AZRAEL Pinanonood ko ngayon sina Kuya at Clark na nag-eensayo. Nasa Sanctuary kami ngayon para magpahinga. Tatlong araw na kami dito pero parang 'di pa din mawala-wala ang pagod ko sa katawan. Hindi na naman natuloy ang pagpunta namin sa kinaroroonan ng Voodoo Priestess. Lagi na nga lang hindi natutuloy ang pagbabalak namin na hanapin siya, eh. Alam na namin kung saan siya nakatira dahil sa locator spell na ginamit ko. Gamit rin ang larawan niya na ginamitan ko ng mahika, mabilis kong nalaman kung saan mismo nakatira ang babae. Hindi lang talaga namin mapunta-puntahan dahil lagi na lang may sabit. Kaya napag desisyunan na lang muna namin na tumambay dito sa Sanctuary at magpahinga ng ilang araw. Kung makakabawi na kami ay saka na namin gagawin ang plano naming pagpunta sa makapangyar

