Chapter 31

1490 Words
“We need to profile check each of them. Pwede nating hatiin since masyadong marami ‘yong nasa listahan,” I said while scanning the names on the paper. “Yeah we can do that. Anyway, how was in your work? Nagparamdam ba sila sa’yo?” tanong ni Brent ngunit nasa laptop niya ang kanyang atensyon. Isang linggo na kaming hindi nagkikita kaya naman puro video call lang ang nagagawa namin sa ngayon. Isang linggo na rin ang nakalilipas simula nang matapos ang insidente kung saan muntik na kaming mahuli ng mga tauhan ng oraganisasyon na ‘yon. “Fortunately, hindi pa sila nagpaparamdam kaya wala namang problema. How ‘bout you?” “They’re still trying to track me but I was able to defend my wall.” “Sorry man, can’t help you with that,” mahinang wika ko. Saglit naman siyang napatingin sa akin ngunit bumalik din ‘yon sa kanyang laptop. “Corny mo, Donovan,” natatawang sagot nito kaya natawa na rin ako. Nitong mga nakalipas na araw kasi ay sinusubukan ko na mag-aral kahit ‘yong basic hacking lang. Sina Detective Villares at Detective Angeles ang naging teacher ko, mabuti na lang at matiyaga nila akong tinuturuan. Nakukuha ko naman ang mga sinasabi at tinuturo nila sa akin. Hindi ko nga lang gano’n kagamay pa. “Sige na, matulog ka na muna. I’ll call you once I have gathered their information,” Brent said. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako paulit-ulit na humihikab. Paano ba naman kasi ay ilang araw na akong kulang sa tulog, minsan pa nga ay hindi na ako natutulog. Masyado akong naging abala sa mga kaso sa presinto pati na rin sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa organisasyon. “Fine! Message me if you find other information, ‘kay?” tumango lang ito at hindi na nagsalita kaya naman ibinaba ko na ang tawag. Matapos patayin ang tawag ay iginilid ko lang ang cellphone ko at muli akong humarap sa laptop upang ipagpatuloy ang ginagawa. Kasalukuyan akong naghahanap ng impormasyon tungkol sa mga taong sangkot sa organisasyon. Ilang pangalan na ang na-background check ko pero wala pa rin akong makuhang kahit anong impormasyon na may koneksyon sa kanila. Ang iba pa sa mga pangalan na nandito ay bagong miyembro pa lamang at unang beses na sumali sa auction. Wala ring nakalagay na impormasyon kung saan o kanina nila nakuha ang imbitasyon. At sa kasaamang palad, wala ring alam ang mga customer mismo. Ang iba sa kanila ay nasabihan lang ng dati nang sumasali sa auction kaya naman muli akong nababalik sa listahan na mayro’n kami. Kapag natukoy na namin ang taong nagyaya, saka naman biglang mawawalan na ulit ng koneksyon. Mababaliw na talaga ako kaiisip. Wala na nga akong matinong tulog ay hindi pa ako makapag-isip ng maayos. Pakiramdam ko tuloy ay ang luting ko na minsan. Sigurado ako na magtatanong na naman bukas sina Detective Raynolds kung bakit ang laki ng eyebags ko, na ang lagi kong dahilan sa kanila ay napupuyat ako kababasa ng libro. Gamit na gamit na ‘yong dahilan ko pero hindi naman na sila nagtatanong pa kaya hinahayaan ko na lang din. Isa pa, hindi ko rin naman pwedeng sabihin sa kanila ang tungkol sa organisasyon na ini-imbestigahan namin. Lalo na at no’ng nakaraan, may hinala kami na may kasabwat sa loob ang organisasyon. Posible kasing araw-araw kong nakakasama ang kasabwat na ‘yon dahil alam niya ang mga ginagawa ko at kung nasaan ako. Bukod kasi sa mga pangalan at impormasyon ng miyembro ng organisasyon ay nakuha niya rin ang isang folder na naglalaman ng personal na impormasyon ko at mga litrato ko. Buti sana kung iilang litrato lang pero sa dami ng mga ‘yon ay pwede na akong makagawa ng ilang album. May mga larawan pa na kasama ko ang grupo habang kumakain o kaya ay nasa crime scene kami. Simula ng araw na ‘yon ay mas naging maingat na ako sa lahat ng bagay. Hindi ko alam kung paranoid lang ako o nag-iingat pero masyado na akong mailap sa ibang tao. Limitado na rin ang mga impormasyon na sinasabi ko pati na rin sa grupo ko. Hindi rin ako nagsasalita kung hindi naman kailangan. Mabuti na lang at bago pa lang ay nasanay na sa akin ang grupo dahil gano’n naman talaga ang gawain ko. Mas naging tahimik nga lang ako. Mukhang kailangan ko nang ang magpahinga, kung ano-ano nang pinagsasabi ko. “We need to profile check each of them. Pwede nating hatiin since masyadong marami ‘yong nasa listahan,” I said while scanning the names on the paper. “Yeah we can do that. Anyway, how was in your work? Nagparamdam ba sila sa’yo?” tanong ni Brent ngunit nasa laptop niya ang kanyang atensyon. Isang linggo na kaming hindi nagkikita kaya naman puro video call lang ang nagagawa namin sa ngayon. Isang linggo na rin ang nakalilipas simula nang matapos ang insidente kung saan muntik na kaming mahuli ng mga tauhan ng oraganisasyon na ‘yon. “Fortunately, hindi pa sila nagpaparamdam kaya wala namang problema. How ‘bout you?” “They’re still trying to track me but I was able to defend my wall.” “Sorry man, can’t help you with that,” mahinang wika ko. Saglit naman siyang napatingin sa akin ngunit bumalik din ‘yon sa kanyang laptop. “Corny mo, Donovan,” natatawang sagot nito kaya natawa na rin ako. Nitong mga nakalipas na araw kasi ay sinusubukan ko na mag-aral kahit ‘yong basic hacking lang. Sina Detective Villares at Detective Angeles ang naging teacher ko, mabuti na lang at matiyaga nila akong tinuturuan. Nakukuha ko naman ang mga sinasabi at tinuturo nila sa akin. Hindi ko nga lang gano’n kagamay pa. “Sige na, matulog ka na muna. I’ll call you once I have gathered their information,” Brent said. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako paulit-ulit na humihikab. Paano ba naman kasi ay ilang araw na akong kulang sa tulog, minsan pa nga ay hindi na ako natutulog. Masyado akong naging abala sa mga kaso sa presinto pati na rin sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa organisasyon. “Fine! Message me if you find other information, ‘kay?” tumango lang ito at hindi na nagsalita kaya naman ibinaba ko na ang tawag. Matapos patayin ang tawag ay iginilid ko lang ang cellphone ko at muli akong humarap sa laptop upang ipagpatuloy ang ginagawa. Kasalukuyan akong naghahanap ng impormasyon tungkol sa mga taong sangkot sa organisasyon. Ilang pangalan na ang na-background check ko pero wala pa rin akong makuhang kahit anong impormasyon na may koneksyon sa kanila. Ang iba pa sa mga pangalan na nandito ay bagong miyembro pa lamang at unang beses na sumali sa auction. Wala ring nakalagay na impormasyon kung saan o kanina nila nakuha ang imbitasyon. At sa kasaamang palad, wala ring alam ang mga customer mismo. Ang iba sa kanila ay nasabihan lang ng dati nang sumasali sa auction kaya naman muli akong nababalik sa listahan na mayro’n kami. Kapag natukoy na namin ang taong nagyaya, saka naman biglang mawawalan na ulit ng koneksyon. Mababaliw na talaga ako kaiisip. Wala na nga akong matinong tulog ay hindi pa ako makapag-isip ng maayos. Pakiramdam ko tuloy ay ang luting ko na minsan. Sigurado ako na magtatanong na naman bukas sina Detective Raynolds kung bakit ang laki ng eyebags ko, na ang lagi kong dahilan sa kanila ay napupuyat ako kababasa ng libro. Gamit na gamit na ‘yong dahilan ko pero hindi naman na sila nagtatanong pa kaya hinahayaan ko na lang din. Isa pa, hindi ko rin naman pwedeng sabihin sa kanila ang tungkol sa organisasyon na ini-imbestigahan namin. Lalo na at no’ng nakaraan, may hinala kami na may kasabwat sa loob ang organisasyon. Posible kasing araw-araw kong nakakasama ang kasabwat na ‘yon dahil alam niya ang mga ginagawa ko at kung nasaan ako. Bukod kasi sa mga pangalan at impormasyon ng miyembro ng organisasyon ay nakuha niya rin ang isang folder na naglalaman ng personal na impormasyon ko at mga litrato ko. Buti sana kung iilang litrato lang pero sa dami ng mga ‘yon ay pwede na akong makagawa ng ilang album. May mga larawan pa na kasama ko ang grupo habang kumakain o kaya ay nasa crime scene kami. Simula ng araw na ‘yon ay mas naging maingat na ako sa lahat ng bagay. Hindi ko alam kung paranoid lang ako o nag-iingat pero masyado na akong mailap sa ibang tao. Limitado na rin ang mga impormasyon na sinasabi ko pati na rin sa grupo ko. Hindi rin ako nagsasalita kung hindi naman kailangan. Mabuti na lang at bago pa lang ay nasanay na sa akin ang grupo dahil gano’n naman talaga ang gawain ko. Mas naging tahimik nga lang ako. Mukhang kailangan ko nang ang magpahinga, kung ano-ano nang pinagsasabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD