bc

SUBSTITUTE FIANCEE

book_age18+
379
FOLLOW
4.0K
READ
HE
badboy
heir/heiress
substitute
like
intro-logo
Blurb

Pretending to be her stepsister, Kaisha Granel walked into the Montenegro mansion with confidence and determination. Alam niya kung ano ang pakay niya roon—pera. Pera para matustusan ang pag-aaral niya at makapagsimula ng tahimik na buhay, malayo sa kanyang malupit na stepmother at stepsister.

Wala siyang pakialam kung niloloko niya ang mga tao. Wala siyang pakialam kung ginagamit lang siya ni Gwen, ang kanyang nagrerebeldeng stepsister, para makatakas sa isang arranged marriage. Gwen ran away with her boyfriend habang ang kanilang ina ay naniniwalang nandoon siya sa Montenegro mansion para makipagkita sa kanyang supposed fiancé. Substitute lang si Kaisha, pumalit kay Gwen para maitago ang pagtakas nito.

Sisilaw sa kanyang mga pangarap, binalewala niya ang unti-unting nadarama para kay Xero Montenegro, ang CEO ng Montenegro Company. Niloko niya ito. Niloko niya ito ng buong-buo, at alam niyang masasaktan siya. Dapat lang naman talagang masaktan. Pinili niya ito—pinili niya ang pera at ang kanyang future.

Kaya nang sumabog ang katotohanan, kailangan niyang panindigan ang desisyon niya, kahit gaano kasakit. Habang ibinabaon ang engagement ring nila sa buhangin ng Siargao, kasabay nitong ibinaon ni Kaisha ang puso at pagmamahal na hindi niya kailanman makukuha.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NAGLULUTO si Kaisha Granel ng hapunan nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niyang pinatay ang apoy sa kalan at kinuha ang cellphone mula sa lamesa. Nakita niya ang pangalan ni Gwen, ang stepsister niya, na nagpa-flash sa screen. Alam niyang hindi ito simpleng tawag lang. "Kaisha, kailangan kita," boses ni Gwen mula sa kabilang linya, halatang may kaba at tensyon. Agad namang nag-aalala si Kaisha. Kilala niya si Gwen—lahat ng hinihingi nito ay laging may kasunod na komplikasyon. "Ano'ng kailangan mo?" tanong niya, pilit pinapakalma ang sarili, pero hindi niya maitago ang kaba sa boses. "May kailangan akong takasan," sagot ni Gwen, mas lalo pang bumigat ang boses. "Gusto nilang ipakasal ako sa Montenegro." Napakunot ang noo ni Kaisha. "Montenegro? ‘Yung pamilyang bilyonaryo?" Napaisip siya. Kilala niya ang mga Montenegro—isang makapangyarihang angkan na kontrolado ang malalaking negosyo sa bansa. Hindi lang ito simpleng kasal, ito’y para sa kapangyarihan at pera. "Oo," sagot ni Gwen. "Pero ayoko. Mahal ko ang boyfriend ko, Kaisha. Kailangan ko ng tulong mo." Bawat salita ni Gwen ay punong-puno ng takot at pagmamakaawa. "Pumunta ka sa kanila, magpanggap ka bilang ako. Gawin mo ito para sa akin." Napatigil si Kaisha, hindi makapaniwala sa hinihiling ng kanyang kapatid. "Pumunta sa mansyon nila? Gwen, delikado 'yan. Paano kung mahuli tayo?" "Walang makakakilala sa akin doon. Gawin mo ito, Kaisha. Ako na ang bahala sa lahat ng gastusin mo—pangarap mo, pag-aaral mo. Pangako," sagot ni Gwen, desperadong-desperado. Tahimik si Kaisha, nilulunod ng mga alaala ng kanyang ama at ng hirap na pinagdaanan niya simula nang mawala ito. Noong namatay si Engineer Frederick Granel, nawalan siya ng katuwang at gabay. At mula noon, pakiramdam niya ay isa siyang estranghero sa sariling tahanan, palaging ipinapaalala na isa lamang siyang anak sa labas. Ayaw niyang humingi ng kahit anong tulong mula kay Tita Mathilda o kay Gwen. "Sige," bulong ni Kaisha. "Gagawin ko." KINABUKASAN, nasa loob na si Kaisha ng isang itim na sasakyan, papunta sa mansyon ng mga Montenegro. Nakatingin siya sa malayo, sinusubukang pigilan ang kabang bumabalot sa kanya. Ang bawat kanto ng kalye, ang bawat puno at gusaling nadaraanan, ay parang paalala na wala nang atrasan sa plano nila ni Gwen. Ginawa na niya ang desisyon at kailangan niya itong panindigan. Habang papalapit ang sasakyan sa malalaking tarangkahan ng Montenegro, lalong bumilis ang t***k ng puso ni Kaisha. Hindi niya inakala na dadating ang araw na makakarating siya sa ganitong sitwasyon. Nang bumaba siya ng sasakyan, ramdam niya agad ang malamig na simoy ng hangin. Tumingala siya at pinagmasdan ang engrandeng mansyon na parang kuha mula sa isang pelikula—malalaki ang haligi, perpekto ang disenyo, at tila napakatahimik ng paligid. "Ma'am Gwen?" bati ng isang kasambahay, isang magalang na ngiti sa mukha nito. Bahagyang napatigil si Kaisha, ngunit agad siyang ngumiti pabalik at tumango, pilit na inaangkin ang pagkakakilanlan ng kanyang kapatid. Pumasok siya sa mansyon, ngunit sa bawat hakbang ay tila lalong bumibigat ang nararamdaman niya. Alam niyang may malaking risk sa ginagawa niya, pero wala na siyang magawa kundi ipagpatuloy ito. Mahirap man, kailangan niyang gawin ang papel na ito—para sa sarili niyang pangarap, at para na rin sa pangako niyang tutulungan si Gwen. Nilingon ni Kaisha ang malaking pintuan sa harapan. Ito ang nagsisilbing pasukan patungo sa bulwagan ng napakalaking bahay. Old hardwood chairs, intricately designed floors na parang gawa sa mga masalimuot na laces at swirls ang bumungad sa kanya. Para siyang napadpad sa isang lumang mansion mula sa medieval times o noong 1800s pa. Huminga siya nang malalim bago humakbang papasok. Ang bawat hakbang ay tila pumapaloob sa isang mundo ng nakaraan. Pagtapak pa lang niya sa unang baitang ng hagdan, agad siyang napaangat ng tingin. Mga painting sa kisame ang bumati sa kanya—mga anghel na may mahahabang espada at sibat, tila pinagmamasdan siya, hindi para tanggapin kundi upang husgahan. Ang mga pakpak ng mga ito, napaka-pristine at malalapad, nagpapakita ng kapangyarihan at kabanalan. Sa gitna ng napakalawak na dance floor, nakabitin ang isang engrandeng chandelier na nagbigay liwanag sa buong lugar. Sa tapat nito, ang hagdanang pula ang carpet at may mga balustradang paikot na parang tumatangay sa kanya pataas. Sa magkabilang gilid ng hagdan ay may mga porselanang leon, nagmamasid na parang mga tagapagbantay ng kastilyo. Nagpatuloy ang tingin ni Kaisha sa itaas, kung saan naroon ang mga portrait ng mga may-ari ng bahay—ilang mukha ang halatang napakatanda na, samantalang ang iba'y mukhang bago at mas detalyado ang mga pagkakaguhit. Ang mga muwebles ay tila nagtatago ng mga kwento. Kung hindi ito kulay ginto, abo o kahoy naman, at lahat ng iyon ay nagpapahiwatig ng kapangyarihan at kayamanan. "You're just on time, hija!" Agad bumaling ang tingin ni Kaisha sa isang matandang babaeng lumapit sa kanya. Ngumiti ang matanda at hinalikan siya sa pisngi. Pilit na ngumiti si Kaisha, pero ramdam niya ang pag-aalangan. Bagama’t nakangiti ang matanda, hindi niya maiwasang isipin na tila may laman ang bawat galaw nito. Mula sa mga kilay nitong mataas at sa mga matang tila laging nagmamasid, alam ni Kaisha na ang babaeng ito ay minsang naging napakaganda, kahit ngayon na kumukulubot na ang balat at kumupas na ang buhok. "Pagod ka ba? You have the whole day to rest," sabi nito habang iniangat ang hawak na wine flute, tila patuloy na ipinapakita ang marangyang pamumuhay nila. "Ayos lang po, Ma’am," agad niyang sagot, pero naputol iyon nang bahagyang tumaas ang kilay ng matanda. "Don't call me Ma’am!" Halata ang konting inis sa boses nito, pero mabilis ding bumalik sa kalmadong ngiti. "You may call me Lola, hija. O kung ano man ang tawag mo sa lola mo! Hindi ka ba nasabihan ni Gwen?" Umiling si Kaisha, sinubukan niyang ngumiti, pero nanatili ang kaba sa kanyang dibdib. "What about the other things, were you informed?" tanong pa ng matanda. Hindi alam ni Kaisha kung paano sasagot. Hindi niya rin alam kung ano ba talaga ang dapat niyang gawin. Sa ngayon, dalawa lang ang malinaw sa kanya: Una, kailangan niyang manatili rito sa loob ng dalawang buwan—o buong summer. Pangalawa, may pakakasalan siya, kahit hindi pa niya alam ang buong detalye tungkol dito. Bumuntong-hininga ang matanda at umiwas ng tingin. "Your Mum is cruel! Sana sinamahan ka niya rito. Saan ba siya nagpunta?" "Sa Switzerland po," mahinang sagot ni Kaisha. Tumango ang matanda, sabay hagod ng tingin mula ulo hanggang paa ni Kaisha. Ramdam niyang pinagmamasdan siya ng mabuti kaya't napatingin din siya sa suot niya—isang white floral dress, strappy sandals, at ang straight brown hair niya na malayang nakalugay. Napalunok siya at pilit ngumiti, kahit ang puso niya ay bumibilis ang t***k. "It's been a long time since I last saw you. You were just ten years old! Look at you now!" Maluwang na ngiti ang binigay nito sabay yakap kay Kaisha. Ngumiti rin si Kaisha, bahagyang nabawasan ang kaba sa kanyang dibdib. Nawala ang takot sa yakap ng matanda. "You slightly resemble your mother now. Except that your eyes are not..." Biglang nabago ang mukha ng matanda, "as... singkit as I remember. Well, nagbabago ang mga katangian over time." Muling gumala ang mga mata ng matanda mula ulo hanggang paa ni Kaisha, para bang sinusuri bawat detalye ng kanyang itsura. "I hope you're not too tired. Hinihintay ko pang bumalik dito ang aking apo." Tumango si Kaisha nang marahan. "Senyora," biglang nagsalita ang isang kasambahay na nakasuot ng uniporme. Sumulyap ito kay Kaisha bago bumulong sa matanda. "Papasok na si Sir Xero." "Mabuti," matamlay ngunit seryosong sagot ng matandang babae.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook