AZRAEL
"Hays! Makakakain na din tayo!" si Kuya Billy.
Kaagad siyang nagdasal ng sandali bago niya kinuha ang chopsticks sa harapan niya. Agad siyang lumamon ng mainit na ramen. Ako naman ay gano'n din ang ginawa pero nagdahan-dahan lang ako sa pag kain.
Hindi naman ako kagaya nitong dalawang 'to na kung kumain ay parang 'di nakakakain ng ilang beses sa isang araw sa Sanctuary. Eh, halos kada oras na nga silang busog dahil sa mga pinapadala sa kanilang mga pagkain galing sa mga may gusto sa kanila.
Tama, sa Sanctuary ay ang mga babae ang nagbibigay sa kanila ng pagkain. May iba pa nga na nanliligaw.
"Azrael, kumain ka naman nang mabuti. Sige ka! Wala nang babaeng magkakagusto sa'yo sa Sanctuary kapag nangayayat ka!" si Kuya Billy.
"Hindi naman ako kagaya ninyo na swapang sa chics!" pambabara ko kay Kuya.
"Oh, ba't 'kayo'? Ba't parang damay ako?" si Clark.
"Hah! Pa-inosente ka pang, gago ka! Eh, mas pabebe ka pa nga sa babae kapag niligawan, eh!" duro pa ni Kuya kay Clark.
"'Ngina mo, ah! Ikaw nga ang hambog mo. Kung maka-reject ka nga ng chics, 'kala mo naman gwapo!" ganti sa kanya ni Clark.
"Gwapo naman talaga ako! 'Tangina ka!" pagmumura ni Kuya kay ark na ikinakunot ng noo ko.
"Seriously? Sa harap ng pagkain?" hindi ko mapigilang sumingit sa dalawa.
"Hetong kuya mo kasi! Parang gago!" Si Clark.
Natahimik naman sila at natigil na lang sa kanilang pagbabangayan. Kumain naman ako ng maayos. Habang kumakain kaminay saka ko lang naramdaman ang lubos-lubos na gutom.
Hindi pa kasi kami kumain simula noong umalis kami sa Sanctuary kaninang umaga. Gusto na daw kasi nitong dalawa mamasyal at magliwaliw naman na parang tao. Gusto ko din naman 'yon kaya nga ako sumama sa dalawa.
Nandito lang kami sa isang Korean eatery. Maraming kumakain, patok dito ang ramen nila. Kaya 'yon na lang din ang binili namin. Matagal na din kasi simula noong pumunta kami sa Korea para kumain ng ramen.
Ibang grupo kasi ngayon ang nakaatas na maglibot sa Korea. Ngayon na naging aktibo na ulit ang mga masasamang Magicians ay mas nagiging busy ang Sanctuary. Mas maraming grupo ang nabuo at ipinadala sa iba't-ibang misyon.
Sa ngayon, inatasan kami ni Master Mistic na bantayan ang Pilipinas. Halos Pinoy din kami sa aming grupo na naririto. Sa katunayan nga ay nahati kami.
Ang grupo nila Chen na nasa China ngayon ay dati din naming kagrupo. Anim kami sa aming grupo at hinati kami ni Master Mistic. Napakahirap nga kasi tatlo na lang kami dito. Tatlo na lang din sila Chen doon sa China.
"Nakakapagod," biglang sabi ni Clark na ikinatingin ko naman sa kanya. Nakasandal na siya sa upuan. "Nakakapagod talaga."
"Walang silbi ang pagod natin sa ngayon. Hindi na dapat natin inuuna pa 'yan kasi parang mas nagiging aktibo pa ang Dark Practice," si Kuya.
"Wala pa tayong alam kung anong intensyon nila. Ni-hindi natin alam kung saan ang lungga nila," si Clark.
"Isa pa lang sa lungga nila ang nadiskubre natin. 'Yong kweba, pero liban pa don ay wala na," wika ko pa sa kanila na ikinabuntong-hininga naman ng dalawa kong kasama.
"Sa ngayon, wala pa namang itinalang malagim na kaganapan. Wala naman akong nararamdamang pahamak," si Kuya. "Azrael, paano kaya kung puntahan natin ngayon ang Voodoo Priestess."
Napatingin naman ako kay Kuya at ganoon din si Clark. Napatango na lang ako sa kanila bilang pagsang-ayon.
Tama sila. Ngayon na ang tamang oras para puntahan ang Voodoo Priestess na biniktima ng kampon ng kapwa niya rin Voodoo. Makakatulong siya sa amin para hanapin ang ibang lungga ng mga kasapi ng masasamang Voodoo.
Base sa aming nakalap mula sa aming imbestigasyon sa kweba. Nalaman namin na ang grupong iyon ay nabibilang sa Dark Practice. Sila ang mga Magicians na may masasamang budhi at nagpapalaganap ng itim na mahika.
Malamang ay may alam ang Voodoo Priestess sa balak ng kanyang mga kauri. Kailangan namin siyang mahanap ngayon din dahil isang malaking tulong siya sa amin.
