Ang ingay ng tawanan at sigawan kanina, biglang napalitan ng awkward silenceng mawala na si Adam at mag madaling umalis after bigyan na ito ng countdown ng sarili nitong ama. Ang mga rookies, isa-isang nagsibalik sa training session ng mga ito habang nag bubulungan. Nanatiling nakatayo si Mikay sa gilid ng ring habang nakahalukipkip, sinusundan niya ng tingin ang pinto kung saan dumaan si Adam ng umalis ito. Hindi niya maipaliwanag kung bakit may kakaibang kurot sa dibdib niya kahit napangiti naman siya sa sinabi ni Adam kanina. “Missed him already?” malamig pero banayad na tanong ni Hiro, habang pinupunasan ng tuwalya ang pawis sa leeg na may ngiti sa labi na parang tinutudyo pa si Mikay na napalingon pero agad din umirap. “Missed? Please. Nabawasan nga ang ingay dito buti umalis na d

