Chapter ten

2260 Words
YNA's POV Pinipilit kong maging masaya sa Tatlong araw na hindi ko siya kasama. Nakaka bobo lang kasi na, sinaktan na niya ako pero iniisip ko parin siya. Kamusta na kaya siya? Okey lang kaya siya? Kumain kaya siya ng maayos? Hahaha *sarcastic* malamang oo! Ako lang naman itong tangang, nag papaka despirada. Gustuhin ko man na kausapin siya tuwing nakikita ko siya sa School, pero parang ang hirap. Ganun ba talaga ako kadaling kalimutan? Ang sakit ah! "Besie! Yan ka na naman! Yung utak mo nasa outer space na naman." "Ah, may iniisip lang ako." Sagot ko. "Si Aethan?" Oo, siya. Gusto ko yang sabihin. "Uuwi na ako." Paalam ko, pero sumama pa siya pati si Ynne. "Baby." Tawag ni kuya. Naka earphone ako, pero walang sound. Umiiwas kasi ako sa mga tanong nila "Hays, I know how hard it is for you, I know you really hurt. Always remember I'm always here not as your Kuya. As your family and friend." Pumatak na naman ang luha ko. Ayokong nakikita nila akong ganito, dahil alam kong nahihirapan sila. "Me too, I'm always here. I will never leave you." Napapikit ako sa sinasabi nila. Pag dilat ko, may isang mahalagang tao ang pumukaw sa paningin ko. Si Aethan. May kasama siyang babae. "Si Aethan yun diba?" Rinig kong tanong ni Ella. "That asshole!" Galit na saad ni kuya. Baba na sana siya nang hawakan ko ang kamay niya. "Gusto ko nang mag pahinga." Saad ko. Alam kong nakikita nila ang mata kong may luha. Nag drive na lang ulit si Ynne. Pagkarating namin sa Apartment agad akong pumunta sa Kwarto. Pinauwi ko narin sila besie at Ynne. Dahil hindi ko na talaga kaya ang mag pigil. "Whaaaa!! I hate you! I really hate you!" Sigaw ko, para kahit papaano mawala ang galit sa puso ko. "Bakit!? Ba--bakit? Minahal naman kita eh! Nakakainis ka naman eh!" Sunod sunod ang pag tulo nang luha ko. Kelan ka ba mauubos? "Bakit hindi na lang ako? Ako na lang please!! Ako na lang!!" Sigaw ko pa. Wala namang makakarinig sa akin kaya okey na'to. "Please! Ako na lang, hindi ko kaya na wala ka. Hindi ko kaya na hindi kita kasama! At lalong hindi ko kayang makita kang may kasamang iba! Aethan!! Ako na lang kasi!" YNNE's POV Nasasaktan ako kapag nakikita kong nag kakaganyan ang kapatid ko. Hindi ko mapigilan ang mapayukom ang kamao ko dahil sa mga nangyayari sa kanya. Ang sakit para sa akin, na makita siyang nahihirapan. "Sorry! Sorry! Kung may nagawa ako! Sorry kung dahil ganito ako! Sorry kung masyado akong clingy! I'm really really sorry! Please!! Bumalik ka na! Hindi ko na kaya! Napapagod na ako! Nahihirapan na ako." Napasuntok ako sa Pader, dahil sa mga naririnig ko sa kabilang Kwarto. Alam kong gagawin niya ito, kaya Hindi kami umalis sa Apartment niya. "Mommy! Daddy! Napapagod na po ako! Ayoko na po." Hindi ko na kayang tiisin ito. Agad akong lumabas. Narinig ko pa ang tawag ni Ella, pero hindi ko siya pinansin. Galit na ako! Alam kong sumunod siya kaya pinigilan ko siya. "Ikaw lang pinag kakatiwalaan ko, please. Take care of her, don't leave her." Agad kong pinaandar ang sasakyan ko. Fuck you Monterial! Pagkarating ko sa Mansion nila agad akong nag door bell. Ilang beses ko itong pinindot para lumabas siya. Nang makita ko siya lumabas mula sa Pintuan nila agad kong nakuyom ang kamao ko. Pag bukas na pagbukas niya ng gate hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na makapag salita agad ko siyang Sinapak. "f**k you Monterial! f**k you!" Mura ko sa kanya habang nakasalampak siya sa Lapag. "A--ano bang problema mo." Para siyang hirap na hirap mag salita, pero wala akong pake. "You're my f*****g problem! You hurt my sister feeling! f**k you!" Kumunot naman ang noo niya. "What? Hindi nga kita kilala." Susugurin ko na sana siya nang pigilan ako nang dalawang lalaki. "Ano! Bitawan niyo ko!" Galit kong saad. Na ngangati na ang kamay ko na suntukin ulit siya, at hindi ako mag dadalawang isip gawin yun kahit doctor ako. "Ako hindi mo kilala? Eh si Yna! Si Yna na kapatid ko na sinaktan mo! Hindi mo kilala!?" Hindi ko mapigilan ang galit na nararamdaman ko. "Yna? Bro, wala akong sinasaktan at hindi ko kilala yang kapatid mo! Baka nag kakamali ka!" Saad niya, na lalo kong kinainis. "Pvtang ina! Gago ka pala eh!" Nakapiglas ako mula sa pagkakahawak nang dalawang kaibigan niya kaya agad ko siyang sinutok. "Ano b-- what!? Hoy! Anong ginagawa mo sa anak ko!" Sigaw nang isang Babae na parang magulang niya. "Wala kang kwentang lalaki! Hayop ka!" "Ano bang nangyayari dito? Bakit ba sinasaktan mo ang anak ko! Teritoryo namin 'tong tinatapakan mo bata!" Napabuga ako sa sinabi nang tatay nito. Ano 'to? Pag tutulungan nila ako? Ha! "Yang walang kwenta niyong anak lang naman ang nanloko! Nang iwan at nanakit sa kapatid ko! Naaawa ako sa kapatid ko! Nandun siya nag kukulong! Umiiyak! Halos Hindi na natutulog at kumakain! Palagi na lang siyang nag so-sorry! Diyan sa anak niyo sa kawalan! Nasasaktan ang kapatid ko! Habang yang anak niyo! Nag papakasaya! Sa ibang babae! Pinag katiwala ko sa inyo ang kapatid ko! Anong ginawa nang anak niyo? Iniwan siya! Sinaktan! Andun ang kapatid ko! Nag hihirap! Hindi niyo alam kung gaano kasakit para sa akin makita siyang ganun! Hindi niyo alam! Dahil hindi niyo nakikita!" Napaiyak ako habang nag sasalita. Hindi ko na kaya eh! Nasasaktan na ang kapatid ko! "Sana hindi mo na lang ginawa ang lahat nang yun para sa kanya! Sana nung una palang in-aware mo na siya na iiwan mo siya! Para Hindi ka niya sineryoso!" Halata na gulat ang magulang niya sa sinabi ko. "You broke up with her?" Tanong nung nanay nila. "I don't know." I-iling iling na saad nang mokong na'to. "Iho, may sasabihin kami sayo." Ayoko sanang makinig pero hindi masama na marinig ang side nila. Hindi ibig sabihin nun Hindi na ako galit. Pumasok kami sa loob nang bahay nila. At pinipigilan ang galit ko. "Sorry for what happened to Yna. Hindi namin ginusto yun. Alam naming yun lang ang alam ni Aethan na dahilan para hindi masaktan ang kapatid mo." Naguguluhan ako. "Para hindi masaktan? Nasaktan na nga siya! Nasasaktan na siya!" Pigil ang galit kong saad. Napa bugtong hininga muna ito bago mag salita. "May Alzheimer siya may early onset dementia ang anak ko." Nagulat ako sa sinabi nang nanay niya. Doctor ako, yes I'm a doctor. Masyado ba akong bata? I'm eighteen may Sarili kaming Hospital na ngayon na pinatatakbo ko. Pagiging doctor ang kukuning course, pero dahil masyado na daw akong advance (advance mag isip) pumayag silang bigyan ako nang certificate at lisensya sa pagiging doctor. Pero? Early onset dementia? Alzheimer? Masyado siyang bata. "Paano nangyari yun? Ang hirap paniwalaan pero ang worst, nag co-cause yun nang stroke o death." Now I know. Alam ko na kung bakit. At kung ako din ang nasa katayuan niya, baka yun din ang ginawa ko. "Sana maintindihan mo, ginawa niya lang yun para kay Yna. He really loves Yna." Saglit akong natigilan. "Gusto ko siyang maka usap nang masinsinan." Sinabi ko pa na wala na akong balak sapakin 'to kaya pumayag sila. "Mahal mo ba talaga ang kapatid ko?" Tanong ko. Kinunutan ako nang noo nito, kaya ang nakikita ko na lang na paraan para maalala niya si Yna, pinakita ko ang picture nang kapatid ko. "Siya si Yna." Napapikit naman siya na parang in-aalala ang babaeng nasa Pic. "Ma--my love." Napangiti ako. Hindi ako nabigo. "Mahal mo ba siya?" Tanong ko ulit. "I really do, and always." Parang may kung anong saya akong naramdaman. Parehas nga lang kami. Parehas lang namin ina-alala ang kalagayan ni Yna. "Bakit mo siya hiniwalayan?" Seryoso kong tanong. Sumandal siya sa pader habang ako naka upo. Mas pinili namin ang mag usap sa Rooftop. Maganda kasi ang View, at nakaka relax. "Yung totoo? May pustahan kaming mag-kakaibigan. Na kailangan kong mapaibig ang kapatid mo ang my love ko at kapag napa ibig ko siya, kailangan ko siyang hiwalayan na ngayon ay nangyari na." Taimtim parin akong nakikinig sa kanya, kahit medyo nainis ako sa ginawa nila. "Pero, hindi ko akalain na ako pala ang mahuhulog. Ang bait niya. She's type of a girl na madaling mahalin. Pero, nung may mga nararamdaman na akong kakaiba sa sarili ko nag pakunsulta na ako sa Doctor. Nalaman ko ang resulta nung mga nakaraang araw. Nung nalaman ko ang resulta. Hindi ako na niwala, kaya nag pa test ulit ako. Pero sa kasamaang palad, yun na talaga. Ayoko siyang iwan dahil ayoko siyang masaktan. Pero naisip ko na kung hindi ko siya iiwan mas lalo siyang masasaktan kung dumating ang time na ngayon na, na makakalimutan ko siya. Ayoko nun, kaya hanggat maaari makalimutan niya ako para mawala na yung sakit na nararamdaman niya." Mahaba niyang saad. Ngayon nakumbinsi na akong mahal na mahal niya ang kapatid ko, kahit alam kong mahirap para sa kanya ang ginawa niya. At kahit alam kong masasaktan ang kapatid ko, mas pipiliin ko ang ganito. "Wala ka bang tiwala sa akin?" Napatingin ako sa may ari nang boses na umiiyak. Yna. Kasama niya si Ella. "Bakit? Ayaw mo ba akong kasama? Wala ka bang tiwala sa akin? Iniisip mo ba na hindi kita maiintindihan?" Napatayo nang deretso si Aethan. Ganun na rin ako. "M--my love." "Bakit kailangan mo akong iwan? Dahil sa sakit na yan? Hindi ba mas maganda kung sabay nating haharapin yan?" Naiyak na saad ni Yna. Gustuhin ko man siyang lapitan, pero wala ako sa katayuan. Kailangan nilang mag usap. THIRD PERSON POV "Ayokong mahirapan ka." Naiiyak na saad ni Aethan. Umiiling naman ang nasagot ni Yna. Habang ang kamag anak ni Aethan pati mga kaibigan, si Ella at si Ynne. Ay nakikinig lang. Walang nag tangkang sirain ang moment nila. Dahil pati sila umiiyak na rin. "Pero, mas nahihirapan ako kasi wala ka. Kahit mahirapan ako, kakayanin ko. Basta nandito ka, nandito ka sa tabi ko. Please naman oh." Pakiusap ni Yna. "Mas gugustuhin kong masaktan ako na may kasama kang iba, kesa ang makita kitang nahihirapan habang unti-unti kitang nakakalimutan." Napahagulgol si Yna sa tinuran ni Aethan. "Pero, mas gugustuhin ko namang makasama ka kahit nahihirapan na ako. Kesa makasama ang lalaking hindi ko naman gusto. Please! Hayaan mo na lang ako. Hayaan mo akong alagaan ka kahit ngayon lang. Hayaan mo akong bumawi sa pag mamahal na ibinigay mo. Makasama lang kita kuntento na ako." Saad pa nang dalaga habang nakayakap kay Aethan. "Ayaw kitang isama sa miserable kong buhay." Umiiyak na saad ni Aethan. "Kung yang miserableng buhay mo ang magiging dahilan para maging magkasama tayo. Handa akong samahan ka, handa akong maging miserable. Handa akong masaktan para makasama kita, kasi sayo lang ako sasaya." Wala na ngang nagawa si Aethan kundi ang pumayag. Na puno nang kalungkutan ang araw na yun. "May pangako ako sayo diba. Na hindi kita bibitawan unless sabihin mo, pero ngayon kahit sabihin mo. Hindi ako papayag dahil ang puso ko na ang nag didikta." Humigpit ang pag yayakapan nila. "I love you." Sabay nilang saad. Ilang araw ang lumipas, dumaan sa mga treatment si Aethan. "Si--sino kayo? Hi--hindi ko ka--kayo kilala." Saad nito sa mga taong nag mamahal sa kanya. Halata narin sa kanya na nahihirapan na siya mag salita. "My love. I'm Yna, your Girlfriend." Nakangiting pag papaalala ni Yna. Pero deep inside nasasaktan na siya. "A--no?" Nag sisimula na ring humina ang pag pa-process nang utak nito. "Ako. si. My. Love. mo." Dahan dahang saad ni Yna na naintindihan naman nI Aethan. "S--sino, si--la?" (Ang pag sasalita dito ni Aethan yung parang nai-stroke.) "Siya. Si. Mom. Mo." "I--kaw? S--sino ka?" Tanong nito kay Yna. "Ako. Si. Yna. Your. Love." Dahan dahang saad ni Yna. Naka tingin sa kanya ang lahat na nag mamahal kay Aethan. Mangha sila sa determinasyon ni Yna, sa pag aalaga kay Aethan na alam nila kung gaano yun kahirap at kasakit lalo na kung hindi ka na naalala ng taong mahal mo. "M--ma. My La--love." Ngumiti naman si Yna. "Yes." "My. Love. Pu. Pun. Ta. Ta. Yo. Sa. Hos. Pi. Tal." Saad ni Yna. "H--ha?" Tanong ni Aethan. "Pu.pun.ta.ta.yo.sa.hos.pi.tal." saad pa ni Yna. Nasa sasakyan na sila. T R U T H R E A L L Y H U R T S "Aethan. Basahin mo ito ha." ANG BATA AY NAG LALAKAD. "A--an.. B-ba. Ta. A--ay. N.na-nag. L--la-la. K-kad." Basa nito. "Very good!" Palakpak ni Yna. "Mag lakad ka." Saad ng Doctor. Halatang hindi naintindihan ni Aethan ang sinabi nito. "My. Love. Mag. La.kad.ka. Daw." Nag lakad naman ito, pero pansin ang pag bagal ng lakad nito. "Very Good. Next, 1+1?" Tanong ni Doc. "My. Love. Wan. Plas. Wan." Saglit na nag isip si Aethan. "Tu." Napangiti naman sila. "Yan lang muna, tomorrow may treatments ulit at kung maaari, I labas labas siya, para maging familiar parin siya sa labas, at mahalaga din na nakakapag lakad siya para hindi agad humina ang mga muscle niya. And, itong ginagawa natin ay para lang malaman kung hanggang saan na ang sakit niya. Much better kung gagawin ang pag o-opera." Napatango naman si Yna. "Sige ho Doc. Babalik na lang ho kami." Pagtapos nang treatment, gumala si Yna at Aethan sa Park. "My. Love. Di.to ka. Lang. Ha. Bi.bi.li. Lang. A.ko. Nang. Pag.ka.in." saglit na iniwan ni Yna si Aethan sa Bench. "Manong, dalawang Cookies flavor nga po." Binigyan naman ito. Pagtapos bayaran pumunta na siya kay Aethan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD