UNANG PAHINA

2549 Words
(Simula) Amina's Pov. "Tanggapin mo na,na andidito kana." Isang boses ang narinig ko mula dito sa kinatatayuan ko. Nagbabalak kasi akong tumakas mula sa dormitoryong 'to. Sa pamamagitan nang pag dudugtong-dugtong ng mga tela ng kurtinang nakuha ko na naka sabit sa bawat sulok ng kwatong ito. Hindi naman masyadong kataasan ang building. Ngunit mukhang mailap saakin ang tadhana,kulang ang mga telang ito para makababa ako. Tinanaw ko siya. Magandang babae. Matangkad at mukha siyang mataray. Nakatitig lamang siya saakin. "Who are you?" Bumaba ako mula sa tinutungtungan ko'ng upuan at tumayo ng matuwid habang nakatingin sakanya. "Isang kaibigan." Kaibigan?? I don't need a friend tsk. "Hindi ko kailangan ng kaibigan."Muli akong pumatong sa upuan para abutin ang bintana. "At sa tingin mo makakalabas kapa dito?..." Tinanaw ko siya na saktong ngumiti ito saakin "ng buhay?" Lumapad ang ngiti nito. Inirapan ko lamang siya at bumalik sa ginagawa kong paghuhulog ng pinagdugtong-dugtong na kurtina. "Paano kapag nakalabas ako?" Panghahamon ko sakanya. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Anong nakakatawa? "Ano ba ang inaakala mo? Hindi ka nila nakikita? Na hindi nila alam kung ano 'yang ginagawa mo?" Ano? May cctv ba dito? "Hindi uso ang cctv dito, walang gumagamit ng gano'n dito." Teka? Paano niya nalaman ang nasa isip ko? "Sumuko kana,Gano'n padin naman hindi kana makakalabas dito, pwede pero mamatay." Paulit niya. Inihinto ko ang ginagawa ko saka bumaba sa pinapatungan kong upuan,tumingin ako sa kanya bago umupo. Inilibot niya lamang ang paningin sa buong kwarto na tila ba ngayon lang siya nakapasok rito. Nakaharap ako sakanya. "Ikaw? Ilang taon kana bang nakakulong dito?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Wag mo ng tanungin pa,magugulat ka." Sa gusto kong malaman bakit ba. Muling bumalik saakin ang mataray niyang mga tingin "Limang taon." Limang taon? Imposible! "Hindi kana nakalabas pa kahit isang beses?" Sa Limang taon wag niyang sabihing kahit isang beses hindi na? "Nakalabas na..isang beses nga lang." So pwede pa pala akong makalabas? "Nakalabas ka naman pala eh bakit kapa bumalik? Dapat tumakas..." Naputol ang sinasabi ko ng bigla niya akong binigyan ng masamang tingin. "Tingin mo hindi ka nila papatayin sa gitna ng kagubatan? Kahit tumakas ka O maka takas ka ng buhay,hahayaan ka lang nilang lapain ng mga hayop sa labas, Alam mo maraming sumubok kagaya ng ginagawa mo,Gusto mo malaman kung anong nangyare sakanila?" Naglakad ito patungo sa kama ko at umupo ng komportable. Hindi ko alam kung kaya ko ba na marinig ang sagot sa sinasabi niya. "Ano?" Pero dahil dinadala ako ng curiousity ko gusto ko padin malaman. "Pinatay." Nanlamig ang buong katawan ko sa narinig ko mula sakanya. Pinatay? Ako Papatayin din kaya nila ako? "Kapag tumakas ako,papatayin din ba nila ako?" Kailangan ko ng sagot. Ayokong mamatay gusto ko lang makaalis dito. "Sa tingin mo ba hindi? Bakit sino kaba?" Natawa ito ng bahagya. Ako si Amina! "Ako? Pinasok lang ako dito kaya.." "Mga taong may matataas na posisyon dito at mapapakinabangan lamang