"Okay fine, I will sign the prenuptial agreement. After all, you have been honest with me sir Ronald. I will confess to you, I will do it for the sake of my father," ani George na may matatag at seryosong boses.
Matapos pirmahan ang prenuptial agreement, iniabot ni George kay Ronald, na sinuri ito bago inilagay sa brown envelope. Samantala, nilagay naman ni George ang checke sa kanyang leather wallet. Nang muling magtama ang mga mata nila ni Ronald, pareho silang ngumisi habang kinukuha ang interes sa isa't isa.
Niyakap ni Mariah si George at hinalikan sa pisngi. "I'm delighted we're officially together, and it'll only be a matter of time bago tayo magpakasal," bulong niya.
Naiinis pa rin si George at gusto niyang tanggalin ang mga kamay ni Mariah sa kanya pero tinago niya ang inis gamit ang pekeng ngiti.
Nilapit ni Mariah ang bibig sa tenga ni George at tinanong siya. "So, pwede ba tayong mag-date?"
Halos manlaki ang mata ni George nang marinig ang ibinulong ni Mariah, tumingin ito sa kanya at nagtanong. "Okay, pero saan tayo pupunta?"
"Pupunta tayo sa coffee shop kung saan kita unang nakita. I prefer going back to the place where I first met you to begin our first date. So, should we go now?" Tanong ni Mariah na nakakapit pa rin sa balikat ni George.
Sa isip-isip ni George, gusto niyang tanggihan ang dalaga, pero alam niyang hindi siya pwedeng humindi sa harap ni Ronald. Kaya naman pumayag siya kahit labag sa kalooban niya. Muli niyang itinuon ang tingin kay Mariah.
"Oo naman, gusto ko ring uminom ng kape," sagot ni George.
"Well, right now I will take care of everything for your wedding. Use this opportunity to get to know each other," ani Ronald habang tumatayo sa kanyang mga paa.
Napaiyak si Mariah sa sobrang saya. "Salamat, dad! Hindi sapat ang pasasalamat ko sa pagtupad mo sa aking nag-iisang pangarap."
"Alam mo kung gaano kita kamahal, Mariah. Gagawin ko ang lahat para sa iyo, sapagkat ikaw ang nag iisa kong anak."
Bago umalis, niyakap ni Ronald ang anak at hinalikan ito ng paalam. Lumabas siya kasama ang dalawa niyang bodyguard, hindi rin nagtagal, hinawakan ni Mariah si George sa bewang at naglakad na sila sa labas ng opisina. Pinagmamasdan ng mga tahimik na tsismiso at tsismosa sina George at Mariah habang naglalakad sila papalayo. Samantalang naging usap usapan sa opisina na pera lamang ang naging pakay ni George sa kanyang biglaang girlfriend. Pagdating nila sa coffee shop, binayaran ni Mariah ang inorder nilang kape at cake. Bahagyang nahiya si George sapagkat hindi niya matanggap na kailangan niyang lunukin ang pride niya.
Umupo sila sa tapat ng isa't isa at inunahan na ni Mariah si George sa pagsasalita.
"My condolences to you, George. Namatay ang mga magulang mo at alam kong pinipilit mo ang sarili mong pumasok sa trabaho kahit na hindi ka okay," sabi ni Mariah pagkatapos humigop ng kanyang kape.
Huminga ng malalim si George habang bumabalik ang sakit ng pagkawala ng kanyang ama. "Salamat, Mariah, well hindi ko talaga alam kung magiging okay ako. Iba ang sakit kapag nawalan ka ng mahal sa buhay. Hindi umiikot sa akin ang mundo at marami ring trabaho sa opisina that I need to attend to. Anyway, let us not bring up the past, can you describe how you first saw me? I am just curious!"
"Well, actually, nakaupo kami ng tatay ko sa likod ng table mo. Nagkataon lang na nakaupo ka sa harap ko at sa tuwing titingin ako sa tatay ko, napapalingon ako dahil sa gwapo mong mukha. Kahit kailan, hindi ka tumitingin. sa akin habang suot ko ang aking belo at shades. At ang iyong magandang ngiti ay bumihag sa aking puso at simula roon, napagtanto ko na nahulog ang loob ko sa iyo kaya hiniling ko sa aking ama na hanapin kung saan ka nakatira, at ang natitira ay kasaysayan."
"I see, what a coincidence? Maliit lang talaga ang mundo, 'di ba? Pero may masasabi ka ba sa akin tungkol sa sarili mo, tulad ng family background mo o mga hobbies mo?"
"Wala na masyadong nangyayari sa buhay ko bukod sa wala na akong nanay. Bata pa lang ako namatay siya, nasunog ang bahay namin at naiwan ako sa loob, tapos niligtas niya ako. Nasunog ang katawan ko. Kaya naman nagkaroon ako ng mga peklat sa iba't ibang parte ng katawan ko. Simula noon, lagi akong nagkukulong sa kwarto ko at bihira na akong lumabas para maiwasang maging sentro ng pangungutya. Para maiwasang ma-bully, napagdesisyunan ng tatay ko na i-homeschool ako!"
"Nagka-boyfriend ka na ba?" tanong ni George habang mabilis na inuubos ang cake niya.
Napabuntong hininga si Mariah. "I had two boyfriends but as Dad said, they fooled and cheated on me. Though given my awful situation, I don't have a problem with that. I mean, sino ba naman ang magnanais na makasal sa isang pangit at kasuklam-suklam na tulad ko? If it's not for his money. I would surely never experience having a love life, I'm proud of him!"
Nagsisi si George sa tanong niya matapos makita ang malungkot na mukha ni Mariah. "I'm sorry, I don't mean to bring up your past horrible experience, it will not happen next time!"
"George, tell me the truth, you don't like me, right? The only reason why you allow me to be married to me is to save your company, di ba?" prangkang tanong ni Mariah.
Hinawakan ni George ang kamay ni Mariah at sumang-ayon sa sinabi nito. "Oo, tama ka sa hinala mo. 100 million investment lang ang habol ko. Gayunpaman, hindi ibig sabihin na hindi ko na bibigyan ang sarili ko ng pagkakataon na makilala ka ng lubusan."
Binigyan siya ni Mariah ng isang masayang ngiti. "Salamat, at least may ilang araw pa tayo para magkakilala!"
"Pero anong klaseng kasal ang gusto mo? Fancy o simple?"
"I prefer something simple and to have a baby with you, yun ang sinabi ko sa tatay ko!"
"Civil wedding? Akala ko lahat ng babae gustong magkaroon ng eleganteng kasal. That is the highlight of every woman's life. Mali yata ang paniniwala ko?"
"Gusto ko lang mag-imbita ng ilang tao sa kasal ko. I have anxiety seeing many people!"
"Anyway, I'm okay kung anong set-up," sagot ni George nang mapagtanto niyang boring na babae si Mariah at walang espesyal sa kanya bukod sa pagiging mabait.
Nagpatuloy ang pag-date nina George at Mariah hanggang sa kanilang civil wedding na iilan lang ang dumalo, kasama na ang ama ni Mariah at ang kanilang dalawang bodyguard at ang board of directors ng kumpanya ni George. Nasaksihan nilang lahat ang pinakamasayang araw ng buhay ni Mariah na itinuturing naman George na pinakamapit na desisyon ng kanyang buhay.
"Ikaw George, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Mariah, na maging kabiyak ng iyong puso sa habang buhay, sa hirap o ginhawa, sa sakit man o sa kalusugan at mamahalin mo ba siya habangbuhay gaya ng sagradong utos ng Panginoon?" Ang tanong ng pari.