Chapter 21

1267 Words
Mabilis na lumipas ang mga araw at nanatiling naninirahan si Clara sa puder ng mga Tate. Araw-araw din siyang tumutulong sa mga gawaing bahay bilang bayad sa ilang araw na pagtuloy niya. At sa bawat araw naman na lumipas ay naging mas malapit ang loob niya kay Ivan dahil ito lang din ang lagi niyang kausap. Ilang beses niya rin sinubukang makipag-usap sa ina nito upang maging magkalapit ang kanilang loob ngunit ito siya nito pinapansin. At dahil do’n ay napansin niya na hindi siya gusto ng ina ni Ivan kaya naman ilang beses niyang sinubukan na magpasikat dito ngunit parang wala ring epekto ang mga ‘yon. Dahil napagod na siya sa pagpapa-pansin sa ina ng lalaki ay hinayaan na lang niya ito at patuloy pa rin siya sa pagtulong sa mga gawaing bahay. Kapag hapon at walang ginagawa ay madalas mag-usap at mag-kwentuhan ang dalawa kaya naman mas hindi siya nagustuhan ng ina ni Ivan. “Natapos ko nang basahin ‘yong binigay mo,” pabulong na sabi ni Clara habang nagwawalis. Patago kasi siyang binibigyan ni Ivan ng mga nobela na naisulat niya kaya naman kapag nag-uusap sila tungkol do’n ay palihim at pabulong din. Nabanggit kasi ng lalaki na kapag nalaman ng ina nito na patuloy pa rin siyang nagsusulat ay paniguradong susunugin nito ang mga nagawa niya. Kaya naman madalas ay gabi na nagbabasa si Clara sa kanyang kwarto para hindi rin siya makita ng ginang. “Talaga?” masayang wika ng lalaki. “Kumusta naman, nagustuhan mo ba?” excited na tanong sa kanya ng lalaki. Hindi ito ang unang nobela na ipinabasa niya sa babae, ngunit sa tuwing nakakatapos ito ng gawa niya ay hindi niya mapigilang matuwa. “Oo,” sagot ni Clara at saka tumango. “Ang ganda! Saka pansin ko puro science fiction ang sinusulat mo ‘no?” pabulong pa na sabi nito at saka napalinga-linga pa sa paligid. Minsan kasi ay bigla-biglang sumusulpot ang ina ni Ivan kaya naman mas nag-iingat sila sa pag-uusap. “Oo, ang dami ko kasing naiisip na ideya. Kaya naman kapag may panibagong ideya na pumasok sa isip ko ay sinusulat ko kaagad. Minsan ay kapag nagsimula akong magsulat ay parang kusa nang gumagalaw sa pagsulat ang kamay ko,” nakangiting sagot sa kanya ng lalaki. “Wow! Ang galing naman,” namamanghang sabi ni Clara. “Para bang tuloy-tuloy na sa isip mo ‘yong daloy ng istorya kaya naman tuloy-tuloy ka rin sa pagsulat?” tanong niya pa kaya naman tumango ang lalaki. Nang mapansin nila na papasok ng bahay ang ina ni Ivan ay agad din silang tumigil sa pag-uusap. Hindi tuloy maiwasan ni Clara na mapangiti habang naglilinis. Sa dami kasi ng nobela na nabasa niya ay isa sa mga nagustuhan niya ay ‘yong gawa ni Ivan. Hindi naman kasi maitatanggi na magaling talagang magsulat ang lalaki, ‘yon nga lang ay napipigilan siya dahil sa kanyang ina. Nabanggit niya pa kay Ivan na bakit hindi nito gawing trabaho ang pagsusulat, lalo na at maganda talaga ang mga naisusulat niyang nobela. Naisip pa ni Clara na kung sakaling maraming makabasa sa gawa ni Ivan ay paniguradong sisikat agad ito. ‘Yon lang ay tinaggihan ng lalaki ang ideya na sinabi niya, una ay dahil ayaw niyang gawing hanap-buhay ang pagsusulat, ayon kasi sa lalaki ay gusto niya lang na magsulat at mabasa ng iba ang gawa niya kahit na walang perang kapalit. Isa pa ay hindi rin naman papayag ang ina nito dahil una pa lang ay tutol na siya. Kaya naman hindi na niya pinilit pa si Ivan dahil alam naman niya na hindi na mababago pa ang pasya nito. Kung sakali man na pumayag siya ay mahihirapan din silang kumbinsihin ang ina ng lalaki lalo na at mukhang desidido ito sa pasya niya na ayaw pagsulatin ang anak. Kaya naman dahil do’n ay naisipan ni Clara na halos akuin na ang lahat ng gawain bahay para lang magpapansin sa ina ng lalaki. Kahit na tinanggihan ni Ivan ang alok niya ay gusto niya na kumbinsihin ang ina nito dahil kung sakali man na pumayag ang ginang ay paniguradong papayag na rin si Ivan. Laking pasalamat na lang din ni Clara at sanay siya sa mga gawaing bahay kaya naman madali na lang para sa kanya ang mga ito. Minsan ay siya rin ang nagluluto ng kanilang pagkain na siyang gustong-gusto naman ni Ivan. Dahil do’n ay mas lumaki ang pagka-dis-gusto ng ina ni Ivan kay Clara, pakiramdam kasi nito ay inaagaw ng babae ang kanyang anak. Kaya naman sa tuwing sinusubukan siyang kausapin nito ay hindi niya ito pinapansin. Hanggang sa matapos ang araw ng hindi pa rin nag-uusap ang dalawang babae. Ilang beses na rin sinubukan ni Ivan na paglapitin ang dalawa kaya lang ay ina na niya ang kusang lumalayo kaya naman hinayaan na lang din niya muna ang kanyang ina, sa isip-isip niya ay baka hindi pa ito sanay na may kasama silang ibang tao. Kinabukasan ay maagang gumising si Ivan upang anihin ang iba nilang pananim bago pa man ‘yon sirain ng mga peste. Sakto naman na maaga ring nagising si Clara kaya naman nag-presenta ito na sumama sa lalaki, dahil laki sa syudad ay gusto niyang matuto kung paano magsaka. “Hindi mo naman na ako kailangang samahan, masyadong mainit sa labas kaya naman pagpapawisan ka lang,” sabi pa sa kanya ni Ivan. Ilang beses pa siyang pinigilan ng lalaki ngunit hindi rin naman siya nagpapigil kaya naman wala na rin itong nagawa kung hindi ang hayaan siya sa gusto niya. “Ano ka ba, ayos lang sa akin. Laki ako sa hirap kaya naman sanay na sanay na akong magbanat ng buto,” pabirong sabi naman ni Clara kaya naman nailing na lang ang lalaki at saka sila dumiretso sa palayan. Ilang minuto pa lang silang naglalakad ay ramdam na agad ni Clara ang mainit na sikat ng araw. Kahit na sanay siya sa pagta-trabaho ay hindi maiwasan na manibago ng kanyang katawan dahil mas sanay siya na mag-trabaho sa loob ng opisina o sa kung saan na may silong. Kaya naman kahit na sobrang naiinitan na siya ay hindi na lang niya ipinahalata sa lalaki dahil alam niya na papauwiin lang siya nito. Ayaw niya rin naman na mangyari ‘yon dahil maiiwan silang dalawa ng ina ni Ivan sa loob ng iisang bahay. Dahil sa ilang ulit na pag-iwas kasi nito ay tuluyan ng nailang si Clara sa ginang kaya naman hangga’t maaari ay hindi niya hinahayaan na maiwan sila na silang dalawa lang. Nang makarating kung saan nakatanim ang mga gulay ay agad din naman silang nagsimula sa pagta-trabaho, at dahil hindi marunong ay matiyaga naman siyang tinuruan ni Ivan kaya naman hindi kalaunan ay nakuha niya rin ang tamang paraan ng pagkuha ng mga gulay. Matapos ang ilang oras ay napagpasyahan nila na sumilong na muna sa kubo hindi kalayuan dahil sobrang tirik na tirik na ang araw. Malaya rin naman silang nakakagalaw at nakakapag-usap dahil may kalayuan din ang bahay nila Ivan sa sakahan kaya naman hindi sila maririnig o mapapansin agad ng ina nito. “Wow! May kubo pala rito, ngayon ko lang napansin,” manghang sabi ni Clara ng makita ang kubo. Nasa bandang dulo kasi ‘yon ng sakayan malapit sa mga puno kaya naman hindi mapapansin agad sa unang tingin. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Ivan nang mapansin nito ang pamumula ng mukha ng babae. May kaputian kasi si Clara at hindi rin sanay na ilang oras nabibilad sa araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD