Habang na biyahe sila ni Adam at Mikay palingon-lingon si Mikay sa loob ng kotse ni Adam. Past midnight na, pero buhay pa rin ang mga ilaw ng lungsod. Hindi rin mapigilan ni Mikay mapansin—ibang-iba ang vibe ngayon ni Adam. Calm, pero may ngiti sa labi na parang may binabalak wala talaga siyang tiwala sa mga ngitian nito ngayon. Ngunit kahit ganun heto siya at sakay parin ng sasakyan ni Adam at basta nalang iniwan ang party at hindi man lang siya nakapag paalam sa mga ka team dahil tinangay agad siya ni Adam. “Hindi ko talaga in-expect na may kotse ka,” sabi ni Mikay ng di naka tiis na komento. “Well, surprise,” ngisi ni Adam. “Baka sipunin ka, ayaw kong ma-miss ‘yung date natin dahil nilagnat ka." “Wow. Gentleman ka na pala ngayon.” “Depende kung anong oras titigil ‘yung pagiging ge

