"Aminin natin mga buds, mga retired na demonyo na tayo. Hindi na tayo kasing lakas tulad ng dati, baka bago pa tayo makapag pabagsak ng 2 tao, nasakit na ang mga tuhod at balakang natin." ani Dennis. "Tama si Densio, hindi na tayo yung parang mga hamit na hamit na pumatay. May mga apo na tayo na inaalagaan mga asawa na matatanda na din na ang gusto na lang at makasama tayo habang naputi na ang buhok. Hindi na ako si Black viper," wika ni Sevastian. "Hindi na tayo kasing lakas ng dati pero Rai, mananatili ang lakas mo bilang si ghosthand dahil iyan ang forte mo ang pumuwesto sa likod ng computer at lumaban kasama namin. Kami mga pawn mo lang kami noon ikaw ang utak namin at handa pa rin kaming tumulong at damayan ka pero sa labang ito mukhang hindi nanamin kakayanin na lumaban sa harapan.

