11th chapter

1843 Words
Tatlong araw na ang lumipas ay hindi pa rin nagpapakita si Ishmael kay Kaori. She wondered where he's at. Kung gumaling na ba ito sa lagnat o kung nadale na ba ito. "Hmp. Hindi man lang nagmumulto kung patay na. Sana man lang magpakita ang kaluluwa niya kahit isang beses para naman makapag-goodbye kiss ako." Inis siyang napabuga ng hangin. Tumingala siya sa kalangitan mula sa salamin na bintana. Kinakausap na naman niya ang kaniyang sarili na parang nababaliw. "Sana natuluyan na siya ng virus. Naiinis ako sa kaniya. Bakit ba kasi softhearted ako? Kainis! Sa susunod, hindi na talaga ako magpapadala sa awa!" Nakanguso siyang humiga at tumingala naman ngayon sa malinis na kisame. Tinitigan niya saglit ang overhead lamp na nasa sentro kung saan nakikita niya ang antipatikong mukha ni Ishmael. "f**k you, Ishmael de Rohan!" Bumangon naman siya. Para na siyang kiti-kiti na hindi mapakali at hindi alam ang gagawin. Natuon ang paningin niya sa sconce sa dingding na nasa tapat niya. Tinitigan niya ang munting liwanag na nagmumula roon. Kumunot ang noo niya. May kung ano kasi siyang nakikitang maliit na red light na kumukutitap mula roon. Lingid sa kaalaman niya, Ishmael planted a surveillance camera hidden there and it monitors her from the other room, sa silid kung saan nagpapagaling ito sa sakit na nakuha sa kaniya. At kahit na hindi pa ito tuluyang magaling, hindi nito inaalis ang pagbabantay sa laptop nito na nakakonekta sa surveillance camera. Lagi itong nakatutok sa kaniya at lahat ng ginagawa niya ay pinapanood nito, ultimo ang lantarang pangungulangot niya. Naningkit ang mga mata niya habang nakatitig sa sconce. "Parang may mali sa bagay na 'yan. Hmm." But she shrugged it off and lay down again. Kain, tulog, nood ng TV, paulit-ulit na lang araw-araw. Bored na talaga siya sa buhay niya roon. She misses the life she used to have—being young, wild and free to do whatever she wanted. Sa tuwing naiisip niya ang mga dati niyang ginagawa, ang mga kaklase't kaibigan niya, ang mga kapatid at parents niya ay naiiyak siya. Naiiyak siya sa inis kay Ishmael. Gusto niya itong pilipitin sa leeg at ngatngatin ang mapula nitong nguso. Makakalaya na sana siya pero dahil sa lintik na pag-aalala niya para dito, heto't nagmistula na naman siyang si Rapunzel na itim ang buhok. Ilang araw na lang, twenty-one na siya. Ganap na siyang adolescent. She's no longer a teenager pero wala pa rin siyang napapatunayan. Wala man lang siyang natapos. Tumatanda na siya nang walang naa-achieve sa buhay at kasalanan iyon lahat ni Ishmael de Rohan! Isinubsob niya ang mukha sa unan at parang batang nagta-tantrum. "Sana balikan ako ni Adrian! Promise, sasama na talaga ako sa kambal ko! Promise! Hindi na ako maaawa kay Ishmael! Promise! Hindi na ako mawiwili!" Tatlong araw na rin niyang pinagsisisihan ang katangahang nagawa niya. Naroon na, eh. Nakalabas na siya ng mansion pero nagpadala siya sa awa niya kay Ishmael. Kaya ngayon ay balik na naman siya sa pagkakakulong. Ang kaibahan lang, narito siya ngayon nakapinid sa master's bedroom ni Ishmael. Mas malaking Aircon, mas malapad na kama, may bathtub, malaking shower room, higit sa lahat, malaking flat screen TV. TV lang talaga ang libangan niya. Walang internet doon. At aanhin naman niya ang internet kung wala naman siyang phone at sariling computer? Kung may internet lang din sana, baka matagal na siyang na-rescue ng pamilya niya. Simula noong araw na dumalaw rito ang mga kaibigan ni Ishmael ay hindi na nagtangka ulit si Kaori na tumakas. Nadagdagan kasi ang mga bantay at nagpadala rin ang mga ito ng well trained na mga aso na ngayon ay pagala-gala sa buong mansion. Mukhang maghihintay pa siya ng ilang