Bawat minutong lumilipas ay dumadami ang pulang marka na lumilitaw sa screen. At kasabay din no’n ang paglaki ng halaga na ginagastos ng mga kalahok.
Napag-alaman namin na hindi lang pala internal organs ang ibinebenta ng organisasyon kung hindi pati na rin mga baril na hindi dapat mayro’n ang isang ordinaryong mamamayan.
Mabuti na lang at hindi nagtatanong ‘yong host kung bakit hindi ako sumasali sa auction. Napansin ko rin kasi na may ibang hindi sumasali, mukhang may hinihintay sila na ibang bagay na gusto nilang makuha.
“Brent, the auction will end soon,” wika ko sa kanya ng mag-announce ang host na ilang item na lang ang isasalang.
Malamang ay narinig niya mismo ang sinabi ng host pero kailangan ko pang ulitin dahil baka mamaya ay hindi niya narinig ng malinaw.
“Wait,” sagot nito at mas lalong bumilis sa pagtipa ang kanyang mga daliri.
Kaagad naman na nagawi ang tingin ko pabalik sa harapan ko ng mapansin ko ang isang notice na biglang nag-pop-up.
Matapos mabasa ang mga nakasulat dito ay saka ko lang na-realize na kaya pala hindi lahat sumasali sa auction ay dahil para sa bagay na ‘to.
After the auction, there would be a drug dealing. And for them to buy drugs, they just need to say the quantity they want and the host will give the price and when both parties agreed, then that’s item sold.
Mukhang kaya hindi rin ako pinapansin ng host ay dahil baka akala nito na droga ang kailangan ko at hindi ang mga baril at internal organs.
Biglang naagaw ang atensyon ko ng biglang tumunog ang screen sa harapan namin. Kung kanina ay puro pulang marka ang nakalagay doon, ngayon naman ay may mga pulang letra at numero na ang lumilitaw sa iba’t ibang parte ng mapa.
“What happened?” kaagad na tanong ko sa kanya.
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga ‘yon pero mukhang ‘yon ang eksaktong lokasyon ng mga pulang marka na nasa screen kanina.
Saglit siyang humarap sa screen bago nagsalita. “That’s the IPv6 addresses of the participants, we can get their personal files and details if we trace this addresses.”
Hindi na ako nakasagot pa dahil muli na siyang bumalik sa kanyang ginagawa. Hindi ko na alam kung anong letra pa ang pinipindot niya dahil sa bilis ng mga daliri niya. Nangingibabaw na rin sa buong studio ang tunog ng keyboard.
Muli kong ibinalik ang tingin ko sa laptop na nasa harapan ko at patuloy pa rin ang nangyayaring bentahan ng droga. Kung kanina ay naging mainit ang palitan ang pagbi-bid, ngayon naman ay kalmado ang lahat at naghihintay ng kanilang oras para makausap ang host.
Kung kanina ay sunod-sunod ang pagtitipa na ginagawa ni Brent ngayon naman ay unti-unti nang bumabagal ang kanyang kamay.
At dahil nasa harapan ko siya sa gawing kanan ay hindi ko makita ang ekspresyon ng kanyang mukha.
“Bakit? What is it? May problem aba?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero ramdam ko na kaagad na may mali, hindi ko nga lang alam kung ano. F*ck! Ang hirap kapag wala kang alam sa isang bagay.
Ang mga IP address na nakalagay sa screen kanina ay biglang napalitan ng isang load bar na unti-unti pinupuo ng pulang kulay. Parang isang progress bar na may mangyayari kapag naabot ang 100%.
“There’s an alien address,” mahinang wika nito at saka muling bumalik sa pagtitipa sa kanyang keyboard.
“Huh?” naguguluhang tanong ko sa kanya.
Pakiramdam ko talaga ay may mali kaya naman ginawa ko na ang tinuro sa akin kanina ni Brent. At dahil may cheat card din sa harapan ko ay hindi na ako nahirapan pa sa pagtipa ng mga codes.
Matapos lang din ang ilang segundo ay nag-freeze na ang screen ko at kahit na umalis ako sa pwesto ko ay hindi nila malalaman dahil makikita pa rin nila ako. Pero video nga lang.
“What do you mean?” kaagad na tanong ko sa kanya ng makalapit sa pwesto niya.
“It’s an AL. It’s the organization’s supercomputer.”
“Huh?”
“F*ck!” inis na wika nito sabay hampas sa mesa. Tumigil na siya sa ginagawa at tuluyang humarap sa akin. “It’s a trap! Our location is being sent to the organization.”
“What do we need to do then?”
“I need to erase all my files,” maikling sagot nito at muling bumalik sa kanyang ginagawa.
At dahil wala naman akong maitutulong sa kanya ay nanatili akong nakatingin sa ginawa niya. Kung may alam lang talaga ako kahit basic codes ay baka nakatulong na ako sa kanya kahit papano.
Muling nagawi ang tingin ko sa screen at nasa 25% na kaagad ang progress bar, mukhang may ilang minuto pa kami bago nila tuluyang ma-track ang lokasyon namin.
“Wala na bang ibang paraan para ma-block natin ang pag-track nila?”
“Wala na. I tried but I failed. Masyadong magaling ang hacker nila, isa pa they already use their supercomputer na wala tayo,” paliwanag pa nito kahit abala sa kanyang ginagawa.
Ilang pagtipa pa ang kanyang ginawa hanggang sa may isa pang progress bar na lumabas ngunit kulay green naman ang kulay no’n.
Kumpara sa pulang progress bar ay mas mabilis na napuno ang isang ‘yon. Matapos mapuno ang green progress bar ay kaagad na nag-shutdown ang lahat ng computer na nasa harapan namin pati na rin ang TV.
“Donovan, prepare your things, we must hurry. Iwan mo na rin ‘yang laptop na ginamit mo,” wika nito habang nagmamadali na inaayos ang mga gamit niya.
Mabilis akong kumilis at kinuha ang mga gamit ko. hindi gano’n karami ang dala ko kaya hindi na ako natagalan pa. Gano’n din naman si Brent dahil laptop at flashdrive lang ang dala-dala nito sa kanyang bag.
“Let’s go, we need to go!”
Hindi na kami nahirapang lumabas pa dahil paglabas ng studio ay bumungad kaagad sa amin ang aming sasakyan.
“Do you have a place in mind?” tanong ko sa kanya bago tuluyang sumakay.
“None. Hindi muna tayo pwedeng magkita Donovan, I’ll tell the details next time. Kailangan ko nang umalis pabalik ng Marnina. Don’t worry, I’ll ask Simoun for help,” wika nito ng mapansin na hindi ako kumbinsido sa mga sinabi niya.
“Fine. You need to take care. Call me as soon as possible when you arrived there, I’ll talk to Simoun too,” I said.
Dahil sa sinabi niya ay nakampante na rin ako na walang mangyayaring masama sa kanya masyadong delikado ang ginagawa namin lalo na at ano mang oras ay malalaman na ng organisasyon ang lokasyon namin.
Masyado kaming nakampante sa naging plano namin at hindi namin napag-planuhan ang posibleng pag-atake ng kalaban.
“Keep safe, Donovan,” huling wika pa nito bago pumasok sa kanyang sasakyan.
Pumasok na rin ako sa kotse ko at pinaandar na ito. Magkaiba ang dadaanan namin kaya naman paglabas ay magkahiwalay na ang dinaanan namin.