TW: VIOLENCE
Weeks has passed, I focused more on my studies. Hindi ko muna inisip yong sinabi sakin ni Scarlett tungkol sa mag mapapakasal sakin.
My only problem is... hindi kami bati ni Emma!
"Class dismissed,"
Right after our teacher said that, I immediately grabbed my bag at nagmadaling lumabas ng room. Pinuntahan ko agad si Emma sa classroom niya. I took a glance on jalousie para matanaw ko kong nasaan si Emma.
"Emma!" tawag ko nang matanaw ko siya.
Aish. Hindi niya ata ako narinig.
Unti-unti nagsilabasan yong mga kaklase niya kaya sinusundan ko siya ng tingin. She grabbed her bag at isinuot ito sa balikat niya. She was on her way palabas ng classrom niya.
Nang makalabas siya, I immediately grabbed her wrist at mas hinigpitan ko ito nang pilit niya ito tinatanggal. Nang makalayo kami sa daan, bumitaw ako sakaniya and I looked at her straight to her eyes.
"What?!" inis niyang sabi.
I pursed my lips. "I'm sorry... I was upset and stressed. I didn't mean to be mean towards to you,"
I heard she took a deep sigh. "Not just mean, Faizah. You were so rude!"
Right. I admit that. I was being rude noong gabing yon. Hay.
"Sorry..." nakayuko kong sabi.
"Hey," she grabbed my chin. "It's fine... ganyan din ako minsan," ngiti niyang sabi.
Eh? Parang kanina lang galit siya, ah. Tapos ngayon kalmado na? Ibang klase 'tong si Emma, ah.
"At dahil diyan, ililibre mo'ko!"
Napakamot ako sa ulo tapos natawa. "Sige na nga. Saan ba gusto mo?"
"Kahit saan!"
"Uh... mall? Gusto mo? Bilihan kita ng dress! I know you love wearing dress! Tara," hinila ko siya pababa bago pa man siya makapag react.
"Gamitin nalang natin yong sasakyan ko, Fye. Tara rito,"
Dumiretso kami sa parking lot dahil doon naka parking 'yong sasakyan ni Emma. Pagkarating namin, pumasok kami agad dahil tirik 'yong araw. Umupo siya sa driver seat at ako sa passenger seat.
She turned the engine on at nagsimulang mag drive. Hindi nag tagal, dumating din kami sa mall. Pagkatapos naming mag park sa parking lot, dumiretso kami papasok.
Sumalubong samin yong lamig ng aircon kaya nabawas-bawasan yung init ng katawan ko at nalamigan yong pawis ko.
"Aaah... fresh," sabi ni Emma nang makapasok kami.
"True. Sobrang init sa labas eh. Tara na?" pagaaya ko.
"Sure! I'm sweating so bad!" reklamo niya.
Agad kaming pumunta sa Zark's Burger para maka kain na kami at para mag sho-shopping kami mamaya pagkatapos naming kumain.
"My treat na." sabi ni Emma habang naka tingin sa menu.
Tumango nalang at nag simula na rin mag tingin kung ano magandang i-order. After a few minutes, dumating na iyong inorder namin at nagsimula kaming kumain.
Habang kami kumakain, I saw someone familiar on my peripheral vision. Agad naman ako napatingin dahil sa taong 'yon.
Napaawang ang labi ko nang makilala ko 'yong taong 'yon.
Siya 'yon ah... yong lalaking naka bangga ko?
Bigla siyang tumingin sa gawi ko habang may kausap sa phone. Agad akong napaiwas ng tingin at nagsimula na ulit kumain.
Ano kaya ginagawa niya rito?! I mean, wala naman ako karapatan mag reklamo dahil hindi naman ako may ari nito. Pero-
"Hey, ayos ka lang?" Natauhan ako nang tanungin ako ni Emma.
Agad naman ako tumango nang tanungin nya ako nag simula na ulit kumain. Pagka subo ko sa kutsara, tumingin ulit ako sa labas... at wala na yong lalaki kanina.
I don't really care about that guy, but... it feels so weird seeing him again!
Hindi pa nga ako nakapag thank you sakaniya noong tinulungan niya akong patayuin, eh!
Ang dapat talagang sisihin dito si Scarlett!
Mga ilang minutong nakalipas, lumabas na kami sa fast food na kinainan namin at dumiretso kami sa bilihan ng dresses. Excited pa siya habang kami papunta roon. Konti nalang kaladkarin nya ako dahil sa pag hawak nya sa braso ko!
"Ito? Bet mo ba?" tanong ko habang hawak hawak yong dress sa hanger.
"Hmm... not really. Wait... I'm gonna take a look," she walked away.
"Okay!" naisipan ko rin na mag tingin-tingin ng damit because I also want to try something different too.
Habang ako naghahanap ng damit, may narinig akong nagaaway na mga babae. I immediately turned around para hanapin yong sigawan na naririnig ko. Nasa counter sila, kung saan sila nagaaway.
"Hey, what the f**k is your problem?"
"Aw, new friend again, Emily? where's Melanie? Ooh, nandoon nagpapaka pokpok kay boyfriend," tumawa siya nang malakas.
"Anong nagpapaka pokpok? Hindi ganoon si Melanie!" the girl hissed.
"You have the nerve to scold at me, huh? Since when? Nong nagkaibigan kana? Poor you, matapang kalang pag may-"
Biglang hinila nong isang babae yong buhok nong isang babae na sumisigaw kanina. Natauhan ako nang tawagin ako ni Emma. Napatingin din siya kong saang gawi ako nakatingin kanina.
"Tara na?" sabi ni Emma matapos siyang tumingin sa nagaaway na mga babae.
Tumango ako at nagantay kami saglit nang makaalis yong mga babaeng nagaaway kanina. Pagkatapos kaming magpa counter, umalis kami agad at nag punta kami kong saan gustong pumunta ni Emma.
"Grabe yong kanina. Kawawa 'yong babae kanina na siniga- aray!" sigaw kong sabi.
May biglang naka bangga kasi sakin kaya nabitawan ko 'yong paper bags na dala-dala ko. Inis kong kinuha 'yong mga paper bag and I raised my head nang makuha ko ito.
"Ano ba-" nanlaki 'yong mata ko nang makilala 'yong naka bangga sakin.
"Hoy! Problema mo?!"
Napatingin ako sa gawi ni Emma, naka tingin siya sa lalaki habang inis na inis.
"Wow... saglit lang, Ms," pagpapa kalma nong isang lalaki.
"Anong 'saglit saglit' ka riyan?! Bulag yang kasama mo, ah!" inis na sabi ni Emma.
Tumingin ulit ako sa lalaking naka bangga sakin. He was looking at me straightly to my eyes. He held his hand on me at inis kong tinanggap ito. Nang maka-tayo ako, inirapan ko 'yong lalaki.
Okay. This time, he doesn't deserve getting thanked! Nakaraan pa siya!
Nang makauwi ako, dumiretso ako papasok sa kwarto at ibinagsak ko ang katawan kama. Naalala ko bigla yong nangyari kanina at inis kong kinuha yong unan sa tabi ko tinakip sa muka ko.
"Pang ilan na 'yon... naiirita talaga ako roon sa lalaki 'yon." inis kong sabi.
Well... I'm hoping we won't see each other anymore! I mean... yes, it's possible that we won't see each other again and that's much better!
Binuksan ko yong cellphone ko at nag scroll scroll ako sa i********:. Kailan kaya uuwi sila Mama at Aria? Grabe naman yong 1 month, ang tagal nila ha! Gusto ko sana pumunta kaso nakakatamad naman. At feel ko anytime ite-text ako ni Scarlett para utusan ako sa mga bagay-bagay.
Napagpasyahan kong lumabas para mag lakad lakad ulit. Habang ako naglalakad, naramdaman kong parang may nakasunod sakin. I immediately turned my body around at napakunot yong noo ko. Wala naman! Masyado lang siguro ako nag o-overthink.