At sana, kung papalarin ay papayag siyang makiisa sa amin. Para matalo ang Dark Practice. Napapansin kong napakarami na nila at nagkalat na sila sa buong mundo.
Ang mga Wizards ay nagkakaubusan na dahil marami din sa amin ang nasawi dahil sa mga nangyayaring engkwentro laban sa Dark Practice. Mas lalo lang silang lumalakas dahil napakarami nilang sabay-sabay na nagriritwal.
Ang Sanctuary ngayon ay bukas para sa mga gustong magsanay ng mahika. Naghahanap ang Sanctuary ng mga bata o kahit na matatanda, na handang maging Wizard para ipagtanggol ang kabutihan.
Marami man ngayon ang nakapasok sa Samctuary para mag-aral. Hindi pa din iyon sapat dahil ang mga ganap nang Wizards ay kaunti na lang din. Minamadali na nila ang pagtuturo at pagsasanay ng mahika sa mga bagong dating.
Matapos naming magpahinga mula sa pagkabusog ay napagdesisyunan na naming tumayo. Aalis na kami sa kainan na 'yon. Si Clark naman ang nagbayad ng aming mga kinain saka lalabas na sana.
Nang umikot ako ay napaatras na lang ako dahil sa aking nakabangga.
"S-Sorry..." paghingi ko pa ng paumanhin.
Sa lakas ng pagkabangga namin ay natanggal ang suot niyang hood at lumantad sa harapan ko ang mukha ng isang lalake na kasing tangkad ko lang. Meron siyang bigoteng manipis at napakasama ng titig nito sa akin, wala siyang buhok na mas lalong nagpalakas ng kanyang dating. Nagmumukha siyang siga.
Masama ang kanyang pagtitig sa akin. Nilampasan niya ako habang nakatitig sa akin at nang inalis niya ang kanyang tingin sa akin, saka na siya tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi lang 'yon doon natigil. Dahil nang siya ay nakatalikod, saka ko lang din napansin na mayroong simbolo na nakaguhit sa kanyang leeg. Napansin ko 'yon bago niya ibinalik ang kanyang hood sa kanyang ulo. Natatandaan ko 'yon. Alam ko ang simbolo na 'yon!
Dark Practice..
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at mabilis siyang sinundan ng tingin habang siya ay papunta sa counter. Hindi pa man siya nakakalayo ay tinawag ko siya.
"Hey!"
Napatigil naman siya na parang napansin ang pagtawag ko sa kanya. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Galit ang kanyang mga mata, hindi ko maintindihan pero napakasama ng tingin nito sa akin. Baka kilala ako nito.
"What is that tattoo in your neck?"
"Why?" malalim ang kanyang boses.
"I wanna know what that means," tanging sagot ko sa kanya na ikinangisi naman niya.
"Why do you care?"
"I just wanna know," sagot ko at humakbang papalapit sa kanya. "I think I saw that somewhere."
Ngumisi lang siya. "Whatever, Wizard."
Tumalikod siya sa amin. Tila nabingi ako nang marinig ko ang kanyang sinabi. Alam niya kung ano kami! Tama ang hinala ko!
Hindi na ako nagdalawang-isip pa na atakehin siya ng suntok! Inipon ko ang lakas ko para suntukin ang lalake ngunit bago pa man iyon lumapag sa kanyang likod ay bigla na lang siyang umikot paharap sa akin at pinigilan ang aking kamao gamit ang kanyang isang palad!
Inipit ng kanyang kamapy ang aking kamao at tila nagsisimula na itong sumakit! Napakalakas niya! Napatingin ako sa kanya at ngayon ay tila puno ng galit ang kanyang mukha.
"Fool."
Gamit ang kanyang lakas ay nagawa niya akong ibalibag nang hawak-hawak lang ang aking kamao! Inihagis niya ako na siyang ikinabagsak ko sa lamesa!
Narinig ko ang tilian ng mga tao! Nagtakbuhan na din sila sa palabas ng kainan dahil sa takot sa nangyari!
Mabilis naman akong nakabawi at agad na tiningnan ang lalake. Binalak ni Kuya Billy na atakehin ang lalake ngunit nagawa lang din siya nitong patalsikin dahil lang sa pag-sipa.
Namataan ko si Clark na nag-summon ng espada sa kanyang kanang kamay at inatake ang lalake ngunit napigilan nito ang kanyang braso at saka hinagis muli sa kabilang banda ng kainan!
Anong klaseng Magician siya?
Bumangon naman ako kaagad at pinag-krus ang aking mga braso at bumuo sa aking mga palad ng enerhiya. Pumosisyon ako na parang naghahanda sa pag bwelo. Namuo ang enerhiya sa gitna ng dalawa kong palad saka ito inihagis sa kanya!
Bumulusok papunta sa direksyon ng lalake ang mataas na boltahe ng kuryente! Ngunit nagulat ako sa aking nakita dahil hindi man lang siya tumilapon!
Nakita ko kung paanong hinigop ng lalake ang kuryente na ipinakawala ko. Namuo ang mga kuryente sa braso ng lalake. Tila umiilaw ang kanyang kalamnan at may dumadaloy na kuryente sa kanyang katawan at braso.
