“Captain, di ka ba nagseselos sa kanila? Parang sobrang sweet naman ata nila,” bulong ni Aeros habang nagba-boxing si Adam sa punching bag. “Bakit ako magseselos?” balik tanong ni Adam, hindi man lang lumingon. Todo pa rin ang suntok at sipa niya sa punching bag na nasa harapan niya habang sa totoo lang mukha ni Hiro ang na iimagine niya sa bag. “E kasi, Capt! Konti na lang, magkakapalit na sila ng mukha,” sabat ni Aljur, na halos mapatawa habang nagkakatinginan silang magkakaibigan habang paminsan-minsan nililingon sila Mikay. “Dati nga sabay lang silang kumain, galit ka na. Ngayon parang wala ka nang paki sa leading lady mo,” ani Jeha, na nagbubuhat ng barbell sa gilid. “Cool kasi ako,” sagot ni Adam, kalmado pa rin. Sabay-sabay silang napatigil at muling nagkatinginan. “Cool?” tano