Naglakad ulit ako at naramdaman ko nanaman na may tumatakbo papalapit sakin. Agad akong tumingin sa likuran ko at nanlaki 'yong mata ko dahil may lalaking nakatayo sa harapan ko.
"Si-"
Bago ko pa man matapos 'yong sasabihin ko, ramdam ko ang pag hampas sa ulo ko and everything went black.
I slowly opened my eyes kasabay ng pag sakit ng ulo ko. I slowly touched my head at ipinalibot ko ang aking paningin. Napaawang ang labi ko nang may maramdaman akong pag kirot sa noo ko.
"Aw." mahina kong sabi nang hawakan ko yong sugat ko.
Narito pa ako sa bahay... pero ano nangyari? Sino yon?! At bakit niya ginawa 'yon?!
Mabilis kong kinuha yong cellphone ko para i-text si Scarlett kung may kinalaman ba siya rsa nangyari sakin.
To: Scarlett
Someone hit me, Scarlett.
Napakawalang kwenta ng way ng pagkakasabi ko. Pero, ano ba? Hindi ako makapagisip nang maayos ngayon. Medyo wala ako sa sarili.
She replied immediately.
From: Scarlett
I will visit you there. Keep your doors locked.
Hindi na ako nag reply at inantay ko nalang na dumating siya. Mga ilang oras, narinig kong may kumatok sa pinto at agad ko itong binuksan.
I saw Scarlett standing na naka suot na white fitted t-shirt at itim na fitted short. She's also wearing a black coat. She flipped her short pink hair and she smiled at me nang makita niya ako.
Pinapasok ko siya sa bahay at nang makapasok siya, agad niyang kinuha yung baril niya sa bulsa ng coat niya. Kinasa niya ito at itinutok sakin.
What the hell?!
Papatayin niya na ba ako?!
Was that the secret?!
"Chill!" she laughed. "I was just testing," she smiled. "So what happened?" tanong niya nang inilapag niya yung baril sa lamesa.
Siraulo.
I bit my lower lip. "I-I don't know. Madilim non... tapos may nakita akong silhouette ng tao, pero hindi ko nakilala kung sino. Mag sasalita dapat ako kaso bigla niya ako sinapak nang malakas and I passed out," pag papaliwanag ko.
She sighed heavily nang umupo siya sa sofa. "You should careful," naka kunot niyang sabi.
"May kinalaman ka ba rito, Scarlett?" wala akong pake kung nag ingat man ako o hindi. Ang gusto ko lang malaman kung may kinalaman ba siya.
"No!" mabilis niyang pag tanggi. "How would I know? Narito ba ako nong nangyari 'yon? Mag isip ka nga," pambabara niya.
I rolled my eyes. "Pero simula nong nagkakilala tayo, nagka ganito na buhay ko. My life was peaceful, Scarlett!" Well... yeah, my life was peaceful except sa pag t-trato sakin ni Mia. But somehow, I know how I'm going to manage it! Kay Scarlett iba 'to, e. Parang nanganganib buhay ko!
"As I've said, I'm your ally, Faizah," she's trying to convince me.
"Then prove it!" I said with no hesitation. "Prove it... if you're not lying! Sabihin mo sakin kung ano nangyayari! Nag mu-muka na akong tanga, e. Gusto kong malaman kung anong sikreto yang sinasabi mo!" I yelled.
She aggressively grabbed my wrist while giving me a death glare. Habang ako, naka tingin ako sakaniya nang masama rin while raising my head a bit.
"Don't f*****g yell at me if you don't want to f*****g die," mariin niyang sabi.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa pulso ko at tinulak ko siya nang mahina. "Then f*****g kill me! I had enough with you, Scarlett!" pag babanta ko.
Nanatili siyang tahimik. Nang matanaw ko 'yong baril sa lamesa agad ko itong kinuha.
"Faizah!"
