"FERNAN!!!"
"Oh Chrislie?"
"DUDE!!"
"FERNANNNN!"
Nagulat siya ng mula sa kung saan ay nagsi sulputan ang kanyang mga kaibigan.
"CONGRATULATIONS!!!"
Sabi ng mga ito sa kanya.
"Ha? Congratulations saan—
Napatingin siya sa hawak ni Britney na papel.
"TOP 1 KA!!!"
"Almost perfect mo lahat ng exam! Congratulations!!"
Kulang ang salitang masaya para ipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Sobra ang pasasalamat niya sa may kapag dahil doon.. Ang pagtatrabaho habang nag-aaral ay sobrang hirap idagidag pa ang mga pagsubok na nagdaan sa buhay nila ng kanyang Itay..
"ITAY!! TATAY!!"
"Oh? Anak ano bang.. masyado ka atang masaya?"
Sabi ng kanyang Itay..
Itinaas niya ang papel na taban niya at ipinakita dito.
"TOP 1!"
Sabi niya at niyakap ito.
"Isang taon nalang tatay.. Isang taon nalang.."
Sabi niya na may luha ng kaligayahan sa mga mata.
"Salamat sa diyos.."
Naisatinig ng kanyang Ama..
Hindi man naging madali ang sumunod na taon ay kinaya ni Fernan, Ang pagtatrabaho niya sa umaga minsan sa gabi at kung minsan ay sabado at linggo pa para maitaguyod ang kanyang pag-aaral. Hindi nawala ang problema sa kanila narito ang magkasakit ang Itay niya at dalhin ito sa ospital, kung minsan naman ay ang tungkol sa kanyang pag-aaral dahil sa kapos siya sa oras ay inaabot na siya ng madaling araw sa paggawa ng thesis dahil nga graduating na sila ngunit kahit isa man sa mga iyon ay hindi nakaapekto sa positibong pananaw ni Fernan na makakatapos siya at makakasama niya sa pag-akyat sa stage ang kanyang ama.
Kaya't ngayon na araw ng kanilang pagtatapos sobra ang pasasalamat niya sa poong may kapal dahil nalampasan niya ang hirap at pagsubok sa kanilang buhay, nagpapasalamat siya dahil naging matatag siya para harapin ang lahat ng balakid na dumaan sa buhay nila.
"FERNANDO ALONSO OUR SUMMA c*m LAUDE IN BACHELOR OF SCIENCE IN ACCOUNTANCY!"
Nang marinig niya ang kanyang Pangalan ay tumayo siya kasuno niyon ang malakas na palakpakan napatingin pa siya sa mga kaibigan niya na sina Britney, Chrislie Jerwin Jade at Yong napagawi naman ang tingin niya sa kanyang Itay na dinadampian ng panyo ang mga mata nito.
"Anak.."
Tawag nito sa kanya..
"Ito nayon.. salamat.. natupad na ang pangarap ng inay mo.."
Umiiyak na pahayag nito sa kanya.
"Salamat din po itay.."
"Maraming Maraming salamat po.."
Niyakap niya ang kanyang ama sa harap ng maraming tao, wala siyang materyal na bagay na kayang ipagmalaki sa lahat kundi ang kanyang Ama na hindi siya sinukuan, pinalaki siya ng maayos at pinag-aral sa abot ng makakaya nito.
"Congratulations Mr. Alonso.."
"Congratulation Fernan!"
Sabi ng mga naging professor niya sa kanya at sa kanyang Ama.
"Hindi ka lang basta nakagraduate Fernan.."
Sabi sa kanya ni Mrs. Santiago na isa sa Dean ng paaralan nila.
"Gumraduate ka ng may karangalan.."
Sabi nito..
"Maraming salamat po!!"
"Maraming Maraming salamat po sa inyong lahat! Hindi ko po makukuha ang karangalang ito kung wala ang lahat ng tulong ng mga kaibigan ko at ng mga taong nagmamalasakit sa amin ng tatay.. maraming maraming salamat po!"
Umiiyak na pahayag niya sa mga ito. Hindi narin napigilan ng ilan lalo na ng kanyang mga kaibigan ang luha na pinipigil ng mga ito. Saksi sila sa kung gaano kahirap ang pinagdaanan ni Fernan bago makamit ang tagumpay na iyon bago ito makapagtapos..
Nang matapos ang seremonya ay sabay sabay silang naghagis ng kanilang mga balanggot at sumigaw.
"CONGRATULATION SATIN!!!"
Linggo pa lamang ang nakakalipas bago makagraduate noon si Fernan ay marami na ang tumatawag sa kanya at kinukuha siya para magtrabaho sa mga ito. Hindi pa nga alam ni Fernan kung saang Bangko o kumpanya siya magsisimula dahil sa dami nang nag-aalok sa kanya pero noon iyon at ngayon masaya na siya sa Bangko kung saan siya nagtatrabaho. Walong buwan na ang nakalilipas at marami na ang nangyare may sariling bahay na sila ng itay niya maayos at ang maganda pa ay hindi na nagtatrabaho ang itay niya nasa bahay na lamang ito at ang pinagkakaabalahan ay ang pagtatanim na lang ng halaman.
Masaya si Fernan sa trabaho niya mababait ang kanyang mga katrabaho lalo na ang boss niya.
Ano paba ang mahihiling niya? Nakamit na niya ang inaasam nila ng Itay niya.
"Itay! Nandito napo ako.."
Sabi niya..
Kung dati ay sa maliit na kubo lang sila nakatira ngayon ay sa isang konkretong bahay na sila namamalagi. May ilaw, iba't ibang appliances at may computer pa.
Nang makapag mano na si Fernan ay iginiya niya sa hapag kainan ang kanyang ama.
"Kain tayo Itay.. bumili ako ng letson manok!"
"Wow! Ang sarap niyan anak!"
Marami na talagang nagbago pero dahil iyon sa pagsisikap at pagtatiyaga ni Fernan sa pag-aaral, gumawa siya ng paraan para makapagtapos, nagtrabaho kahit bilang isang janitor upang matustusan ang pag-aaral at matulungan ang ama, nawalan ng tirahan at maka-ilang beses pang sinubukang ibaba ng mga problema pero nanatili siyang matatag at ngayon nga na masaya siyang kumakain, ngumingiti kasama ang ama ay wala na siyang mahihiling pa. Tama nga ang kasabihang.. "Success is sweet when there is sweat" Mas malalasap mo ang tamis ng tagumpay kapag naggugol ka ng pawis at hirap para dito..