Chapter 8 Victoria Nang tuluyang makaalis si Zyross ay nanatili akong nakatayo sa gitna ng magulong kusina. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina lang sa ibabaw ng lamesang ito. Pinakinggan ko ang ugong ng makina ng SUV niya palabas ng gate namin dito sa exclusive subdivision sa Makati. Nang masigurado kong wala na siya, saka lang ako kumilos. Mabilis akong nagligpit, sabi ko sa isip ko habang pinupulot ang sirang itim kong pantulog sa sahig. "Pasensya ka na, Zyross, trabaho lang ito," bulong ko sa sarili habang binubuksan ko ang drawer sa ilalim ng lababo. Kinuha ko mula roon ang maliit kong tablet. Binuksan ko ito at agad na lumitaw ang dalawang pulang tuldok na gumagalaw sa mapa. Ang isa ay nasa cellphone niya mismo, ang isa ay nasa ilalim ng driver's seat ng sasakyan n

