fernan at tumakbo papunta sa ama niya..
"TATAY!! Diyos ko po itay.."
"Anak... patawarin mo ang tatay.. wala n-na tayong bahay anak.. wala na.."
"Itay.. ang mahalaga po ligtas kayo.. huwag niyo napo munang isipin iyan.."
Sabi niya dito.
Matapos ang trahedyang iyon ay sa barangay hall muna sila pinatuloy ng kanilang kapitan.
"Maraming salamat ho talaga kapitan.. napakabait niyo po.."
Sabi ng kanyang ama dito.
"Tungkulin kopo na paglingkuran ang aking mga nasasakupan Mang Feliciano at sa lagay niyo po ngayon ay tulong po talaga ang kailangan niyo.. kung may kailangan papo kayo ay ipatawag niyo lang po ako sa ating mga barangay police."
Sabi nito sa kanyang Itay.
"Maraming salamat po ulit."
Nang makaalis ang kanilang barangay captain ay nilibot ni Fernan ang buong silid.
"Itay.. buti pa ang silid na ito hano? Malamig.. di aircon pa tayo ngayon.."
Pagbibiro niya.
"Pasenysa kana talaga anak. Akala ko kase ay napatay ko ang apoy sa likod hindi ko alam na nakasindi pa pala."
Sabi nito sa kanya. Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa sawali lamang ang bahay nila purong kahoy kaya't hindi agad napatay.
"Ayos lang po talaga Itay ang mahalaga ay ligtas po kayo.."
Sabi niya dito..