Uminom si George at nalugmok sa matinding kalasingan.
Sa gitna ng kawalan ng pag-asa ni George, isang sinag ng pag-asa ang biglang dumating sa kanyang buhay. Lunes ng hapon, isang araw bago ang plano niyang magpakamatay, pumasok si Iza sa kanyang opisina para dalhin ang magandang balita.
"Sir, may bisita po tayo sa labas," nakangiting sabi ni Iza.
Huminto si George sa pagpirma sa mga papeles at lumingon siya kay Iza at tsaka siya sumagot na may halong pagtataka. "Sino sila? Sa pagkakaalam ko, wala akong inaasahang bisita."
Isang mapagmataas na ngiti ang sumilay sa bibig ni Iza. "May binanggit siya tungkol sa investing, pero gusto niyang ipaliwanag nang personal, papapasukin ko po ba siya, Sir?"
Tumayo si George, may kutob siya na ang kanyang bisita ang susi sa pagresolba ng kanilang financial problem. "Sige, ihatid mo siya sa conference room. Susunod ako kaagad, Iza. Salamat!"
Umalis kaagad si Iza at sinamahan ang investor sa conference room bago siya iniwan mag-isa para hintayin ang pagdating ni George. Pagkalipas ng limang minuto, pumasok si George sa conference room at nakita niya ang isang matandang lalaki na nakasuot ng itim na corporate attire. Nasa 50+ na siya at may dalang siyang leather suit bag. Tumayo siya at lumapit kay George.
"So we finally meet again, Mr. George Anderson. Totoo ang chismis na mas gwapo ka sa personal," sabi ng investor habang inaabot ang kamay kay George para makipag handshake upang magpakilala. "Ako si Ronald Geronimo Serbanez at napakasaya ko na sa wakas ay nakilala kita nang personal."
Nakipagkamay si George at ngumisi. "Ikinagagalak din kitang makilala, sir Ronald. Please have a seat!"
Umupo silang dalawa sa tapat ng isa't isa. Nakipag-eye-to-eye contact si George kay Ronald at siya ang unang nagsimula ng kanilang pag-uusap. "So, Mr. Ronald, ano ang layunin ng pagpunta mo sa aking opisina?" nagtatakang tanong niya.
Ngumiti si Ronald. "Nandito ako para tulungan ka sa matitinding problema mo, ituring mo akong anghel na bumaba mula sa langit."
Napabuntong hininga si George nang magsalita si Ronald ng matalinghaga. "Anong ibig mong sabihin, sir Ronald? Can you please try to elaborate?"
Sumandal si Ronald sa upuan at nagsalita sa mababang tono ng boses. "Gusto kong mag-invest sa kumpanya mo, tutulungan kita para maisalba ang naluluging negosyo ng tatay mo."
Nabuhayan ng loob si George, hindi niya akalain na magkakaroon siya ng isa pang pagkakataon na magsimulang muli, at ang ideya ng pagpapakamatay ay biglang nawala sa kanyang isipan. "I'm relieved, kilala mo ba si dad?"
"Hindi ko masasabing magkakilala kami, pero may mga narinig akong kuwento na magaling siyang negosyante at may anak siyang tagapagmana."
"I see, so if it's okay, how much do you intend to invest in our company?" prangkang tanong ni George.
"I will be honest with you, I am planning to invest 100,000 million in your company, although you also have to agree with my condition."
"At ano po ang kondisyon ninyo?"
"I want you to marry my only daughter, Mariah. She has a crush on you and she wanted nothing more in life except to marry you. Frankly saying, I have no interest in you or your company, I just want to make my daughter happy!"
Huminga ng malalim si George habang pino proseso ang mga sinabi ni Ronald. Biglang nabalot ng katahimikan ang kapaligiran sa conference room at hinintay ni Ronald na muling magsalita ang guwapong binata.
Napakamot ng ulo si George at bahagyang na-stress sa mga nangyayari. "Ahhh... teka lang sir, medyo nagulat lang ako, pero bakit hindi mo kasama ang anak mo?"
Sumandal si Mr. Ronald sa kanyang upuan. "Well, I invited her to come with me, pero medyo nahihiya siyang pumunta dito. Aside from that, she wants to have the assurance na tatanggapin mo muna ang kondisyon ko," seryosong sagot ni Ronald.
Naramdaman ni George na pinipilit siya ni Ronald at napagtanto na siya ay isang mayabang na tao. Ipinikit ni George ang kanyang mga mata at narinig ang boses ng kanyang ama sa kanyang isipan, na nagsasabing dapat siyang pumayag sa deal dahil mahalaga sa kanya ang kanilang kumpanya. Muli niyang iminulat ang kanyang mga mata, at kusang gumalaw ang kanyang bibig. "Sige, I agree with what you want. However, I'd like to meet Mariah in person!"
Napangiti si Ronald nang marinig ang inaasahan niyang sagot mula kay George. "That is great, don't worry, I will bring her here tomorrow. Dadalhin ko rin ang tseke at ang pre-nuptial agreement mo."
"Teka, bakit parang ang bilis ng pangyayari? Hindi naman sa ayaw kong magmadali, pero I think you should give me time to know her better, ang weird lang kung ikasal ka sa taong kakakilala mo lang sa araw ng kasal mo, tama ba ako?" matapang na tanong ni George.
"Don't worry, you have time to know each other. I'm sorry kung minadali ko ang lahat, I just want to fulfill her ultimate dream. As a matter of fact, she's very excited to marry you."
"How about our engagement and everything?"
"Don't mind the engagement and all the expenses, ako na ang bahala sa kanila," tumayo si Mr. Ronald at bitbit ang kanyang leather suitcase. "Anyway, I have to go, I have another appointment to attend to."
Tumayo si George at pilit siyang ngumiti. "I look forward to seeing you tomorrow sir Ronald. Too bad, I would still want to invite you for coffee and a tour here in the office. I guess we can do it some other time."
"Walang problema, Mr. George." Iniyuko ni Ronald ang kanyang ulo. "Excuse me, I have to leave now!"
Kumunot ang noo ni George na halatang nag-aalala sa nangyari. Tinitigan niya si Mr Ronald hanggang sa mawala ito sa umalis ito. Maya-maya ay pumasok na si Iza at may bitbit itong tray na may dalawang tasa ng kape. Nilagay niya ito sa mesa at tinanong si George. "Sir, babalik po ba ang bisita natin?"
"Hindi, nagmamadali ang investor namin. May importante pa siyang dapat asikasuhin," sagot ni George.
Napasimangot si Iza. "Sayang naman. Pinagtimpla ko siya ng kape nang hindi muna siya tinanong."
Lumapit si George kay Iza, kumuha ng isang tasa ng kape, at humigop. "Kunin mo na ang natitirang kape at inumin mo. And please don't disturb me in my office, I just need to figure out something."