“Ang tagal mo naman,” reklamo kaagad ni Brent pagpasok na pagpasok ko pa lang.
“Parang hindi mo naman alam ‘yong nangyari,” sagot ko. Kaagad kong inayos ang mga gamit ko sa mesa na nakalaan para sa akin.
Nang maayos ko ang laptop na gagamitin ko ay saka lang ako nagkaro’n ng pagkakataon na masuri ang kabuuan ng studio.
Malawak ang kabuuan nito, wala masyadong gamit bukod sa isang ref na nasa gilid at isang sofa. Bukod pa ro’n ay may malaking TV sa gitna at sa gilid no’n ay mga computer.
Pakiramdam ko tuloy ngayon ay isang geek genius ang kasama ko, though totoo naman dahil isang magaling na hacker ‘tong kasama ko.
Kaunti lang ang nakakaalam na isang magaling na hacker si Brent kaya naman may mga studio ito na ginagawa niyang hideout kapag may mga ganito siyang trabaho. Alam din naman niya ang kakayahan ko na mag-astral projection kaya naman halos lahat ng tungkol sa isa’t isa ay alam na namin.
“We need to do this right, Donovan. This is our only chance to enter that organization,” desididong wika nito habang nakaharap sa akin.
“I know. Anyway, what’s that?” tanong ko sabay tingin sa TV na nasa harapan namin.
Isang mapa ang naka-display sa screen ay may mga pulang marka sa iba’t bang lokasyon.
“Location of those officials with high position in the government. I already secure their location just in case.”
Hindi na ako sumagot at tumango na lang. Naalala ko kasi ang listahan na ibinigay niya sa akin dati na naglalaman ng mga pangalan ng mga taong may matataas na posisyon sa lipunan.
Inaasahan ko na na may mga malalaking tao ang sangkot sa ganitong kaso ngunit hindi ganito karami. Ang listahan kasi na mayro’n kami ay may mahigit bente na miyembro.
Ang iba ay buyer lang habang ang iba naman ay parte mismo ng organisasyon pero hindi na namin nakuha pa ang pangalan ng mga namumuno mismo. At ‘yon ang misyon namin ngayon.
Ang mapasok ang auction at makuha ang pangalan ng mga taong sangkot mismo.
Pamilyar ang pangalan ng mga nando’n lalo na at may mga taong parte ng pulisya kaya naman mas lalo kaming mahihirapan ni Brent na puksain ang organisasyon.
Sa ngayon ay kailangan namin ng matibay na ebidensya na magagamit namin upang madiin ang mga taong ‘to.
Matapos ang pagpa-plano ng dapat gawin ay pumunta na kami sa kanya-kanyang pwesto dahil malapit nang magsimula ang auction.
Limang minuto bago magsimula ay may mga pumapasok na.
Ang magiging ayos ng auction ay parang isang conference video call kung saan nakabukas ang camera ng bawat kalahok. But there’s a twist, they are all wearing a half mask will cover their eyes up to the nose and a voice changer.
Opisyal na kasali kami sa magaganap na auction dahil sa invitation na natanggap namin. Kaya naman kagaya ng ibang kalahok ay nakatakip din ang mukha ko at may nakakabit na voice changer sa mic na nasa harapan ko.
Nasa kabilang gilid ko naman si Brent na inaasikaso na ang pagpasok sa system ng organisasyon.
Ilang minuto pa ang lumipas at nagsimula na ang auction. May isang host na siyang namamahala sa magiging daloy ng auction at ang gagawin lang ng mga kalahok ay magbi-bid kung gusto nila.
At dahil hindi normal ang auction na ‘to ay hindi rin normal ang mga bagay na pinapa-auction. Dahil hidni antique na gamit ang nakasalang kung hindi mga parte ng katawan ng tao.
Lumipas ang ilang minuto at patuloy pa rin ang nagaganap na bentahan ng laman ng tao. Habang patuloy din naman na pinapasok ni Brent ang system.
Hindi ko maintindihan kung anong ginagawa niya dahil hindi ako masyadong maalam sa mga gano’ng bagay pero kanina ko pa napapansin na mukhang nahihirapan siya dahil sa pagsimangot nito.
Hindi ko rin masundan ang galaw ng mga kamay niya dahil sa bilis ng pagtipa ng mga ito. Hindi na ako nag-abala pa na magtanong dahil mukhang tutok siya sa kanyang ginagawa.
Halos kalahating oras na ang lumipas simula ng magsimula ang auction at maraming internal organs na rin ang nabenta.
Sinubukan kong i-record ang daloy ng magiging auction ngunit masyadong matibay ang security nila ayon kay Brent. Mabuti na lang at nakaisip ako ng ibang paraan kung paano namin makukuhanan ng video ang buong pangyayari.
Mabuti na lang at may maliliit na spy camera si Brent na pwede naming magamit kaya naman nagkabit ako sa maskara na suot ko. May maliiit na disenyo ang maskara na binigay sa akin ni Brent kaya naman hindi kaagad makikita ang camera.
“Any progress?” tanong ko sa kasama ko matapos kong i-mute ang mic.
Nalagyan ng security code ni Brent ang bagong biling laptop na dala ko kaya naman confident din ako na hindi maririnig ang usapan namin.
“I’m still tracking them,” sagot nito habang nasa screen pa rin ang kanyang atensyon.
Kaagad naman akong napatingin sa TV na nasa harapan ko. Pasalamat na lang talaga sa maskara at hindi masyadong mahahalata ang eye movement ko.
Kumpara kanina ay mas marami na ang pulang marka na nakalagay do’n. Balak ko sanang bilangin pero masyadong marami kaya hinayaan ko na lang.