years bago mamatay ang mga aso. "Tatandang dalaga na nga yata ako. Sana lang maisipan ni Ishmael na pakasalan ako para hindi naman masayang ang ganda ko." Napaungos siya sa kalandiang naiisip. Tumayo siya para buksan ang TV at DVD player. Ibababad na naman niya ang sarili sa mga lumang palabas. Sa pagtayo niya ay nahagip na naman ng paningin niya ang sconce. Lumapit siya roon at pinakatinititigan ito. She hissed after realizing what was on it. "Depuga ka talaga, Ishmael de Rohan! Sarap mong tanggalan ng apelyido at ilipat sa pangalan ko! Akala mo siguro hindi ko malalaman na nilagyan mo ng camera itong sconce! G*go ka talaga!" Sumimangot siya. "Sige, gusto mo akong panuorin? Pwes, sasakit ngayon ang puson mo kakapanood sa akin. Hah! Kala mo, ha!" Hininas niya ang maikling bestidang suot niya. Mula di*bdib ay pinagapang niya nang dahan-dahan ang kaniyang palad, pababa sa kaniyang beywang. Ginagawa niya iyon nang may ritmo habang nakatitig sa hidden camera sa sconce. Tinikwas niya ang laylayan ng kaniyang bestida at saka ipinakita kung paano niya ipinasok ang kanyang kamay sa ilalim ng kanyang panty. She then lifted it up and stuck her middle finger at the camera saying, "F**k you!" *** NAPANGISI ang lalaking nakatayo sa likod ni Ishmael matapos mapanood ang ginawa ni Kaori. "Very interesting ang bihag mo, Ishmael. Palaban." Sinulyapan niya lang si Hunter saka ibinalik ang mga mata sa laptop. "Siya lang yata ang kilala kong bihag na mukhang nag-i-enjoy sa pagkakakulong. Palibhasa gwapo ang bumihag." Napangiwi si Ishmael. "Huwag ka nang magtaka. Nagmula 'yan sa pamilya ng mga baliw." "Gaya ni Zayn?" Tumiim ang mapula niyang mga labi. Sang-ayon siyang tarantado at baliw si Zayn pero maraming beses na niyang napatunayan ang pagiging mabuting tao nito. Parang... Si Kaori. *** NAGHALUNGKAT si Kaori sa mga CDs na bagong bili Nina Mang Simon. After three days ay nakabalik na rin sa trabaho ang matanda at iba pa. Pakiramdam niya tuloy ay biglang nag-time machine ang paligid at ibinalik siya sa panahong 90s. Natuon ang paningin niya sa CD na unrated horror movie ang laman. Napanood na niya iyon nang tatlong beses. Panonoorin ba niya ulit? Napalunok siya. May kung ano'ng bumubulong-bulong sa kaniya na panoorin ito ulit. Matindi ang laman ng nudity s****l scenes sa palabas na iyon. Kakayanin niya pa kayang panoorin ulit nang walang malisya pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Ishmael three days ago? Nakagat niya ang ibabang labi at makalipas ang ilang minuto, pinanonood na nga niya iyon. Pagdating sa bed scene ay biglang nag-iba ang pakiramdam niya. May kung ano'ng humihimay sa puson niya. "Ehem!" Tumayo siya mula sa sofa at pinatay ang tv. "Bad! Masama sa health!" Hindi na niya kayang manood nang ganoon. Si Ishmael kasi ang naaalala niya. Naaalala niya ang masarap nitong halik, ang mapusok na galaw ng dila nito, ang mainit nitong yapos at ang nakakapasong pagdampi ng palad nito sa kaniyang d*bdib. Kinuha niya ang CDs at itinapon lahat sa labas ng bintana. "Diyan kayo! Mga bad!" Dumungaw pa siya at tumingin sa baba. Nakita niya roon ang isang malaking aso na nilapitan ang mga CDs na hinulog niya. Napangiwi siya sa laki niyon. Hindi na nga talaga siya basta-bastang makatatalon ngayon sa bintana dahil may nakaabang na sa kaniyang mabangis na rottweiler sa baba. "Sh*t!" Napaigtad siya sa gulat nang may mainit na kamay ang humaplos sa nakalantad niyang braso. "Easy. It's just me." Tiningnan niya ang matangkad na lalaking nakatayo na pala sa likod niya. Ito 'yong maingay na poging kaibigan ni Ishmael. Hindi man lang niya namalayan ang pagpasok nito. Sinulyapan niya ang pinto ng silid. Nakabukas iyon. Lumikot kaagad ang kaniyang