Episode 4

1548 Words
Chapter 4 Zyross Rosso Hindi ko akalaing darating ang araw na ipagpapalit ko ang ugong ng mga helicopter, putok ng mga bala, at amoy ng pulbura sa mga business meetings at charity gala. Mahigit dalawang taon na ang nakalipas mula nang tuluyan kong hubarin ang uniporme ng U.S. military. Dalawang taon na rin mula nang mabuwag ang Black Stone, ang elite special operations unit na minsang pinamunuan ko bilang commander. Marami ang nagsabing sayang ang naging desisyon ko. Nasa kasagsagan pa raw ako ng karera. Marami pa raw akong medalya ang maaaring makuha, ngunit wala silang alam. Hindi nila alam kung ilang gabi akong nagising na pawis na pawis dahil sa bangungot ng Iraq. Hindi nila alam kung gaano kabigat ang responsibilidad ng isang commander na kailangang umuwi habang ang ilan sa kaniyang mga tauhan ay naiwan na lamang sa kabaong. Kaya nang magbitiw ako sa serbisyo, pinili kong bumalik sa Pilipinas at akuin ang pamamahala ng Rosso Group of Companies, kahit hindi iyon ang pangarap ko. Ngunit iyon ang panibagong laban na kailangan kong harapin. "Sir." Naputol ang pag-iisip ko nang lumapit ang executive assistant ko. "Nakahanda na po ang lahat," pormal nitong sabi sa akin. Tumango ako. "Let's go." Pagkabukas ng pinto ng Grand Ballroom ay sinalubong agad ako ng malakas na palakpakan. Isa-isa akong kinamayan ng mga board directors, investors, at mga bisita. "Congratulations, Mr. Rosso," bati ni Mr. Valdez at nakipagkamay sa akin. "Thank you," nakangiti kong sagot habang nakipagkamay sa kaniya. "Napakaganda ng event," aniya. Makikita sa mga mata niya ang paghanga. Walang kaplastikan o pag-alinlangan. "I'm glad you came," nakamgiti kong tugon. Habang nakikipagkamay ako may pamilyar na boses ang narinig ko. "Akala ko ba, ayaw mo sa mga ganitong pagtitipon?" Napangiti ako bago pa man lumingon. "Captain." Agad siyang nakipag-man hug sa akin. "Long time no see. Akala ko sa Iraq na magtatapos ang career natin. But thank you dahil sa'yo marami pa akong nagawa sa buhay," wika ni Lander sa akin." "Wala ka pa rin pinagbago, Captain," nakangiti kong sabi sa kaniya. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo? Retirado na tayo," sagot niya. Nakasuot siya ng dark blue suit at may hawak na isang baso ng wine. "Kahit retirado na tayo, Captain pa rin ang tingin ko sa'yo," seryoso kong sagot sa kaniya. "Tigas talaga ng ulo mo," natatawa niyang sabi sa akin. "Kaninong kasalanan? At least, buhay tayong nakabalik sa Pilipinas," wika ko. "Tama ka, kaya huwag natin sayangin ang pangalawang pagkakataon na ibinigay sa akin. By the way saan sina Tito at Tito?" Nagkibit balikat ako. "Si Mommy, papunta na, Hindi ko alam si Daddy. Hindi ko siya matawagan," sagot ko kay Lander, Kagabi ko pa hindi matawagan si Daddy. "Congratulations nga pala," sabi niya habang kinakamayan ako. "Isang taon ka nang CEO." Ngumiti ako at nagpasalamat. "Salamat. At isang taon na ring hindi ako pinapatulog ng mga reports. Mas magaan pang matulog katabi ang baril ko noon kaysa matulog na maraming reports na iniisip." "Mas mahirap ba kaysa sa Iraq?" nakangiti niyang tanong. "Hindi." Tipid kong sagot at napabuntong hininga ng malalim. "Kita mo? Mas okay na CEO ka na ngayon kaysa humarap sa mga terorista," wika ni Lander. Hanggang ngayon dala ko pa rin ang bigat na nangyari sa Iraq. "Pero nakakapagod pa rin ang pagiging CEO," sagot ko sa kaniya habang suminsim ako ng alak sa hawak kong baso. "Kung maririnig ka ng dating Black Stone Team, pagtatawanan ka," wika ni Lander at tumawa ng malakas. "Hayaan mo sila," napapailing kong sagot sa kaniya. Unti-unti ng dumadami ang mga bisita. Masaya kaming nagkwentuhan ni Lander tungkol sa nakaraan. Hanggang sa napalingan ako sa intrance. Isang babaeng nakasuot ng kulay itim na gown, silk ang tela at may slit sa kanang bahagi ng damit niya. Litaw ang kaniyang kanang bahaging legs. Hindi ko masyadong makita ang kaniyang mukha dahil sa dilim. Pero napakaganda ng tindig niya para siyang isang miss universe. "Kumusta na pala ang love life mo?" tanong ni Lander sa ak,in kaya napalingon ako sa kaniya. "Wala akong panahon sa love life, Mr. Diez. Hangga't hindi ko makita ang childhood sweetheart ko, walang chance ang ibang babae sa buhay ko," seryoso kong sabi sa kaniya. Tumawa si Lander. Tumingin muli ako sa pinto ngunit wala na roon ang babae. Ikinala ko ang mga mata ko baka sakaling nakita siya, pero hindi ko siya makita. Ilang sandali pa ay tuluyan nang nagsimula ang programa. Unti-unting humina ang ilaw sa ballroom habang ang spotlight ay nakatuon sa entablado. Isa-isang nagsiupo ang mga panauhin sa kanilang mga mesa. "Excuse me, Captain," sabi ko kay Llander. "Go, Major Zyross. Mukhang magsisimula na," aniya, malawak ang mga ngiti sa labi. Tumango ako. At tinapik ang balikat niya. Bago pa ako makahakbang ay may isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin. "Zyross." Napalingon ako. Gano'n na lang ang tuwa na naramdaman ko mang makita siya. Nakangiti sa akin ang aking ina, si Mrs. Hazel Rosso, habang dahan-dahang naglalakad palapit. Nakasuot siya ng eleganteng emerald green gown na lalong nagpatingkad sa kaniyang pagiging elegante. "Mom." Sinalubong ko soya at agad na niyakap. "I'm glad you're here." "Hindi naman puwedeng hindi ako pumunta," nakangiti niyang sagot habang hinahaplos ang pisngi ko. "Napakaganda ng event, anak." "Thank you, Mom." Kumalas ako ng yakap sa kaniya. Napansin kong wala siyang kasama. Inilibot ko ang paningin ko umaasa ako na makita ko ang lalaking inaasahan kong dadalo. Ang aking ama. Napakunot ang noo ko na tumingin kay Mommy. "Mom..." "Hmm?" "Kasama mo ba si Dad?" tanong ko. Bahagyang nawala ang ngiti sa kaniyang labi. Dahan-dahan siyang umiling. "Hindi," tipid niyang sagot. "Hindi ba siya sumunod?" muli kong tanong. "Wala rin akong balita sa kaniya. Alam mo naman na halos isang taon na kaming hindi nagsasama ng ama mo. Baka busy siya sa mga batang babae na honahaliparot niya," wika ni Mommy, mapang-uyam ang boses niya. "Tinatawagan ko siya simula pa kagabi, pero hindi ko siya makontak," sabi ko kay Mommy. "Huwag ka na magtakansa ama mo. Darausiya kung gusto niya," malamig na wika ni mommy. "Baka may business trip lang siya? Alam mo naman si Daddy ang daming negosyo," pagtatanggol ko sa aking ama. Kahit ang totoo matagal ko ng alam na parang strangers na lang ang turingan nilang dalawa. Hindi ko rin naman masisi si