Kumikislap ang stage sa magandang mga lights, may halong fog at red-green laser beams. Masaya at maingay ang buong HQ auditorium lahat ng agents, analysts, at staff naka-costume ng Christmas colors. May mga Santa hats, blinking necklaces, at kung anu-anong props. Tapos na ang 4 na contestant ng event kaya last performance na ang alpha team na inaabangan na ng lahat ang pasabog ng mga ito na walang nakakaalam kung anong pasabog ng mga ito para matalo ang team nila Mikay. Umakyat sa stage ang emcee, si Agent Carlo, na naka full Santa suit na isa pa rin excited sa huling performance. “Good evening, Silver City family!!!” sigaw nito sa mic habang sabay taas ng kamay. Sabay cheer ng lahat at nag sigawan habang meron cue music na christmas time. “Woooo!!! Merry Christmas!!!” “Alright, alright