"WEAVER!"
Sigaw ni Kuya Billy na ikinaalerto ko. Mabilis naman akong napayuko nang biglaang ipinukol ng lalake ang hindi mabilang na hibla ng kuryente patungo sa doreksyon namin!
Napaangat naman ako ng tingin nang mapansin ang asul na mandala na binuo ni Kuya Billy upang maging barrier.
"Napakalakas niya! Ngayon lang ako nakaharap ng Weaver na ganito!" si Kuya Billy, napapangiwi siya dahil parang nahihirapan siya sa pagsangga ng kapangyarihan ng kaharap namin ngayon.
Nang tumigil ang lalake ay agad kaming nakabawi. Kumilos naman ako para iwasiwas ang aking mga kamay. Gamit ang pwersa ng hangin ay tinangay nito ang isang lamesa na agad namang umimbulog patungo sa kinaroroonan ng lalake.
Nabigyan ng pagkakataon si Clark na makalapit sa lalake dahil sa pag-atake ko na 'yon. Sinuntok naman ni Clark ang lalake na siyang ikinaatras nito. Aatake na sana si Clark nang biglaan na lang siyang tumilapon dahil nakabawi kaagad ang lalake at pinatamaan siya ng kuryente!
Umatake ulit ang lalake para patamaan si Kuya Billy! Sinangga naman ni Kuya Billy ang hibla ng kuryente gamit ang kanyang mahika. Ang hibla ng kuryente ay sinalo ni Kuya at ginawa itong isang nagliliwanag na enerhiya!
Itinutok ni Kuya ang liwanag na namuo sa kanyang mga palad sa lalake na siyang ikinasilaw niya! Sa oras na 'yon ay agad din akong tumakbo patungo sa lalake para umatake.
Napansin ko ang kanyang kamay na parang nagbabadyang magpakawala ng kuryente! Naitutok niya ito sa akin na kaagad ko namang pinaghandaan. Namuo ang maliit na mandala sa aking kamay na siyang sumalo sa kuryenteng pinakawalan ng lalake!
Sinuntok ko siya ng pagkalakas-lakas na siyang ikinaatras niya ng ilang hakbang. Agad akong bumawi at sinipa ang kanyang tuhod na ikinadaing naman niya!
Akma niya akong aatakehin ng kapangyarihan niya ngunit agad kong hinawakan ang kanyang kamay. Sa halip sa tumama sa amin ang kuryente ay kanya itong pinakawalan sa ibang direksyon!
Sinipa ko kaagad ang isa niya pang tuhod at sinuntok ang kanyang tiyan. Agad naman akong umatras upang bigyan ng pagkakataon si Clark na umatake. Gamit ang kanyang nai-summon na espada ay ginilitan niya sa leeg ang lalake na siyang ikinatalsik ng masagana nitong mga dugo.
Nangisay ang lalake at napahandusay sa sahig. Maya-maya pa ay tila tinunaw ng asido ang kanyang katawan hanggang sa buto na lamang nito ang naiwan.
Saka lang kami nakabawi nang makarinig kami ng sigawan mula sa labas ng kainan. Mabilis kaming tumakbo nila Kuya palabas ng kainan at nakita ang isang truck na inaararo ang mga kotse at mga sasakyan sa daanan!
Kapansin-pansin naman ang basag na bintana sa may driver's seat at sunog na pinto. Hindi maaari!
Tinamaan ang driver ng ligaw na kapangyarihan ng weaver!
Agad kaming nagkatinginan ni Kuya at ni Clark saka mabilis na tumakbo patungo sa mabilis na truck. Sigawan at tilian ang maririnig sa buong kalsada. Maraming mapapahamak dahil sa truck na 'to!
Hindi namin mahabol ang truck! Ngunit huli na!
Napahinto na lang kami nang marinig ang isang malakas na kalabog at pagkabasag. Nagulat kami nang makita ang misteryoso at biglaang pag-angat ng truck sa ere kasama ang isang kotse na kasama nito sa pag-araro!
Nang ito ay bumagsak. Napatingin kami sa harapan ng truck. Naroon nakatayo ang isang lalake na nakaangat ang kamay. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil mayroon itong suot na mask. Sa kanyang likod ay may bata na nakatayo.
Maya-maya lang ay may lumapit sa kanya na babae. May suot din itong mask kaya hindi ko maaninag kung ano ang hitsura nila. Nakita ko kung paanong tumingala ang babae.
Kadabay noon ay ang pagbuhos ng malakas na ulan.
"Tangina! Paano nangyari 'yon!" si Clark.
Ang lahat ay nagulat sa nangyari. Lahat ay hindi makabawi kaagad. Ngunit ako, iba ang nakaagaw ng pansin ko.
Sino ang dalawang taong 'yon?
Mayroon silang kapangyarihan. Maaari kayang Magicians din sila? Kita ko ang mga nangyari at kung ano ang ginawa nila.
Nang tingnan ko ulit ang direksyon ng dalawang tao ay wala na sila doon.
Kailangan ko silang mahanap.
ITUTULOY.