Chapter 18

1215 Words
NILUNOK NA NI IKE ANG KANYANG PRIDE. Dahil sa natanggap niyang package, makailang beses na niyang kinontak si Samuel. Pero out of coverage area ang linya nito. Wala siyang ideya kung ano nga ba ang nilalaman ng kahon. At in fairness naman sa kanyang ina, kahit may pagkapakialamera ito sa buhay niya ay hindi naman nito binuksan ang package niya. Hindi naman ganoon kabigat ang naturang kahon. Pero nang sinubukan ni Ike na alugin ito, naramdaman niyang may mga gamit sa loob. Dala na rin ng pagkacurious niya, naisipan na niya itong buksan. At hindi niya maiwasan ang magulat nang bumungad sa kanyang paningin ang isang pamilyar na flyer. Kung hindi siya nagkakamali, ito ang flyer na ginawa niya para sa Thanks Giving Party nila five years ago. Nakaramdam siya ng pagka-amazed. Sa paglipas kasi ng ilang taon ay hindi niya akalain na may naitatabi pa palang ganitong copy si Samuel. Dahil sa unang nakita ni Ike ay dali-dali na niyang tiningnan ang iba pang laman ng kahon. At muli siyang nakaramdam ng pagka-amazed nang makita niya roon ang Yearbook ng Batch nila, at ito ay nakapangalan kay Samuel. Hindi niya alam kung ano nga ba ang dahilan ng kaibigan, at kung bakit nito pinadala sa kanya ang Yearbook nila. Nagre-reminisce kaya ito sa Batangas? Inaalala ba nito ang pagkakaibigan nila? Ano ba ang trip ni Samuel? Bahagyang natawa si Ike dahil sa kanyang mga naisip. Sa tagal kasi nilang magkaibigan, alam ni Ike na hindi ugali ni Sam ang maging sentimental. Sa kanilang dalawa, siya ang emotional. Kaya nakakatawa lang na pinadala nito sa kanya ang mga bagay na nagpapaalala sa kanilang kabataan. Pero aaminin niyang nata-touch siya ngayon. Mukha kasing nakikipagbati na sa kanya si Samuel. At for the first time, ito ang unang nagbaba ng pride. Isang himala! Muling sumilip sa loob ng kahon si Ike. Pero natigilan siya nang may makita siyang dalawang white card kung saan nakasulat roon ang pangalan nila ni Kathleen. Nagkunot siya ng noo. Kung hindi kasi siya nagkakamali, ganito ang card na ginamit nila sa 'The Midnight Man Game.' At tulad ng inaasahan niya, may iba pa siyang gamit na nakita sa loob. Katulad ng ilang pirasong pin, at dalawang pirasong posporo. Nakaagaw na rin ng pansin niya ang isang itim na envelop kung saan may nakasulat roon na... "Are you willing to take a risk for a Stranger's Challenge? Sa pagkataong iyon, hindi na napigilan pa ni Ike ang tumawa. Unti-unti na rin kasing nagsi-sink in sa kanyang utak ang posibilidad na si Samuel naman talaga ang may pasimuno ng lahat. Hindi totoong fans nila ang nagpadala ng Mystery Box noong nakaraan, kungdi si Samuel mismo ang may gawa ng mga iyon! Bakit ngayon lang niya naisip na technique naman talaga ni Samuel ang mga ganoong bagay para magmukhang makatotohanan sa mga taga-hanga nila? Hindi siya makapaniwala! Hindi niya akalain na pati silang mga kaibigan nito ay napaniwala! May pa-stranger-stranger's challenge pa itong nalalaman, ah! Muli napahinto sa pagtawa si Ike nang may mahipo siyang USB sa loob ng black envelop. Hindi na siya nagdalawang-isip pa, kaagad na niyang pinalug iyon sa kanyang laptop. At nang makita niyang safe ito ay saka naman niya kinilik ang nag-iisang files na naroroon. Halos mapamura si Ike nang awtomatikong nagplay ang video, at biglang nag-appear sa screen ng kanyang laptop ang graduation picture ni Samuel! Nang mahimasmasan na siya ay saka muli siyang nagpakawala ng malutong na pagtawa na halos umalingawngaw na sa buong apartment niya. Pero muli siyang napakislot nang biglang may nagsalitang lalaki sa audio. "You broke my rules, Mr. Isaac Vela!" anito na may malalim na boses, "Last game, isa sa mga rules ko ang nilabag mo. Pinahiran mo ng ibang dugo ang white card kung saan nakasulat ang pangalan ni Mr. John Mark Ramos." Natatawang umiling-iling si Ike. Sobra-sobra na kasi ang pagkahanga niya sa ginagawang effort ni Samuel para ipalabas na makatotohanan ang Stranger's Challenge na ito. Halos perfect na rin ang pagkakaedit nito sa audio kaya hindi na talaga niya ito nabobosesan. Kung hindi lang talaga niya kilala si Samuel, marahil nangangatog na siya ngayon sa takot! At isa pa, mukhang naiintindihan na rin ni Ike kung bakit wala ang pangalan niya sa nagdaang 'The Midnight Man Game.' Mukhang sinadya talaga iyon ni Samuel para magkaroon ng kadugtong ang challenge na ginawa nito. Marahil ito rin ang isa mga reason niya kung bakit biglaang nagbakasyon si Samuel sa Batangas. Pero paano nakakasiguro si Samuel na papatol siya sa Stranger's Challenge? Eh, hindi naman lingid sa kaalaman nito na magsisimula na siyang magtraining sa Military next month! "It's your turn!" pagpapatuloy ng boses sa audio, "Patunayan mo sa lahat lalo na sa babaeng pinakamamahal mo na mas nakakahigit ka kesa sa boyfriend niya!" Biglang natigilan si Ike. At sa muling pagkakataon ay nirewind niya ang video sa parteng iyon para lubusan niyang maintindihan ang huling sinabi nito. "Patunayan mo sa lahat lalo na sa babaeng pinakamamahal mo na mas nakakahigit ka kesa sa boyfriend niya!" Napalunok bigla si Ike. Nagsimula na rin siyang nakadama ng kaba. Kung sakaling si Samuel nga itong nagsasalita sa video, possible bang may alam na ito tungkol sa kanilang dalawa ni Christine? "I know your secret, Mr. Vela!" anang boses sa video saka ito nagpakawala ng malutong na tawa. Tawa na may halong pang-aasar at panghahamon. Ilang saglit pa, nagslide sa screen ng laptop ni Ike ang mga stolen shots nila ni Christine sa mga lugar kung saan sila madalas magkita. Mayroon pa roong picture sa tapat ng unit niya kung saan naman kitang-kita roon ang mainit na halik na namamagitan sa kanilang dalawa. Biglang pinagpawisan ng malapot si Ike. Nagsimula na rin siyang maguluhan. At wala sa loob na sinabunutan niya ang kanyang sariling buhok dahil nagsimula na ring magrumble sa kanyang utak ang mga katanungan kung si Sam nga ba talaga ang nasa likod ng Stranger's Challenge na ito. Aktong kukunin na sana niya ang kanyang cellphone para tawagan si Christine nang hindi niya sinasadyang masagi ang Yearbook sa ibabaw ng kanyang lamesa. Para namang sinadya ng tadhana dahil bumukas ang mga pahina nito sa mismong Graduation Picture ni Samuel. Doon na rin nakita ni Ike na may pulang pentel pen na naka-cross sa mismong mukha ni Samuel, at may nakasulat roon na... "Nasaan si Sam?" Muling chineck ni Ike ang iba pang page sa Yearbook na iyon. Wala na siyang nakitang kakaiba roon maliban sa blangkong pahina kung saan ang pangalan naman ni Aimee Acidera ang nabasa niya. May bigla siyang naalala. At sa pagkakataon iyon, doon na rin niya napagtanto ang isang pangalan na nakasulat sa white card. Bakit pangalan pala ni Kathleen ang nakasulat rito? At hindi si Christine? Or si Madz? Or si John? Maiintindihan pa sana niya kung si James ulit ang nakasulat, pero bakit si Kathleen? Never na naging member ng grupo nila si Kathleen. Hindi kaya? Muling napatingin si Ike sa blangkong pahina ni Aimee Acidera. Parang automatic naman na nagplay sa kanyang utak ang mga panahon kung saan naging saksi siya sa ginawang pustahan nila Samuel at James tungkol sa kawawang babaeng iyon. Si James, nagawa nitong ligawan si Aimee kahit engaged na ito kay Kathleen. "Let's play 'The Closet Game' at exactly 3:00 am!" pagpapatuloy ng video.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD