`Malamig ang hangin ng madaling araw. Tahimik ang buong pasilyo ng Angel’s Nest, tanging tunog lang ng wall clock ang maririnig sa pagitan ng mga naka-unipormeng mannequin na parang bantay na nakahilera sa corridor. Hindi dapat sila naroon—pero heto na naman si Mikay at Adam, nakalusot papasok ng East Wing. After ng ilang araw nilang pag mamatiyag at paikot-ikot ni Mikay na parang batang nag lalaro, nakita na niya kung saan-saan naka puwesto ang mga cctv camera ang facility kaya naman agad na silang bumuo ng plano ni Adam, ang pasukin na ang east wing para matapos na at mailigtas na nila ang mga taong naroon. 4 na sa limang suspect ang na elliminate nila at napatunayan na mga decoy lang para iligaw ang sino mang nag iinvestiga sa nangyaring malaking sunog sa hospital na ikinamatay ng nap

