Sa loob ng kuwarto, tahimik na nakahiga si Mikay at nakatingin sa cellphone niya. Ang tanging tunog lang na maririnig ay ang mahina at tuluy-tuloy na pag-ikot ng electric fan. Bagamat hawak niya ang cellphone niya pero hindi naman talaga nakatutok doon ang isip niya. Si Adam naman ay nakahiga na din sa sahig na may manipis na foam habang naka unan sa isang braso nito. Halata din hindi ito tulog, mukhang nag papatulog palang, kita niya sa pagtaas baba ng dibdib nito. “Adam…” basag na ni Mikay sa katahimikan ng di na makatiis. "Tulog ka na?" "Oo, nanaginip na ako." sagot naman ni Adam na hindi na dilat o nagalaw. “Can I ask you something? Yung matagal ko nang gustong itanong pero hindi ko maitanong-tanong sa'yo, tingin ko ito na ang tamang oras para itanong ito." "Magkano?" tanong ni

