"Sino ka? Anong kailangan mo?" ani Railey na saktong palabas ng silid nilang mag-asawa ng biglang makita ang anak na nasa puno ng hagdan na mukhang bagong dating. "Hello pudrabells, long time no see." "Sinong tatay mo?" irap naman ni Railey na biglang hinubad ang suot na tsinelas habang papalapit sa anak. "Dad naman e! Sobrang naging busy lang ako sa trabaho kaya hindi ako masyadong nakakauwi this past few weeks?" ani Mikay na lumiko ng bahagya para iwasan ang ama na may hawak ng tsinelas na madalas nitong gawin ang paluin sila sa binti kapag late silang nauwi ng bata sila galing sa galaan sa kapitbahay ilang blocks lang ang layo sa kanila sa kapatid ng mama nila na sila Tita Klary, nakikipag laro kasi sila sa mga pinsan nila. "Sinong ama ng pinag bubuntis mo?" tanong pa ng ama na gam

