Chapter 9 Victoria Nasa tapat na ako ng Rosso Group Tower sa Pasay. Tumingala ako ako sa mataas na building. Halos hindi ko makita ang dulo dahil sa sikat ng araw. Purong salamin ang buong building, at kita ko ang repleksyon ko. Naka simpleng puting dress, buhok na nakatali, at suot ang malapad kong itim na sumbrero na may pulang ribbon sa gilid. Mukha akong inosente. Mukha akong si Victoria Gonzales. At iyon mismo ang kailangan ko. Huminga ako ng malalim at pumasok sa lobby. Malamig ang sumalubong sa akin, mabango at tahimik. Lahat ng tao rito mukhang mayayaman at busy. Lahat sila naka-suit. Lumapit ako sa guard na nasa entrance. "Ma'am, good morning po. Saan po kayo?" tanong niya na medyo nagtataka sa suot ko. "Ah, pupuntahan ko lang ang asawa ko. Si Zyross Rosso. Nasa opisina b