utak. Pagkakataon na niyang tumakas dahil bukas ang pinto! Imagination #1: Babayagan niya ang lalaki at pagkatapos ay tatakbo siya palabas para tumakas. Kaso naalala niyang may mga aso na pala sa labas. Baka malapa pa ang maganda niyang katawan nang wala sa oras. Big NO iyon sa kaniya. Di bale nang ma-deads huwag lang sa pangit na paraan. Imagination #2: Lalandiin niya na lang ang lalaki. Ang gwapo, eh. Napaatras siya nang lumapit ito sa kaniya at pinisil ang pisngi niya. "Ano'ng kailangan mo? Ba't ka pumasok dito?" mataray na tanong niya. "Namiss lang kita," nakangisi nitong sagot. Kumunot ang noo niya. "Miss mo 'ko, mister?" "It's Felix. And yes." "Why?" "Because I like you." Nag-init ang pisngi niya. It's been six years since someone confessed to her about how he felt for her. Shuta! Parang bigla siyang bumalik sa kaniyang teenage life. Sinundan niya ng tingin ang pag-upo nito sa sofa na kinauupuan niya kanina. Dahan-dahan naman siyang lumapit at umupo sa tabi nito na ikinangisi ng binata. "Crush mo 'ko?" tanong niya. Natawa ito sa kaniya. Ngunit tumigil din nang makitang nanatiling seryoso ang kaniyang maamong mukha. Hindi nito mapigilan ang sarili na purihin sa isip ang kakaibang ganda at karisma niya. "Saan ba makakahanap ng tulad mo? T∆nginang Ishmael na iyon. Sana ibigay ka na lang niya sa akin. Kaka-break lang kasi namin ng gf ko." "You want me? Bakit hindi mo ako hingin sa kaniya? Gusto ko na kasing umalis dito." Napasipol ito. "Kapag ba hiningi kita, sasama ka sa akin?" Sinalubong niya ang nakakatunaw nitong tingin. Ngiti pa lang, alam na agad niyang playboy ito. "Depende," sagot niya kapagkuwan. "What?" Natawa ito sa kaniya. Tinitigan naman niya ito habang tumatawa. Gwapo si Felix. Parang pinaghalong kastila at Italian. Matangkad din, mas matured ang itsura kaysa kay Ishmael dahil sa manipis na balbas nito. Makakapal at mahahaba ang pikit-mata nito, mainipis at patulis ang ilong at natural na mapula ang labi. "What do you mean by depende, huh, pretty girl?" "Depende kung magaling kang humalik." Natawa na naman ang lalaki. "Ibang klase ang pagiging straightforward mo. Mas gusto yata kita ngayon." Dumikit si Felix sa kaniya. "Gusto mo bang malaman kung gaano ako kasarap humalik?" Bago pa man makapagsalita si Kaori ay kinabig na nito ang batok niya saka sinunggaban ng mainit na halik ang kaniyang mga labi. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Malalambot ang mga labi ni Felix, mainit at mabango ang hininga nito at nakakadala ang paraan ng paghalik nito ngunit may kulang. Hindi niya naramdaman dito ang excitement na nararamdaman niya kay Ishmael noong naghalikan sila. Hindi naghuhurumintado ang puso niya. Hindi siya kinakabahan. Hindi siya... Nag-aasam ng higit pa. Higit sa lahat, hindi nabasa ang panty niya. She broke the kiss, humiwalay siya kay Felix ngunit ganoon na lamang ang panlaki pareho ng mga mata nila nang mapagtantong may tao pala sa nakabukas na pinto ng silid. Ishmael and Hunter were there, looking intently at them. "Ishmael!" Nginisihan ito ni Kaori. "Guess what? Your friend was a better kisser than you." Hindi nakatakas sa paningin niya ang pag-igting ng panga ni Ishmael. Nag-aapoy rin ang mga mata nito sa galit. Kaagad na tumayo si Felix at inayos ang sarili bago hinarap si Ishmael. "Ish—" Isang malakas na suntok ang sumalubong sa panga nito na kaagad nagpatumba rito sa sahig. "What the f**k, man!" Gigil itong dinampot sa kwelyo ni Ishmael. "Touch her again and I'll make you dig your own grave!" "Easy, dude. It's just a kiss! Isa pa, hindi mo naman syota 'yan! She's just your prisoner." "She's my property. At ako lang ang pwedeng humalik sa kaniya." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD