“LET’S PLAY, ‘THE CLOSET GAME’ AT EXACTLY 3:00 AM! Nasa listahan na rin ang dalawang taong imbitado para sa aking laro!” pagpapatuloy ng boses sa audio habang isa-isang nagslide sa screen ng laptop ni Ike ang mga Graduation Pictures nila ni Kathleen Tan, “Pamilyar ba kayo sa The Closet Game?” Napalunok ng sariling laway si Ike. “Para laruin ito, ang tanging kailangan n’yo lang ay posporo at bedroom na may aparador! Pwedeng-pwede n’yo itong gawin sa mismong kuwarto ninyo. Pero dahil nabigo ang unang Stranger’s Challenge ninyo, magdadagdag ako ng konting twist! Gagawin n’yo muna ang unang step ng ‘The Midnight Game’. Ito ay ang pagpahid ng dugo sa inyong white card. Remember, bawal pahiran ng ibang dugo ang card kung saan nakasulat ang inyong pangalan. After ninyong magawa ito, iiwan ninyo