ang hindi nila kayang patayin." Isa din kaya siya sa mga taong iyon? "Isa kadin ba sakanila? Kaya hindi ka pinatay?" Sandali siyang natahimik bago muling nagsalita. "May nag ligtas saakin." "Ang swerte mo naman." "Oo,Swertihan lang dito. Swerte ka kapag bukas pag gising mo buhay kapa,malas mo kapag mamayang gabi papatayin ka dahil nagbalak kang tumakas." Ano?! Ayoko pang mamatay. Ayoko. "Totoo ba yan? O nananakot kalang?" "Hindi ako mahilig magbiro,Kabisado ko na ang lugar na'to,mas grabe pa ito kesa sa impyerno." Kaya dapat ba mag ingat din ako? "A-anong dapat kong gawin?? A-ayokong mamatay." Namumuo nanaman ang mga luha sa aking nga mata. "Mag sorry ka." Sayo ba? Tsk. "H-Huh? Kanino? Sayo? No way." "Hindi ko kailangan ng sorry mo,wag kang masyadong maldita buti nga at tinutulungan kita." Tulong naba 'to? "Tulong? Ang totoong tulong,tutulungan mo akong makatas at makaalis dito!" Medyo tumaas ang boses ko at nasigawan ko ata siya. Binigyan niya lamang ako ng mas masamang tingin hindi kagaya ng kanina. "Binibigyan kita ng chance tumakas,ipagpatuloy mo 'yang ginagawa mo,hindi naman kita pinipigilan. Goodluck" Naging sarkastiko ang mukha nito at muling tumayo. Mukhang aalis na ata siya. "Sandali.." Lumingon itong muli. At nagtaas ng kilay saakin. "Sabihin mo kung kanino ako dapat mag sorry,gagawin ko." Bahala na. Ilang segundo bago siya muling nagsalita."Hanapin mo yung may pangalang Demonise." Demonise? Anong klaseng pangalan naman 'yon. Parang ipinangalan sa Demon, kung hindi ako nagkakamali. "Demonise? Sino ba siya? Saan ko naman siya mahahanap?" Muli siyang humarap ng matuwid saakin at lumapit ng bahagya. Nagpakawala ito ng malalim na paghinga bago nagsalita at inilibot muli ang paningin sa buong kwarto."Hanapin mo." Huh? Eh saan nga? "Mag sosorry naman talaga ako pero saan ko nga siya hahanapin? Wala man lang clue?" Magulong kausap 'tong babaeng 'to, eh kung sabihin kaya niya saan saktong makikita yung babaeng Demonise na yon. "Walang may alam kung saan,kaya nga hanapin mo,Bingi kaba?" Aba?! Ako! Wow! Relax Amina. Hingang malalim. "Paanong hindi mo alam? Kilala mo siya diba?" Mapait na ngiti ko sakanya habang nangigigil na ako dito sa inis. "Basta ang alam ko makikita daw siya sa isang pine tree dito sa loob ng Academy,pagsapit ng madaling araw,Saktong alas tres. Ayan may clue kana." Ngiti niya ulit. Hindi na ako natutuwa. "Ha? Bakit ba kailangan pa siyang hanapin? Hindi ba pwedeng doon nalang sa..." Ano nga ulit pangalan non? "Sino?" Pagtataka niya. "K-Keya...Del V-Valle?" "Keya Del Valle?!" Nagulat ako ng medyo na alarma siya sa narinig niya. "O-Oo." Bigla akong nakaramdam ng takot sakanya. "P-Paano mo siya nakilala?" Ramdam ko ang takot sa pananalita niya. Bakit? "Ahm..P-Pagpasok ko dito sa loob ng Gehenna siya yung unang nag welcome saakin." Tumango lamang ako at umiwas kaagad siya ng tingin. Hindi ko maipinta ang ekspresyon ng mukha niya pero sa tingin ko galit siya or naiinis na ewan hindi ko maintindihan. "Basta hanapin mo si Demonise,siya daw ang may hawak ng lahat ng buhay dito." Daw? Bakit parang hindi siya sure? May hawak ng lahat ng buhay dito? Ano ba siya Diyos? Teka!? Saan ko naman hahanapin yon!? "Ang hirap naman ata hanapin yung taong di mo alam kung saan talaga makikita." "Buhay mo O hahanapin mo? It's your choice." Choice? Bakit ba kasi may choices pa. "S-syempre ang buhay ko.." That's my first priority total sarili ko lang naman ang maasahan ko dito. "Edi Hanapin mo." "Nakita mo naba siya?" Siguro Oo diba? Pwede ko itanong kung saan niya huling nakita para may clue na ako kung saan ako pupunta. "Hindi pero ang alam ko lang parati siyang nanonood sa bawat tao dito." Nanonood? Akala ko ba walang cctv dito? "Nanonood? S-sa t-tingin mo pinapanood niya ako kanina sa ginagawa ko? A-Alam ba niya?" Kinikilabutan na ako. Nanlalamig. "Wala siyang hindi alam." Nananakot lang ba 'to? O totoo talaga ang mga sinasabi niya? "Hindi kaya tinatakot mo lang ako?!" Baka hindi totoo lahat ng sinasabi mo. "Wala pang nakakakita sakanya ng buong-buo dipende kay..." Napahintoo ito sa pagsasalita. Sino? Sinong nakakita na kay Demonise? "Dipende kanino?" Tumingin siya ulit ng masama,nanlilisik na mga matang naakatitig saakin. Nakakatakot. "Makikilala mo din siya." Tumalikod ito ng tuluyan bago muling naglakad patungo sa may pinto. Teka!? Di pa tayo tapos mag usap! "Mag-iingat ka sa bawat kilos mo.." Lumingon ito ng bahagya "At kung sakaling makikita mo ulit iyong Keya Del Valle, Mag-iingat ka." Babalang pagkakasabi niya bago tuluyang isinara ang pintuan. Saan ko naman hahanapin iyon? Saan sa lugar na ito? Pine tree? May nabubuhay bang gano'n dito? Nakikita siya saktong alas tres? Madaling araw? Nakakatakot naman. Bakit kailangan kong mag ingat doon sa Keya Del Valle? Anong meron nanaman sakanya? Ma,Pa,Lola Natatakot ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Saan ako hihingi ng tulong kanino? Gusto ko ng lumabas ayoko dito. Nakakatakot mag-isa. Hindi ko namalayang unti-unti na naman palang pumapatak ang mga luha galing sa mga mata ko. Natatakot na ako. Sobra. Kailangan ko si Mama, si Papa,si Lola. Pero kailangan kong magpakatatag! Kailangan kong mabuhay. Paano pa ako lalabas kung hindi ako mabubuhay. Kailangan ko siyang mahanap! Para mabuhay ako. Siguro kapag nahanap ko na siya ay pwede ko ring hilingin sakanya na pakawalan ako at palayain para makauwi saamin. OO! TAMA AMINA HANAPIN MO SIYA! HUMINGI KA MISMO NG TULONG SAKANYA SIGURO NAMAN KAHIT PAPAANO MABAIT SIYA DIBA? Pinunasan ko ang magkabilaan kong mga pisnge dahil sa basang luha dahil sa pag iyak ko. Kinuha ko ang bag ko. Muling huminga ng malalim saka mabilisang tumayo mula sa pagkaka-upo. KAYA MO 'TO AMINA! WALA KANG KADAMAY AT KASAMA KUNDI ANG SARILI MO. Naglakad na ako palabas ng kwarto. Saktong pagbukas ko ng pinto ay may nakita akong mga estudyanteng nagtatakbuhan. Ang iba naman ay nagsipasukan sa kanilang kanya-kanyang silid. Pero walang ingay, walang sigawan tahimik silang tumatakbo. Anong nangyayare? Ilang sandali pa ng may biglang humawak sa braso ko. JUSSSKO! NAGULAT AKO! "PUMASOK KANA AT AND'YAN NA SILA!!" Isang babae,maitim ang mga labi at nakasuot ng uniform. Tila ba may humahabol sakanya dahil humahangos itong nagsasalita. Sinong paparating? Sinong sila? "S-sino?" Tanong ko rito nang mabilis na itong naglakad papalayo saakin. Sinundan ko lang siya ng tingin hindi pa nakakalayo ay may tatlong lalakeng humarang sakanya. 