Napatingin sa paligid si Mikay na napangiti na tinanguan ang ilang female agent na tulad niya bagong paligo lang din, suot ang simpleng white shirt at joggers, naupo siya sa isang bench sa gitna ng aisle ng locker area habang pinupunasan ng towel ang buhok. Nag suot siya ng earphones niya pero walang tugtog iyon ayaw lang niyang marinig ang pinag-uusapan ng nasa paligid niya na puro pangalan nalang ni Zane at Adam ang naririnig niya nauumay siya. Last pasok na ulit nila ito ngayon, may street concert meeting pa siyang pupuntahan after this day para mag guest DJ na gagawin niya para bukas para sa countdown ng new year kasama sila Avery at Chase. Pasimple lang siyang ngumiti sa gilid niya, kung saan may ilang babaeng agents na nagkukwentuhan, madalas mapatingin sa kanya at sabay bulungan.

