Napangibit si Adam na nasapo ang gilid ng ulo na nag dilat ng mata. Napatingin pa sa electric fan nila sa kuwarto na kaya pala ang init, itinutok ni Mikay sa sarili nito. Kapag talaga pasamaan ng ugali panalo talaga ang dalaga sa kasutilan. Napangiwi siya habang pinipilit na dumilat ang mga mata saka bumangon na ng tuluyan na sapo ang ulo, pero higit sa lahat may isang parte pa ang nakirot sa kanya kaya tumaas ang kamay niya at sinalat ang kumikirot na labi. Dahan-dahan niyang kinapa iyon pero agad din napabitaw sabay ngiwi. Nang tiningnan niya ang dulo ng daliri niya—may dugo ng bahagya niyang dinilaan ang ibabang labi at nalasahan din niya ang sariling dugo. Napakunot-noo siya. “Put*na… sinapak ba ako ng babaeng to?” usal niya sa isip, pero agad niyang naalala ang huling eksena kagabi

