Tulala si Adam nakatingin sa sahig na puti sa loob ng silver city, may mga doctor nurse ng silver city ang nag pupumilit sa kanyang mahiga para gamutin siya pero walang makapapilit sa kanya. Pula na ang sahig sa paanan niya, akala niya dugo ni Mikay iyon pero marami din pala siyang tama sa katawan nya pero hindi niya iniinda. Wala siyang maramdaman sakit, parang manhid ang mga katawan niya. Sa loob ng Silver City Medical Bay na hindi niya na nya namalayan na naiuwi pa siya ng mga ito pabalik ng silver city, nakaupo lang si Adam tahimik, walang imik, at hindi tumitingin kahit kanino. Hawak pa rin niya, ang tablet at walang sinuman ang nagtatangkang kumuha nun sa kamay niya. Tuloy ang pag-agos ng luha niya naka-freeze ang screen ng tablet sa huling signal ni Mikaela. Flatline na may mahin