mommy. Ang dami kasing sidekick ni daddy. Tahimik kaming nagkatinginan. Kahit matagal nang hiwalay ang mga magulang ko, umaasa pa rin akong darating ang araw na maayos silang mag-uusap bilang pamilya, pero mukhang malabong mangyari iyon. "Baka nga may importante lang siyang inaasikaso," mahinang sabi ni Mommy. "Sana nga," tugon ko. Tinapik niya ako sa balikat. "Huwag mong isipin iyon ngayon." "Pero—" "Ngayong gabi ay gabi mo." Putol niya sa sasabihin ko. "Maraming taong naniniwala sa'yo. Huwag mong hayaang mawala ang ngiti mo," dugtong niyang sabi habang nakangiti ng matamis. Sa mga ngiti ni Mommy, parang sinasabi niya na proud siya sa akin. "Salamat, Mom," nakangiti kong tugon. Maya-maya lamang ay umakyat sa entablado ang host. "Ladies and gentlemen..." Unti-unting natahimik ang buong ballroom. "Ngayong gabi ay isang napakahalagang okasyon para sa Rosso Foundation." Nagpalakpakan ang lahat. "At ngayon, ating salubungin ang Chairman at Chief Executive Officer ng Rosso Group of Companies..." Bahagyang huminto ang host. "Mr. Zyross Rosso!" Umalingawngaw ang malakas na palakpakan. Tumayo ako at isa-isang kinamayan ang mga taong nadaanan ko bago tuluyang umakyat sa entablado. Huminto ako sa harap ng podium. Huminga nang malalim. Pagkatapos ay ngumiti. "Good evening, everyone." Mas lumakas ang palakpakan namg magsalita ako. "Una sa lahat gusto kong magpasalamat sa inyong lahat. Sa aming mga investors. Sa aming business partners. Sa aming mga empleyado. At sa bawat taong patuloy na nagtitiwala sa Rosso Group of Companies," wika ko. Ngumiti ako sa lahat. Gusto kong ipakita na hindi sila magsisisi na ako ang CEO ng Rosso Group. Nagoatulyako sa pagsasalita. "Ang gabing ito ay hindi lamang tungkol sa negosyo. Ito ay para sa mga tunay na bayani. Nakilala ko ang maraming taong nag-alay ng kanilang buhay para sa kapayapaan. May mga nakauwi. At mayroon ding hindi na muling nasilayan ang kanilang pamilya." Tahimik ang buong ballroom habang nakikinig sa akin. Muli patuloy ako sa pagsalita. "Kaya ang Rosso Foundation ay mananatiling katuwang ng mga beterano, mga naulilang pamilya ng ating mga bayani, at ng mga kabataang nangangarap na magsilbi sa bayan." Muling umalingawngaw ang palakpakan pagkatapos kong magsalita. Ngunit habang nagsasalita ako sa pinakadulong bahagi ng ballroom may isang waiter ang dahan-dahang yumuko na tila may kukunin sa ilalim ng serving cart. Hindi iyon napansin ng karamihan.Ngunit napansin iyon ng isang pares ng matatalim na mata. Ang babae na nakita ko sa pintuan kanina. Mula sa ikalawang hanay ng mga panauhin, bahagya siyang tumayo. Nakita ko ang waiter, nakatutok na ang baril sa akin. Ilang segundo kinalabit niya ito. Bubunot sana ako ng baril pero narinig ko na lang ang sunod-sunod na putok. Nagsigawan ang mga tao. Nag-panic at nagtakbuhan. Narinig ko ang sigaw ni Lander at Mommy. "Zyross!" Pakiramdam ko nasa digmaan ako. Nakadapa ako habang tinatakpan ang tainga ko. Muling bumalik sa isip ko ang mga nangyari sa Iraq. Nang makita ko ang dugo na nakakalat sa sahig parang unti-unti nandilim ang paningin ko. Naalala ko ang mga kasamahan ko na hindi na nakabalik sa kanilang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD