Chapter 4

1215 Words
"Ikaw, Gwen?" sabay bigay sa kanya ni Yvvo. Umiling si Kaisha. "Hindi ako umiinom, e." "Oh? You haven't tried even a bit?" Umiling muli si Kaisha. Pero hindi maipagkakaila, medyo kuryoso rin siya roon. Hindi siya nasusubukan dahil wala siyang panahon para mag-aksaya ng pera para diyan. Hindi rin naman siya pinapainom ni Tita Matilda sa bahay kahit maraming wine. "I'm surprised!? Even wine?" "Wala pa..." sabay ngiti ni Kaisha. Nagsalin si Samuel ng inumin sa kanyang baso. He mixed it with orange juice. Nagulat si Kaisha nang lumapit siya. "Try this for beginners. Don't worry. Isa lang para hindi ka masobrahan. Hindi ka naman na minor, eh. Hindi ka pa nakakatikim nito? What about your debut? Did you have any? Kahit wine? Baka nakalimutan mo lang?" pagtataka nito. Tinanggap ni Kaisha ang inumin. Hindi siya umiinom. Pero si Gwen, nakikipagg-inuman nga sila noon! s**t! Pero siya... bilang si Kaisha, hindi pa. "Uh, no." Mahirap magsinungaling sa hindi pa nararanasan kaya mas mabuting sundin ang alam niya... o ang hindi niya alam. "Masarap ba 'to?" pagdududa niya. Tumango si Samuel. "Oo! Subukan mo!" It's true, alright. Pero sa huli, pagkalunok niya ng lahat, may mainit na sensasyon sa kanyang lalamunan hanggang sa tiyan. It is slowly taking over her senses... her arms... her hand... and her head. But overall, she is still okay. Tumawa si Samuel. Kumunot naman ang noo ni Yvvo. "You immediately blushed!" si Samuel. "It's her first time. That's enough," si Yvvo. "I know. I'm just letting her drink one." Tawanan at kwentuhan ang ginawa nila. Sa huli, sumuko si Kaisha at nagpasyang magpahinga. Medyo malakas ata ang alak o talagang ganoon katindi kapag unang beses makainom. She feels a bit warm inside... and her head is fuzzy. "Mauna na ako sa inyo," sabi ni Kaisha nang sa wakas ay nagkaroon ng tyempo. Pumayag naman sila. Pinagtatawanan pa siya ni Samuel. Lasing na raw siya, na agad niyang pinabulaanan. Sinabi lang niya na ibabalik niya ang sketchpad at siguro'y mag-si-siesta saglit. Hiningal siya pagkaakyat sa stone stairs. Pakiramdam niya ay may kinalaman ang alak sa pawis at medyo uneasy ang kanyang feeling. Umikot siya at dumiretso sa bulwagan. Naroon nga si Xero sa kuwadra at nagpapakain ng kabayo kasama ang isang tagapangalaga. Nagtama ang tingin nila bago siya lumiko. He looks angry. Oh well, kailan ba siya hindi nagmukhang galit at nakakatakot? Milagro kapag dumating ang araw noon. Lumiko siya at dumiretso sa kusina para makainom ng tubig bago umakyat. She can always call for Feliza, but she's not used to a life with a maiden so she can do it herself. Walang tao sa malawak na kusina. Kumuha siya ng baso at naghanap ng dispenser para makainom. Kasali pa ang pagiisip ng milagrong araw kung kailan magmumukhang maamo si Xero Montenegro. Naku! Puputi ang uwak kung sakali. "Nakainom ka?" Kamuntik niyang nabitiwan ang baso sa gulat. Si Xero ay nasa malayong likod niya nang nagsalita. Napahawak siya sa dibdib sa kaba. "Nakakagulat ka naman—" "Nagtatanong ako kung uminom ka ba?" he demanded an immediate answer that she's suddenly pissed. Nakakainis talaga ang lalaking ito! Sino ba siya sa akala niya para makapagsalita ng ganito? Para makapagtanong at demand ng ganito? I am not a rude person, but when someone is rude, I can't help but mirror the attitude. "Anong problema mo?" medyo nataasan niya ang boses. Hindi niya alam kung dahil sa alak o talagang napupuno na siya sa isang ito. Lumipad ang mata ni Xero sa sketchpad na nailagay niya sa nook malapit sa kanya. Nakita niyang nilagok niya ang mga labi niya. Mas nadepina ang pamumula nito dahil sa ginawa. He tilted his head, giving her a good look at his corded neck and angled jaw. His hair is falling a bit on his forehead, tanda na medyo nag-overwork siya kanina sa mga kabayo. "Nagtatanong ako kung uminom ka ba?" malamig at marahan niyang tanong. "Ano naman ngayon kung oo? Sino ka ba para kwestyunin ito?" Kitang-kita niya ang galit sa kanya. Agad siyang nagsisi sa sinabi, lalo na nang lumapit siya sa kanya. Malalaking hakbang ang iginawad niya sa marmol na sahig para lang mabilis siyang makalapit. Sa takot niya, akala niya'y sasaktan siya. Her heart thumped so fast that she thought her ribcage would break apart. "Ako ang mapapangasawa mo, kung hindi mo alam! Ngayon nagtatanong ako sa'yo dahil responsibilidad kita simula noong idineklara tayong dalawa!" Oh this hypocrite? "Hindi pa tayo kasal! And oh, shut up! You're not actually doing this because I'm your responsibility! You're doing this for yourself! For your ego! Ano? Ano?" hamon ko with matching facial expression ng naghahamon. "Naaapakan ba? Naapakan, Xero?" I saw him inhale so deep I thought he'd explode. "You are my future wife! I will not tolerate this kind of attitude from you!" Wow! Really. Wow! You have exceeded my expectations, Xero Montenegro! You are not just a hypocrite. You are also demanding and manipulative. I pity Gwen so much. Buti na lang pinili niya ang boyfriend niya ngayon. "And you are my future husband! If I say I cannot tolerate this kind of attitude from you, what are you going to do? Huh?" Nalaglag ang kanyang panga. Napatingin ako sa kanyang labi. Unti-unti niyang inigting ang bagang habang ganoon ang itsura. And I've never seen him more vicious than right now. Nanliit ako kaya hindi ko alam kung anong pwersa ang nagpapatayo pa sa akin sa harap niya. Maybe it's the alcohol. Totoo siguro pala ang sinabi nilang nakakalakas daw ng loob ang alak. "Anong ibig mong sabihin? Mas gugustuhin mong makasal sa iba, kung ganoon?" marahan niyang sinabi. "Oo! Mas gugustuhin ko! Yvvo and Samuel are better men. Samuel is better than you! I like him better! I'd rather have him as my husband than you!" A punch right through the granite nook made me tremble. Kumalabog ang buong kusina at napapikit ako sa takot. Nang dumilat ako'y nakalayo na siya. Mabilis ang lakad niya palayo sa kusina kaya nilubos-lubos ko na ang lahat. "Hindi ako nagrereklamo sa mga babae mo kaya wala kang karapatang magreklamo sa mga ginagawa ko. Kung sinabi kong tumigil ka sa pambababae, gagawin mo? Huwag kang magmalinis, ipokrito ka rin, e! Kapag ako hindi pwede, ikaw pwede? Wala akong pake sa'yo kaya wala ka rin dapat na pake sa akin!" I screamed at the top of my lungs kahit pa nakaalis na siya ng kusina to God knows where. Hiningal ako pagkatapos na magsalita. Pumikit ng mariin at sinapo agad ang aking noo. Goodness! What was that!? But damn, it feels so good to finally say it. "A-Anong nangyari, Ma'am Gwen?" bungad ng nanginginig na si Feliza. Lumabas din ang ilang kasambahay kasama ang mayordomang si Mercedita. The lady looked at all the housemaids. Ngumiwi ako at yumuko. "Pasensya na po," sabi ko. Tumango ang mayordoma sa akin. "Maayos sana ito, bago makarating sa Senyora Donna." "Pasensya na po talaga..." ulit ko. Tiningnan niya ang sadya kong tubig na hindi ko halos nainom bago niya inutusan si Feliza na ihatid ako sa kwarto kasama ang isang pitsel ng tubig. At bago pa ako nakaakyat, narinig ko na ang marahas na pagsakay ni Xero sa kabayo paalis ng mansyon. Tumingin si Feliza sa akin. "N-Nakakatakot p-pala magalit si Sir."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD