Gumawa ng malakas na ingay ang pagkabasag ng baso na nagpatigil sa lahat. Walang nagtatangkang magsalita ni-isa sa kanila at tila tinatantiya ang timpla ni Taurus.
“Find them! Bring me that hacker! And I need them alive,” kalmadong wika nito ngunit ramdam ng lahat ang inis at galit na nararamdaman ng lalaki.
Kahit na nakatalikod sa kanila ito ay pansin ng lahat ang mahigpit na pagkuyom ng mga kamao nito.
Nang makarating sa studio ang mga tauhan ng organisasyon ay hindi na nila naabutan pa ang dalawang detective dahil nakalayo na rin ang mga ito. Kaya naman maliit na lamang ang tyansa na maabutan pa nila ang dalawa.
Bago pa man dumating ang mga ito ay ilang minuto na ang nakalipas ng makaalis ang dalawang detective. At sa ngayon ay kasalukuyan na silang pabalik sa kani-kanilang tahanan.
Matapos makalabas ng highway ay payapa nang nagmamaneho si Detective Portman patungo sa kanyang tinutuluyan. Wala sana siyang balak pumasok kinabukasan sa trabaho kung nagtagumpay lang ang ginawa nila kanina ni Detective Gallardo.
Kaya naman kahit labag sa loob niya at gustuhin na sumama sa kaibigan, mas pinili na lamang nito na bumalik na rin at pumasok bukas na para bang walang nangyari.
Bago pa man kasi mangyari ang lahat ay nakapag-usap sila ng kaibigan na kailangan itago ni Detective Gallardo ang kanyang pagkatao lalo na at hindi pa siya nakikilala ng organisasyon. At posibleng maghinala ang mga ito kapag nakita silang magkasama.
Kaya naman ng sabihin nito na magpapasundo ito sa isa pa nilang kaibigan na si Simoun ay pumayag na rin si Detective Portman sa desisyon ng kaibigan.
May sariling helicopter si Simoun kaya naman hindi mahihirapang bumyahe ang dalawa pabalik ng Marnina.
Ang kailangan na lang nilang gawin ay mas imbestigahan pa ang mga miyembro at lahat ng kasapi ng organisasyon.
-----
Ilang minuto pa ang lumipas simula ng matunton ng organisasyon ang lokasyon ng hacker ngunit hindi pa rin nila ito nakikita. Halos malibot na nila ang buong lugar pati na rin ang mga karatig na bayan ngunit bigo silang matagpuan ang mga ito.
“Sir, we search the area and the vicinity but we failed to find them,” pahayag ng lalaki na siyang namumuno sa paghahanap sa dalawang detective.
“What about the hacker? Did you find him? What’s his name?” sunod-sunod na tanong ni Taurus ng humarap sa lalaki.
“Not yet, sir—“ hindi na nito natapos pa ang kanyang sasabihin dahil sumalubong sa kanyang mukha ang palad ni Taurus.
“Estupido!” galit na wika nito matapos sampalin ang tauhan.
“We’ll recruit more men to find them,” singit ni Mr. Atienza sa usapan.
Dahil sa sinabi nito ay napabaling sa kanya si Taurus. “Don’t make any noise or make the chairman anxious. Siguraduhin niyo rin na hindi makararating sa taas ang nangyari. Do you understand?”
“Yes, sir,” sabay na wika ng dalawa.
Umatras na ang lalaki at naglakad palabas upang ipagpatuloy ang paghahanap at sundin ang sinabi ng kanilang leader habang nanatili naman sa tabi ni Taurus si Mr. Atienza.
Nang makaalis ang lalaki ay tumayo na mula sa pagkakaupo si Black Spider at luampit kila Mr. Atienza dala ang isang tablet.
“By the way, that hacker hacked our security system and he successfully stole some of our clients and members information?” wika nito matapos iaabot kay Taurus ang tablet na hawak. “Do you want me to inform the members regarding this?”
“Inform the members regarding this and let the clients be. They don’t know anything regarding us so no need to protect them,” Taurus said while scanning the list of names in the tablet.
Hindi na sumagot pa si Black Spider at bumalik na sa kanyang pwesto upang gawin ang sinabi sa kanya.