Hindi naging madali para sa kanila ang nangyari. Maraming nagbigay ng tulong sa kanilang mag-ama at nalungkot dahil sa pagkasunog ng kanilang bahay kung dati ay may trabaho ang kanyang ama ay ngayon wala na kaya ngayon ay ang pangangalakal nalang ang napiling gawin nito.
"Fernan okay ka lang ba?"
Tanong sa kanya ni Britney.
"O-Okay lang naman ako.." Sagot niya dito.
"Magfocus ka Fernan first day ng exam natin ngayon.." Sabi naman sa kanya ni Jerwin
Dati- rati ay siya ang nagpapaalala dito ng bagay na iyon pero ngayon ay ito na ang nagsasabi sa kanya.
Natapos ang lahat ng exam ng maayos at sinigurado naman ni Fernan na sa kabila ng nangyari ay hindi niya hahayaan na maapektuhan nito ang pag-aaral niya. Ngayon naman ay naglalakad siya papunta sa Comfort Room na naassign sa kanya para linisin limang dalawang ng mga CR ang lilinisin niya kaya't kailangan na niyang apurahin upang hindi siya gabihin.
Nang marating ni Fernan ang unang CR ay nagsimula na siyang maglinis.
"Para kay Itay.."
Bawat kuskos sa sahig at lampaso ay binibigkas niya ang salitang iyon.
"Para kay Itay.."
"Para sa aming kinabukasan.."
Kaskas, walis at punas habang ginagawa niya ang mga iyon ay namumuo ang luha sa mga mata niya.
"Para k-kay Itay.. P-Para saaming k-kinabukasan.."
Hindi niya maiwasan na hindi maiyak sa kanilang kalagayan.. Nawalan sila ng tirahan, nawalan ng trabaho ang kanyang ama at ngayon nga ay nangangalakal nalang ito, minsan naiisip niya hanggang kailan nila kayang tiisin ang ganoong klase ng buhay? Hanggang kailan nila matitiis ang pasakit na dala nito?
Umuwing pagod at hapong hapo si Fernan, kailangan pa niyang mag-aral dahil bukas na ang huling exam nila para sa ikalawang semestre.
"Itay nakauwi napo ako.."
Pagbati niya sa kanyang ama na pinaghihiwalay ang mga nakalakal nito.
Lumapit siya dito at nagmano.
"Kaawaan ka ng diyos."
"Kamusta po? Huwag po kayong masyadong magpagod dahil mainit ang panahon."
Sabi niya dito habang iniaayos ang gamit niya. Hanggang ngayon ay nasa barangay hall parin sila at doon namamalagi, hindi pa kase makapag ipon ng pera ang kanyang ama para makapagpagawa sila ng bahay.
Naupo siya sa tapat nito at tinulungan ito sa paghihiwalay ng mga plastic sa mga bakal.
"Huwag kang mag-alala anak.. kaya ng itay ito.."
Napayuko si Fernan.. Makakaraos din sila kakayanin nila..
Kinabukasan maaga siyang pumasok dahil 7 am ang umpisa ng exam nila.
"Magandang Umaga Fernan!"
Bati sa kanya ni Chrislie..
"Magandang Umaga din.."
"Heto nga pala.. mga prutas galing sa amin.."
Abot nito sa kanya ng isang basket.
"Huh? Nag-abala pa kayo."
Sabi niya Kina Yong, Jerwin Jade Britney at Chrislie.
"Maliit na tulong lang iyan.. "
Sabi naman sa kanya ni Yong..
"Salamat.. salamat sa iyo.."
"O siya! Magreview na, remember? Walang maiiwan lahat gagraduate!"
Sabi ni Britney at siya ngang nagsi-upuan sila at nagbuklat ng mga notebook. Nang dumating ang professor na magtuturo sa kanila ay agad rin nitong ipinamahagi ang mga test papers.
"No cheating okay? "
At nagsimula na ngang magsagot si Fernan, sa pagkakataong iyon masaya siya at hindi na muna inisip ang mga bagay na makakaapekto sa pag-aaral niya.
Matapos ang exam ay nagsigawan ang mga kaklase niya. Tapos na ang ikalawang semestre at nakaayon nalang sa exam na iyon kung tutungtong na sila sa ikahuling baitang ng pag-aaral.
"Hindi ako nagyayabang ha? Pero feeling ko papasa ko!"
Sabi ni Jerwin.
"Ako din! Lahat ng ginawang reviewer ni Fernan nasa exam kaya madali kong nasagutan lahat!"
Wika ni Jade
"Oo nga eh, napansin mo din pala yon?" sabi naman ni Yong.
"S i fernan pa eh dean's lister yan! Raining Sum claude nga diba?"
Sabi naman ni Chrislie..
"Ano ba kayo hindi naman-
"FERNAN!!"
Napahinto sa pagsasalita si Fernan ng may humiyaw ng pangalan niya.
At nakita niya sa pinto si Mang Rodolfo isa sa barangay police na nagbabantay ng barangay hall.
"Mang Rodolfo ano pong sadya natin dito?"
Tanong niya dito.
"Nako, madali ka.. ang iyong itay.."
"P-Po? Si Itay? Ano pong nangyare?"
"Hinimatay siya kanina! Nakita siya sa purok bagong silang!"
"Ano po?! Nasaan napo si Itay?!"
"Halika at dinala namin siya sa ospital!"
Dali-daling sumunod silang magkakaibigan kay Mang Rodolfo at nang marating na nga nila ang ospital na kinalalagyan ng kanyang ama ay nanalangin siya na sana walang masamang nangyare dito.
"Tatay naman bakit po kase hindi kayo kumain.."
"Iyon po ang dahilan ng pagkahimatay niyo.."
Iyon ang mga narinig ni Fernan ng pasukin nila ang kwartong kinalalagyan ng kanyang Itay..
"Eto po ang pagkain kumain napo kayo pagkatapos po inumin niyo po itong gamot ha? Sge po.."
19
Sabi ng nurse dito at umalis na, siya naman ay nilapitan niya ang kanyang itay..
"I-Itay,.. pinag-alala niyo po ako.."
Sabi niya at naupo sa tabi nito..
"Anak.. puro pasakit nalang ang binibigay ko sayo.."
"Puro nalang ako hingi ng pasensya.."
"Patawad anak.. patawad anak ko.."
Nagsimulang umiyak ang kangyang ama.. iyon ang unang beses na umiyak ito ng ganoon, iyon ang unang beses na humagulgol ito habang yakap siya kaya't hindi narin niya napigilan pati ng mga kaibigan niya na maiyak.
Simula ng araw na iyon tinutukan na niya ang pagkain ng kanyang Itay sinisisgurado niya na nagdadala ito ng tubig sa tuwing aalis ito.