Pagka kuha ko, I grabbed her wrist and handed her the gun. Itinutok ko ito sakin gamit ang dalawang kamay niya and I saw her facial expression, shocked.
"Now... kill me!" I commanded.
Mga ilang linggong nakalipas, dumating na sila Mama at Aria. Agad ko sila pinag handaan ng pagkain at binuksan yung electric fan. Halatang pagod na pagod sila sa biyahe.
"Salamat, nak." ngiti niyang sabi nang inumin niya yung juice.
"Maiwan ko muna po kayo. Pasok lang ako sa kwarto," agad siyang tumango at pumasok ako sa kwarto. Inayos ko yong higaan habang si Aria nag a-ayos ng gamit nya.
"Ano ganap niyo roon?" tanong ko habang ako naka talikod.
"Wala naman... I was expecting na hahabol ka roon para naman makapag bonding tayo," may halong pag tatampo niyang sabi.
I immediately turned around and chuckled. "Busy ako sa school, e. Balak ko nga sanang humabol," I lied. Tinatamad lang talaga ako!
"Sa susunod, ha? Puro matatanda kasama ko roon! Baka maging marites na rin ako nito!"
We both laughed. Na-miss ko tuloy si Aria! Masyado lang talaga kasi kami na busy kaya wala kaming oras mag bonding. Aria and I had a lil chit chat at nanood ng movie habang tulog si Mama sa kwarto. Nag kwentuhan din kami tungkol sa boys. You know, girls talk!
"Tapos 'yon, gagi! Tumingin siya sakin tapos syempre ako... I looked at him straight to his eyes as well! Ang gwapo niya, 'te!" tawang tawa niyang sabi.
Tumawa rin ako nang malakas tapos hinampas ko siya sa braso nang mahina. "Tapos ano nangyari?! Lumapit ba siya sa'yo?" I curiously asked.
"Hindi, kainis nga, e! Hay nako..." she sighed.
"Ayos lang yan, ako nga-"
"Oo nga 'no, bakit ikaw wala kang boyfriend?" pag putol niya.
Agad naman ako napairap. Kinuha ko yong mangkok na ginamit namin for popcorn at nang makatayo ako, narinig ko yong malakas niyang tawa. Bwisit 'tong babaeng 'to!
I mean... I don't mind sa question niya 'no. Nakaka gago lang talaga!
"I don't need a man on my life, ulol!" sigaw ko.
Narinig ko yong tawa niya ulit sabay ng pag palakpak niya. "Weh? Hayaan mo, ate. Ipapa reto kita sa kapatid ng kaibigan ko!"
Hay nako, Aria!
Kinabukasan, maaga akong gumising para pumasok. Naligo ako at kumain kasabay si Aria. She wanted to go out dahil naiinip daw siya.
"Paano si Mama? Pano kung atakihin 'yon?" nagaalala kong tanong.
Her brows furrowed. "Pinagsama-sama ko na lahat yong mga gamot niya sa lamesa, ate. Binilinan ko na rin siya,"
"Ano magiging libangan niya rito? Paano kung malungkot yon si Mama?" tanong ko nang umiling ako.
Ayokong nahahayaan si Mama. Ayoko ring nalulungkot siya. At ayoko ring nasasaktan siya. Lalo yung umuwi ako nang sugatan siya?! Pakiramdam ko napaka walang kwenta kong anak.
"Kaya na yon ni Mama, ate. Besides... hindi pa naman siya ganoon ka-tanda. Let me enjoy, my teenage life, ate. Ayokong mag kulong dito sa bahay," tumayo siya papuntang lababo at hinugasan niya yung pinagkainan niya.
Habang ako naglalakad sa sakayan, may napansin akong itim na sasakyan, halatang mamahalin! Napansin ko ring pinag titinginan ng mga tao.
Bumukas yong pintuan ng mamahaling sasakyan at napakunot ang noo. Dalawang lalaki yong lumabas sa loob ng sasakyan.
But the other guy caught my attention, the one who sits on the driver's seat.
