"HANGGANG KAILAN TAYO MAGTATAGO NG GANITO?" seryosong tanong ni Ike kay Christine habang naka-unan ito sa kanang braso niya sa mga sandaling iyon. Halos naririnig pa niya ang malakas na pagpintig ng puso niya dahil sa matagumpay na pag-iisa nilang dalawa.
Kapwa pa silang nakatitig sa puting kisame ng condo unit ni Ike na wari'y naglalakbay ang kanilang isipan sa kung saan. At dahil sa pananabik ng kanilang mga katawan sa isa't isa, naging intense and wild ang naging kaganapan kanina. 'Ni hindi na nga sila nakapang-abot pa sa kanyang kuwarto, dito na rin mismo sa living area naganap ang mainit na eksenang namagitan sa kanilang dalawa.
At tulad ng inaasahan ni Ike, wala na naman siyang nakuhang anumang tugon mula kay Christine. Hindi naman siya ganoong kamanhid para hindi niya maramdaman ang palaging pag-iwas ni Christine sa tuwing inoopen niya ang tungkol sa kanilang dalawa. Sadya lang sigurong nagpapakatanga siya pagdating sa babaeng ito!
"W-Wala si Samuel ngayon, umuwi sa Batangas..." tanging nasabi nito.
Napabuntong-hininga na lang si Ike. Hindi niya maiwasan ang masaktan nang banggitin na naman ni Christine ang pangalan ng karibal niya. Alam naman niya kung ano ba talaga ang papel niya sa relasyon ng mga ito, eh. Isa siyang kabit. Minsan tinatanong na lang niya ang kanyang sarili kung bakit siya pumapayag na paikot-ikutin ng isang babae? Ilang beses na ring sumagi sa utak niya na dumistansya sa dalawa niyang kaibigan, at humanap na lang ng ibang babaeng mamahalin. Pero sadyang umaasa pa siya na balang-araw ay makukuha rin niya ang pagmamahal ni Christine nang buong-buo. Minsan naiinis na rin talaga siya sa kanyang sarili dahil sa tuwing may hindi pagkakaunawaan ang dalawa, siya ang lihim na tinatakbuhan ni Christine. Katulad ngayon, wala ang boyfriend nitong si Samuel kaya sa mga bisig niya ito ngayon nagpapalipas ng init ng katawan.
Daig pa ni Christine ang bituin sa kalangitan. Iyong tipong ang lapit-lapit na nito sa kanyang paningin pero ang totoo ay napakalayo pa rin talaga nito sa kanya. Napakahirap nitong abutin. Napakahirap ring mahalin.
Aaminin ring minsan ni Ike, may pagkakataon na nararamdaman niyang naa-outcast siya sa kanilang grupo. Katulad na lang sa nangyaring 'The Midnight Man Game'. Hindi niya maiwasan ang masaktan nang malaman niyang wala sa listahan ang kanyang pangalan. Kung hindi pa pala dahil kay John ay hindi siya makakasama sa challenge na iyon. Galing din naman siya sa mayamang angkan, ah? Dating sundalo ang Daddy niya, at ngayon ay naglilingkod sa bayan bilang Mayor sa kanilang lugar. Mas di hamak na kilala ang angkan niya kaysa sa angkan na pinanggalingan ni Samuel. Pero bakit lagi na lang siyang representative? Bakit lagi na lang siyang second choice sa grupo? Kumbaga sa isang movie, siya na lang ba palaging gumaganap na Side-kick, at si Samuel ang palaging Leading Man? Hanggang anino na lang ba talaga siya ng kaibigan?
Natigilan si Ike sa kanyang pag-iisip nang maramdaman niya ang mainit na palad ni Christine na humawak sa kanyang pagkalalake.
"Ano na naman ang iniisip mo?" pabulong ng dalaga, "Bakit mo na naman ako tinatanong ng ganyan? Hindi ka na ba masaya sa ginagawa natin?"
Hindi na magawang sagutin iyon ni Ike dahil sa kakaibang init na muling umuusbong sa kanyang pagkatao. Mariin na lang siyang napapikit, at wala sa loob ang pag-ungol siya. Halos manindig ang kanyang mga balahibo sa katawan nang biglang umangkas muli si Christine sa kanyang kandungan. Mabilis niyang naramdaman ang pagpasok ng matigas niyang sandata sa basang basa nitong lagusan.
"Uh!" impit na pag-ungol ni Christine, at nagsimula itong gumiling-giling ng dahan-dahan.
Daig pa ni Ike ang nasa alapaap ng mga sandaling iyon. Unti-unti na niyang iniangat ang kanyang mga kamay at marahang hinaplos ang makinis na katawan ni Christine. Wari'y isinasaulo niya ang bawat korte ng katawan nito, ganoon rin ang mayayaman nitong dibdib.
Nasa ganoon silang eksena nang bigla tumunog ang security code sa pintuan ng apartment ni Ike. Senyales na may dumating. Pero dahil sa mainit na sandaling namamagitan sa kanila ni Christine ay hindi nila kaagad iyong narinig.
"I-Isaac?!" natamemeng bungad ng isang may-edad na babae.
Kapwa natigilan sina Ike at Christine. At kapwa ring napalingon. Ilang segundo ring huminto ang oras sa pagitan nilang tatlo hanggang sa mabitawan na naturang babae ang bitbit nitong kahon.
"Ma!" bulaslas ni Ike sabay lalo kay Christine. At hindi na niya alam kung papaano niya tatakpan ang hubad na katawan ng dalaga.
"Susmarusep!" napasign-of-the-cross pa ang Ginang.
Sa bilis ng pangyayari, namalayan na lang ni Ike ang kanyang sarili na nakaupo sa sofa katabi ang nananahimik na si Christine. Habang ang Mama naman niya ay balisang nagpalakad-lakad sa kanilang harapan. Hindi nito malaman kung papaano ba sila nito kakausapin. Masyado pa naman itong conservative at relihiyosa kaya labis siyang kinakabahan at nag-aalala. At isa pa, hindi ito ang unang pagkakataon na na-meet ng Mama niya si Christine. Pero ito ang first time na maabutan sila nito sa ganoong senaryo. Halos hindi rin niya matingnan ng diretso ang Mama niya dahil sa nangyari. Hiyang-hiya talaga siya ng sobra.
"Di ba, ikaw iyong pamangkin ni Congressman Erwin Tan?" paniniguro ng Ginang dahil sa tagal na rin ng panahon nang huling magkaharap ang mga ito, "At pinsan mo si Kathleen Tan?"
"O-Opo," nahihiyang tugon ni Christine. At tulad ni Ike ay hindi rin nito magawang tumingin ng diretso sa ginang.
Ilang saglit pa ay gumuhit na ang ngiti sa mga labi ng Mama ni Ike. At dahilan ito para senyasan niya si Christine na tumakas. Kaagad naman iyong naintindihan ng dalaga kaya dali-dali na itong nagpaalam.
"Ingat! I Love You!" nakuha pang ihatid ni Ike si Christine hanggang sa labas. Kumaway-kaway pa siya rito. Pero nang muli siyang pumasok sa loob ng kanyang condo unit, malutong na batok ang sinalubong sa kanya ng Mama niya.
Matatalim na tingin ang binato ni Lucy sa anak, "Kaylan mo siya papakasalan, ha?" galit nitong tanong
"Kasal?!" gulat ni Ike.
"Oo kasal!" diin ni Lucy. At ilang saglit pa ay nagtungo ito sa kitchen para uminom ng tubig, "Hihintayin mo pa bang mabuntis siya?"
"Ma, nag-iingat naman kaming dalawa," katwiran ni Ike sa ina.
"Aba, Isaac!" Singhal ni Lucy sabay ang paghampas sa anak, "Kung ako ang Nanay niya, hindi ako papayag na magtamo ng kahihiyan ang anak ko! Ipapakasal ko na kayong dalawa ngayon din!"
"Ma naman!" naiiratang napakamot ng ulo si Ike saka na lang niya binalingan ang kahon na nasa sahig. Kung hindi siya nagkakamali, ito iyong kahon na bitbit nito kanina. "Saan galing 'yung kahon na 'yun, Ma?" tanong niya at naisipan na niyang tignan iyon. At hindi niya maiwasan ang magtaka nang mabasa ang pangalan ng sender.
Galing kay Samuel!
"May nagdeliver 'yan sa bahay!" tugon ni Lucy na halata pang hina-highblood pa kaya panay inom pa rin ng tubig, "Iyan ang dahilan kaya napapunta ako rito."
"Bakit ikaw pa ang nagdala dito nito?" tanong ni Ike, "Bakit hindi mo na lang inutos sa mga katulong mo? Tapos, hindi ka man lang nagpasabi na pupunta ka pala ngayon rito. Papalitan ko na rin ang security code ng unit ko. Basta-basta na lang kasi kayong dumarating!"
Dahil sa mga binitawang salita ni Ike ay muli na naman siyang nakatikim ng batok mula sa kanyang ina.
"Aray, 'Ma!"