“Mga minamahal, narito tayo ngayon para saksihan ang pag-iisang–dibdib nina Adam at Mikaela. Na kung tutuusin ay isang milagro rin na umabot tayo sa araw na ‘to… kasi kung may award para sa pinakamatagal nag-oo, si Adam na ‘yon. At kung may gold medal naman sa pagte-tiyaga, si Mikay na.” Bahagya siyang ngumiti, pinupunasan pa ang noo dahil ramdam ang tensyon at kilig sa paligid. "Ako ay labis na nagagalak after kong marinig ang kanilang love story na nag simula sa 99 proposal daw mali ang bilang at natapos sa 100 na dahilan. Napaka komplikado na talaga ngayon ang kabataan pero tunay na napaka romantiko din naman." wika pa ng pari na malawak ang ngiti na tinapunan ng tingin si Mikay at Adam. “Pero sa kabila ng siyamnapu’t siyam na beses na ‘hindi pa’, heto sila ngayon… handang magbigay

