CHAPTER 8: WENDY PRIME “Samahan mo ‘ko sa Irid Mountain, kailangan kong ipakita na nahuli kita.” Halos masamid ako sa kinakain kong pagkain pagkarinig ko no’n galing sa kaniya. Kumakain ako sa hapag ng lunch ko habang siya naman ay binigyan ko naman din ng pagkain... pero sa malayo siya nakaupo, particularly sa bintana. Kahit naman may proof siyang binigay kanina na hindi talaga siya ang kumuha kay Lola Detta ay hindi pa rin ako nagtitiwala sa kaniya nang buo. Hindi pa. “Oh, teka, alam ko ang tingin na ‘yan,” pangunguna niya sa masamang titig ko sa kaniya habang nakaturo ang daliri niya sa ‘kin at ang palad ay may hawak na fried chicken. “Magpapaliwanag ako bago mo maisipang sapakin na naman ako o kwelyuhan.” Pinagdiretsong linya ko lang ang mga labi ko saka nagbaba ng tingin sa kina