He was wearing a white polo. The three buttons of his polo are unbottoned while his sleeves are folded on his elbows. He fixed his fringe up hair and he took something on his pants' pocket.
He was tall, brown eyes... and oh, ma-biceps! Oh, god. He was talking to someone on his phone nang may kunin siya ulit sa bulsa niya. Napansin kong sigarilyo yong kinuha niya and he called the guy he was with at may binigay sakaniya. Kinuha niya ito at sinindihan yong sigarilyo.
Bumuga siya ng usok and he looked at the direction where I was standing. I was staring at him for second... or maybe its been a minute? I don't know! He literally caught my attention. Tumingin ako sa likuran ko kung may tinitignan ba siya sa likuran ko kaso napansin kong walang tao!
Was he... staring at me?!
If not, bakit?!
"Hoy!" I flinched when I heard someone yelled. Binusinahan ako nung tricycle kaya kunot noo akong tumingin. "Sasakay ka ba?!"
My eyes widened when I realize na nasa pilahan pala ako! Oh god! Tumingin ako sa right side kung nasasaan yong mga tao na naka pila rin, ang sasama na ng tingin nila sakin!
"S-sorry!" I apologized.
"Ano?! Sasakay ka pa ba?!" pinagaandar na nung tricycle driver yong tricylce niya kaya agad akong tumakbo papalapit sakaniya.
"O-opo! Sorry!" mangiyak-ngiyak kong sabi.
Parang gusto ko nalang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan!
Tumingin ulit ako sa direksyon nung lalaki kanina kaso wala na siya, even his car. I pouted. Sayang naman!
Nag lesson lang kami buong araw at nagpa quiz lang yong teachers namin at nagpa recitation. Not bad din! Sanay naman na ako sa ganito. I had an emergency meeting with the clubs I joined kaya excused ako sa current subject.
Pagka tapos ng meeting, I grabbed my papers and ballpen na pinang gamitan ko. Ang dami ng gagawin namin at ike-keep na files for school. Magkakaroon din kasi ng event kaya kailangan namin mag usap-usap.
"Faizah, okay na 'to 'no? Wala ka na bang idadagdag?" tanong ng secretary namin.
I took a glance on her papers. "Oo, okay naman na. Gotta go," mabilis akong lumabas ng room at dumiretso sa classroom ko. Nag di-discuss na yong next subject namin at nang matanaw nya ako, she smiled at me.
"Sorry, Ms. Emergency meeting lang ho," I smiled.
"It's fine,"
Mabilis akong dumiretso sa seat ko at natanaw kong naka tingin sakin si Liam. He immediately looked on different direction nang mag-tama ang tingin namin. This guy is so weird! But I'm still thankful nong kinausap nya ako when I almost break someone's bone.
Kumusta na kaya si kuya?!
Pagkatapos ng klase, nakipag kita ako kay Emma. I don't why but I just miss her. Nang makarating ako sa classroom niya, natanaw niya ako kaya sinuot niya agad yung bag pack niya sa likuran niya at pumunta sakin.
"My god! Ano na girl?!" tuwang tuwa niyang sabi na halos mapiga ako sa pag akap.
"Kain tayo?" I giggled.
"Sure! Ikaw ha... nang lilibre kana! Ano meron?!"
"Wala 'no! Na-miss ko lang bigla. Tara-"
Maglalakad na sana ako nang may humila sa buhok ko sa likuran. Agad akong napatingin sa likuran ko at napaawang ang labi ko nang malaman kong si Mia ang gumawa non.
"B-bakit? May problema ba?"
She looked at me from head to toe and scoffed as she flips her hair. "Do my assignments, and I will pay you, tutal you're my slave... right?" she smirked.
I pursed my lips and I took a glance on Emma. Halata sa muka niyang nag pipigil siya ng galit. Susugurin niya na dapat si Mia nang pigilan ko siya. I blocked her way using my arm.
"O-oo..." I forcedly smiled. "Yong... notebook?" nahihirapan kong sabi.
I feel so ashamed... hiyang hiya ako sobra. Matagal niya na ito ginagawa sakin pero hindi sa ganito karaming tao. Lagi nalang. lagi nalang ganito. Nakakasawa na.
"Here," binato niya sakin yung notebook at sinalo ko yon. "Nice catch," she spitted the bubble gum she was chewing at kinindatan niya ako. She walked away with her friends hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
Dumikit yong bubble gum sa sapatos ako at kumuha ako ng papel and I crumpled it to pick up the bubble gum. "E-emma, pwede bang bukas nalang?" sabi ko habang pinupunasan yung sapatos ko.
Nawalan ako ng gana bigla. Lumalala na siya! Hindi naman siya ganito noon, e. May nagawa nanaman ba ako?
Nang maalis ko yong bubble gum galing sa sapatos ko, I looked at her. She's mad as hell. "E-emma, sorr-"
Hinablot niya ying notebook ni Mia na hawak hawak ko at yong lukot lukot na papel na pinanggamit ko sa sapatos ko. "A-anong..."
She started walking away kaya mabilis akong naglakad para mahabol siya. Shocks! Ano nanaman ang gagawin niya?!
"Emma, teka lang!"
Pababa kami ng second floor pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Nang makarating kami sa ground floor, napatigil si Emma sa labas ng school. We both saw Mia and her friends, laughing.
She sighed heavily at nakita kong sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa notebook ni Mia. Malapit nang masira!
"E-emma!"
Nag lakad siya ulit nang mabilis hanggang sa makalabas kami. Sinundan ko lang siya sa paglalakad at natanaw kong maglalakad na ulit si Mia kasama ang mga kaibigan niya.
"Hoy!" sigaw ni Emma.
Shit! Ito na nga ba sinasabi ko, e!
Tumigil sa paglalakad si Mia at liningon kami. Sakto, malapit na si Emma sakanila pero ako, hindi ganoon kalapit kay Emma.
Nanlaki yong mata ko nang ibato ni Emma yung notebook ni Mia sakaniya at nasapol sa muka ni Mia kaya natapon yong iniinom niyang tubig na nakastraw habang nakasubo sa bibig niya.
"Ikaw, putangina mo!" she cussed.
Lumapit si Emma kay Mia and she grabbed her hair. Mia was trying hard to beat her up pero hindi siya makaganti dahil masyadong malakas si Emma kaysa sakaniya.
"Emma!" tumakbo ako papalapt sakanila at pilit kong inaalis yung pagkakahawak ni Emma sa buhok ni Mia.
I successfully got rid of Emma's hand on Mia's hair at halos ma-out of balance si Mia pero naalalayan siya ng mga kaibigan niya.
"Sumosobra ka nang tangina ka ha!" sabi ni Emma while pointing at her.
Inis na inalis ni Mia yong pagkakahawak sakaniya ng mga kaibigan niya at mabilis niyang inayos yung buhok niya. "So what?! Can you please stop meddling?! Nong nakaraan nakikisali ka noon nong magkasama kami ni Caleb, and now?! What the f**k is wrong-"
Nakatikim siya nang malakas na sampal and that made her shut up at nag bago 'yong facial expression niya. Her face looks like she went through on a traumtic event!
"Wag mo ako ma-english english, tangina ka! Anong problema mo kay Faizah, ha?! Bobong-bobo ka na ba sa buhay mo kaya 'di mo magawa yong assignment mo?! O baka sadyang hindi mo alam gamitin yang kamay mo pag dating sa ballpen pero pag dating sa landi expert yang kamay mo?!" she said hysterically.
Hindi ko na alam ang gagawin ko! Everyone was literally staring at us!
"Emma, what the hell?!"
Napatingin kami sa likuran namin at napaawang ang labi ko nang makita ko si Caleb.
"Wow, superhero! Oh, ayan na yong knight in shining armor mo!" tumingin siya kay Mia. "You know what-"
Dumating si Liam kaya mas lalo ako nai-stress. Sobrang dami na ng nakakakita samin! Nakakahiya! Maraming madadamay rito!
"Emma, stop that. Let's go!" may halong inis na sabi ni Liam.
Tumingin siya sakin nang masama kaya tinignan ko rin siya ng masama. Aba! Kapal ng muka nito ah!
"Hindi mo manlang sila inawat, Vera?!"
I scoffed. "Wow, Liam! Can you please stop jumping to conclusion?! Wala kang alam! Kakarating mo lang din kaya itikom mo yang bibig mo!" inis na inis kong sabi.
And because of him, it ended up na there are four students who are arguing! Ano ba 'to! Nakakainis! Napaka pakelamero rin kasi!
May bumusina sa harapan namin at nasilaw kami. Lumabas yong tao sa mamahalin na sasakyan at tumingin samin. Naka office attire pa.
"You're going with us," turo niya sa direksyon namin.
My brows furrowed kaya naman napatingin ako sa paligid ko. Huh? Sino raw?
"You," kalmadong sabi nong lalaki.
He clicked his tongue kaya lumapit siya papalapit samin at napaawang ang labi ko dahil nasa harapan ko na siya. He grabbed my wrist. Pero bago pa man kami makapag lakad, hinawakan ni Liam braso nong lalaki, glaring at him.
"What the f**k do you need from her?" mariin niyang tanong.
"None of your business, Sir. Now, if you will excuse-"
He received a strong punch and that made me gasped. What the f**k?!
Napa-atras yong lalaki, trying to keep up from himself kahit halos ma-out of balance na siya.
"I'm harmless, Sir. I have no bad intentions from her, I just need-"
He punched him again.
"Liam!"
Napatingin siya sakin and I sighed heavily. "Sobrang gulo na rito! I-I'm just gonna go with him! I'm pretty sure he won't do anything bad!"
Pwede kami ma-guidance dahil sa ginagawa nila! Kaya I would risk my life nalang para naman mabawasan ang gulo.
"How can you be so sure?!" his jaw moved aggressively.
"I will go with her!" Emma volunteered.
"Hindi pwede. We only need this woman," turo sakin nong lalaki.
Liam grabbed his collar and he glared at him. "I swear to god, If I ever heard some bad news about her, or if ever she gets in f*****g trouble, hahanapin kita at bubugbugin kita hanggang sa hospital ang tutulugan mo," Liam threatened.
He let go of him and the guy gestured me to go inside of his car. I pursed my lips at dahan-dahan akong naglakad papunta sa sasakyan niya. Umupo ako sa backseat and he started the engine.
Walang nag iimikan samin. Tahimik lang ang biyahe namin. Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta. Basta ang alam ko, wala siyang gagawing masama.
Tumigil kami sa isang building at lumabas siya ng sasakyan. Mabilis siyang pumunta sa backseat car at pinagbuksan niya ako.
"Sundan mo lang ako,"
I nodded as a reponse at sinundan ko lang siya papasok sa opisina. Some people were staring at me lalo yong mga bodyguards. Nag elevator kami at pinindot niya yong 9th floor. Nang mag bukas ang pinto, nag lakad kami sa kanang bahagi at tumigil kami sa isang office room.
"Anong-"
Kumatok siya sa office room na nasa harapan namin at may narinig ako ng boses ng lalaki, it was deep. Nang makapasok kami, inilibot ko ang paningin ko. Sobrang laki ng office room niya. May chandelier pa sa may table niya banda.
Someone was sitting on the swivel chair and it spinned a bit para harapin kami. Halos malaglag ang panga ako nang makilala ko siya.
Siya yong gwapong lalaki na may mamahaling sasakyan kanina, ah!
Luh!
He looked at me with no emotions on his eyes. Kakalabitin ko na sana yong lalaking kasama ko nang matanaw ko na wala na siya! Oh god! Bakit niya ako iniwan dito?! Yong atmosphere kakaiba!
I gazed at him.
"S-sino ka?" mahina kong tanong.
He gazed at me as nothing
happened. I bit my lower lip when I saw his name on his table.
'Zachary Axel'