'Yan! yo'ng nagdala saakin kanina papasok dito sa Gehenna. Yo'ng parang bouncer. Pinalibutan nila ang babae,teka? Anong gagawin nila sakanya?! Ilang sandali pa ay sinaksak no'ng isang lalake yung babae sa leeg gamit ang isang kunay WHAT!?? OMY!!!! Halos manginig ako sa kinatatayuan ko JUSKOO! Bakit nila ginawa yon!? NANLAKI LAMANG ANG MGA MATA KO AT NAPATABON AKO SA BIBIG KO. NASUSUKA AKO AT NANDIDIRI KAPAG NAKAKAKITA NG DUGO! HINDI! PANAGINIP LANG 'TO! NASA PANAGINIP LANG ULIT AKO! HINDI ITO TOTOO! HINDI! Patuloy na dumadaloy ang dugo ng babae sa sahig kahit na nakatayo parin ito na para bang pag daloy ng tubig sa isang ilog hanggang sa natumba na ang babae sa sahig samantalang parang wala lang sa tatlong lalake ang ginawa nila. Nagulat ako at parang di makagalaw ng bigla silang tumingin saakin. Ngayon ko lang napansin na ako nalang pala ang tao dito sa labas. Kaya bumalik kaagad ako papasok sa kwarto ko. Sinarado ng maigi ang pintuan at ini-lock. Nakasandal lamang ako rito sa pintuan. ANO IYONG NAKITA KO!? TINABUNAN KO NG MAG KABILAANG KAMAY KO ANG MUKHA KO. HINDI AKO MAKAPANIWALA SA NAKITA KO. BAKIT?! ANONG KLASENG LUGAR 'TO!? BAKIT KUNG PATAYIN NILA 'YONG BABAENG 'YON AY PARANG HAYOP!? NASAAN BA AKO!? AYOKO NA DITO! GUSTO KO NG UMALIS DITO! "Ayoko na dito...ayoko na..." Tila nawawalan na ako ng boses dahil sa kakaiyak. Nawalan nadin ako ng pag-asa. Wala na akong ibang magawa kundi ang umiyak ng umiyak. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng gano'n! Ngayon lang ako nakakita ng isang taong pinatay na parang hayop! Walang hiya sila! Anong ginawang masama ng babaeng 'yon?! Bakit kailangan ng gano'n?! "Amina..." Teka?! Saan galing 'yon? May narinig akong bumulong mula sa gilid ng tenga ko. Wala naman akong ibang kasama dito. Biglang lumamig ang buong paligid nitong kwarto. Napayakap na lamang ako sa aking sarili. Naalala kona bukas pa pala ang bintana ng kwartong ito mukhang nakalimutan ko ata'ng isara kanina. Naglakad ako papunta sa may bintana para isara ito. "Amina..." Teka? Iyon ang boses na narinig ko mula sa panaginip ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Luminga-linga ako sa buong kwarto. "May tao ba dito? Sino ka? Lumabas ka!" Wala namang sumasagot. Sino ba kasi 'yon!? Sino ba kasi siya?! Mas lalong lumakas ang ihip ng hangin. Mas lalo din akong nilamig dahil nandito ako sa harapan ng bintana. Isasara ko na sana ito ng may mahagip ang mga mata ko. Isang MATA!? SA MAY PUNO SA IBABA SA HARAP NETONG DORMITORYO HINDI KO ALAM KUNG NAKAPATONG BA SIYA O NAKATAYO PERO IMPOSIBLENG HINDI SIYA MAHULOG,MATAAS ANG PUNO NA 'YAN SA TANSA KO. MAY DILAT NA DILAT NA MAGKABILAANG MGA MATANG NAKATINGIN....SAAKIN!? KULAY BLUE ITO. NAKATITIG LANG SIYA SAAKIN KAYA TINITIGAN KO LANG DIN SIYA. WALANG MUKHA O SHAPE NG TAO AKONG NAKIKITA BASTA ANG ALAM KO MATA NG ISANG TAO ITONG NAKIKITA KO. UMIHIP MULI ANG HANGIN. NAPULING AKO BIGLA... Urrrg! Pagdilat ko ay wala na iyong mga mata. Nilalamig na ako kaya isinara ko na ang bintana. Hindi ako nakakaramdam ng takot. Bakit parang kilala ko ang mga matang 'yon?nakita ko na ba siya noon? Inilapag ko na ang bag ko sa table na nasa tabi ng kama ko. Teka... NAALALA KO! MAY CELLPHONE AKONG DALA! OO! PAGKAKATAON KO NA ITO PARA MAKATAWAG! KAY MOMMY AT DADDY! AT KAY LOLA! Agad kong kinuha muli ang bag ko. Kinapa ang loob. At ayun! Nakuha ko na ang cellphone ko! Sawakas! Binuksan ko ito. Pero? WALANG SIGNAL! "s**t!" Napamura nalang ako ng malutong. Bwesit naman. Bakit walang signal! Urrg! Bukas nalang susubukan kong lumabas ng dormitoryo at baka may signal sa labas,ibinalik ko muli ang cellphone ko sa bag at muling ipinatong ko ito sa table. Inaantok na ako,kailangan ko nang matulog.... Zzzzzzz.... Naglalakad ako sa isang hallway. Kitang-kita ko ang mga estudyanteng nagpapatiwarik. Ang iba naman ay duguan. Anong nangyayare dito? Mas pumukaw pa ang atensyon ko sa isang babaeng sinasakal ng isang lalake. Naghihingalo na ang babae. Nilabasan na din ito ng dugo mula sa ilong. KAILANGAN KO SIYANG TULUNGAN. Sinubukan kong gumalaw. Pero hindi ako makagalaw. Eto nanaman. Napako nanaman ako sa kinatatayuan ko,ni makakilos hindi ko magawa grrr! Dahan-dahang lumingon ang lalake saakin, Ngumiti at muling ibinalik ang tingin sa babae. Maya-maya pa ay may tatlong lalakeng paparating. Lumapit sila sa 1st Guy na may sinasakal na babae. Pinagtulungan nila itong pigilan. Hinawakan sa magkabilang braso ng tatlong lalake saka inilayo sa babae. SALAMAT NAMAN! Tinutulungan nila ang babae. Mabubuting tao sila. Lumapit yung 2nd Guy sa babae. Hinawakan niya ang babae sa mukha. Samantalang yung 1st Guy naman kanina na sumasakal sa babae pinipilit na kumawala. Para bang gustong sugurin si 2nd Guy na humahawak sa babae. Tila ba parang may gagawing masama itong pangalawang lalake. Maya-maya pa hindi ko napansin dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayare SINAKSAK NO'NG PANGALAWANG LAKE IYONG BABAE. Akala ko ililigtas niya! Siya din pala ang papatay! HAYOP NA 'YAN! nagsitawanan ang tatlong lalake. At tuluyan ng binitawan na iyong babae duguan. Saka iniwang naka handusay ang babae. Dumaan ito sa kinatatayuan ko. Tiningnan muna nila ako saka tumawa muli bago tuluyang umalis. Nakaratay na sa sahig ang babae. Humahagulgol sa iyak ang lalake. Akala ko itong unang lalakeng ito ang masama. Akala ko siya ang papatay. Akala ko papatayin niya talaga. Pero akala ko lang pala. Mali ang nakita at hinusgahan ng mga mata ko. Iyong tatlong lalakeng iyon ang pumatay! Ang mamamatay tao! Anong ginawang masama nitong babae. Tandang-tanda ko ang mga mukha nila,Sino kaya sila? Dapat silang managot! Pero papaano!? Teka?saan ba itong lugar na ito? Nasa loob nanaman ba ako ng panaginip ko? Nasa loob ba ako ng Gehenna Academy? Kung gano'n lahat ng panaginip kong ito at mga napanaginipan ko noon dahil ba sa Eskwelahang ito? Kaya ba pinasok ako ni Lola dito? Para malaman ko ang sagot sa mga napakarami kong tanong? Oo! Dapat akong lumaban! Aalamin ko ang mga sagot sa tanong ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD