Chapter 22

1285 Words
-Ivan’s POV- “Ayos lang ako. Saka ‘wag mo ako masyadong alalahanin, natutuwa naman ako sa ginagawa natin,” nakangiting sagot sa akin ni Clara kaya naman napangiti na lang din ako. Hindi ko alam pero gustong gusto ko talaga na nakikita ang mga ngiti sa kanyang mukha. Ilang linggo na ang nakalilipas simula no’ng mapunta siya sa lugar namin. No’ng una ay nagulat pa ako ng makita ko siya dahil para bang takot na takot siya ng mga oras na ‘yon. Puro putik na rin ang laylayan ng pantalon niya at hingal na hingal pa siya na para bang may tinatakbuhan. Hindi talaga kami nagpapatuloy sa bahay lalo na kapag dayo, pero hindi ko alam kung anong sumagi sa isipan ko at pinatuloy ko siya sa bahay ng walang alinlangan. Tanda ko pa kung paano ako pagalitan ng nanay dahil sa ginawa kong pagpapatuloy sa kanya. ‘Yon ang unang beses na sumuway ako sa kanya na hindi ko akalain na masusundan pa nang masusundan, hanggang sa nagpapasya na ako para sa sarili ko. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nagkaro’n ng lakas ng loob na sumuway sa nanay kaya naman hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kaya lang ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga ginagawa kong desisyon lalo at napapansin ko na hindi gano’n ka-agresibo ang nanay sa pagtutol. Kaya naman sobrang nagtatalo ang isip at ang puso ko. Kahit na alam kung magagalit ang nanay ko ay sinusuway ko pa rin siya dahil alam kong masaya ako. Nangingibabaw sa isip ko ang posibleng gawin at sabihin ng nanay, kaya lang kapag naiisip ko si Clara ay iba ‘yong saya at kaba na nararamdaman ko, tipong ‘yong kaba na hindi nakakatakot sa pakiramdam. Dahil do’n ay sobrang naguguluhan din ako sa iniisip at nararamdaman ko. “Mabuti na lang pala at nagdala ako ng tubig. Oh, uminom ka muna,” narinig kong sabi ni Clara at saka inabot sa akin ang tubig na dala niya. Ito na naman ang puso ko sa bilis ng t***k kapag nakikita siyang nakangiti, hindi ko tuloy alam kung ayos pa ba ako o hindi na. “Salamat,” wika ko at saka kinuha ang inaabot niya na inumin. “Paano ka pala nakarating sa lugar namin?” tanong ko sa kanya ng bigla kong maalala ‘yong unang araw na nagkita kami. Kahit na ilang linggo na kasi siyang narito sa amin ay wala pa siyang nababanggit kung bakit at paano siya napunta rito. Bukod do’n sa sinabi niya na gusto niyang manirahan dito sa lugar namin ay wala na siyang iba pang nabanggit tungkol sa sarili niya. Ngayon ko lang din napansin na halos nabanggit ko na pala sa kanya ang tungkol sa akin samantalang ako ay walang alam tungkol sa kanya bukod sa pangalan niya. “May mga humahabol sa akin,” panimula niya kaya naman agad akong napatingin sa kanya. “No’ng gabing ‘yontakbo lang ako nang takbo kahit na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang nasa isip ko alng no’n ay ang makalayo,” patuloy niya pa. Nanatili siyang seryosong nakatingin sa kawalan habang inaalala ang nangyari no’ng gabing ‘yon. Hinayaan ko naman siya na magpatuloy sa pagsasalita kaya naman nanatili akong nakikinig sa kanya. At dahil tahimik ang paligid ay rinig na rinig ko ang pagbuntong hininga niya kahit na mahina lang ‘yon. “Sobrang takot na takot ako no’ng mga oras na ‘yon,” bahagya naman siyang natawa matapos ‘yon. “Hanggang ngayon naman natatakot pa rin ako. Sa tuwing gigising ako ay hindi ko maiwasan na isipin kung alam na ba nila kung nasaan ako o ano.” “Sino ba ‘yong mga humahabol sa’yo?” hindi ko na napigilan pa at nagtanong na ako sa kanya. Bigla naman siyang natigilan at saglit na tumingin sa akin. Kahit na sandali lang na nagtama ang mga mata namin ay kitang kita ko ang takot sa kanya, dahil do’n ay parang gusto ko siyang protektahan. “Uhm… ‘y-yong mga… uhm,” pautal-utal na sabi niya kaya naman muli akong napatingin sa kanya. Gusto ko sanang malaman kung sino ‘yong mga humahabol sa kanya para naman kung sakaling makita ko ang mga ‘yon ay masabihan ko siya kaagad. Napansin ko naman na pagpisil niya sa kamay niya kaya naman agad na namula ‘yon. sinusubukan kong tignan siya sa mata pero hindi nagtatama ang mga tingin namin kaya naman mukhang hindi pa siya handang sabihin kung sino ‘yong mga humahabol sa kanya. “Kung hindi ka pa handang sabihin sa akin, ayos lang. ‘Wag mong masyadong pilitin ang sarili mo,” wika ko sa kanya. “Pero pwede mo bang sabihin sa akin kung bakit ka nila hinahabol? Anong kailangan nila sa’yo?” kasasabi ko pa lang na ‘wag niyang pilitin ang sarili niya pero ito ako at nagtanong na naman. “A-ano kasi… hindi matanggap ng boss ko na umalis ako sa trabaho. Kaya naman paniguradong pipilitin niya akong bumalik dahil hindi pa tapos ang kontrata ko,” paliwanag niya kaya naman napatango ako. Ilang taon din akong nakapag-trabaho kaya naman kahit papano ay naiintindihan ko na siya. Kung gano’n ay mukhang masyado ngang mahigpit ang boss niya. Bigla ko tuloy naalala na nabanggit niya na kilala at sikat ‘yong kompanya na pinagta-trabahunan niya. Ibig sabihin ay madali lang silang makakahanap ng pwedeng kapalit niya pero bakit gusto siyang pabalikin ng boss niya? Hindi kaya may gusto sa kanya ang boss niya kaya pinapahanap siya? Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkainis ng sumagi ang bagay na ‘yon sa isip ko. Mukhang magandang ideya pala na pumayag ako na dito na lang din manirahan si Clara para hindi na siya mahanap at masundan pa ng boss niya. Muli naman akong napatingin sa katabi ko at malayo na naman ang tingin niya kaya naman hindi na ako nagtanong pa at hinayaan na lang siya. Gusto ko sanang sabihin na ‘wag na niyang isipin ang tungkol sa bagay na ‘yon, kaya lang ay hindi ko naman mako-kontrol ang isip niya. Nang mapatingin naman ako sa bahay ay napansin ko na parang may nakatayo sa labas, mukhang ang nanay ‘yon. Kahit na may kalayuan ang kubo ay natatanaw pa rin naman dito ang bahay, ‘yon nga lang ay hindi matatanaw do’n ang kubo dahil sa ilang puno na nakaharang. Mukhang hinahanap na kami ng nanay, wala pa naman kami sa sakahan ngayon. Pero bahala na, gustuhin ko man na umuwi kaagad ay hindi ko naman pwedeng iwan na lang dito si Clara lalo na at ilang oras na lang din ay magdi-dilim na kaya naman umiwas na lang ako ng tingin sa bahay. Maya-maya lang din ay biglang tumayo si Clara kaya naman agad akong napatingin sa kanya. Inaasahan ko na seryoso pa rin ang ekspresyon niya pero ngayon ay nakangiti na siya kaya naman hindi ko na rin maiwasan na mapangiti dahil sa kanya. “Tara na, baka kanina pa naghihintay ang nanay mo sa atin,” sabi niya at nagsimula ng kunin ang ilang gamit na dala namin. Sinubukan niya pang bitbitin ‘yong sako na may laman na mga gulay pero hindi niya mabuhat dahil mabigat kaya naman napangiti na lang ako sa kanya. “Ako na ang bahalang magdala rito,” sabi ko sa kanya at saka kinuha ‘yong sako. Alam ko naman na gusto niyang tumulong bilang kapalit sa pagtuloy niya pero ilang beses ko na rin namang sinabi na ayos lang lalo na at bisita siya pero hindi naman siya nagpapatalo kaya naman hinahayaan ko na lang din siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD