12th chapter

1528 Words
"She's my property. At ako lang ang pwedeng humalik sa kaniya." Silence... Pagkatapos ng sinabing iyon ni Ishmael ay walang ni isa ang nakapagsalita. Kapwa ay gulantang sa lumabas sa bibig niya. Maging siya mismo ay nagulat sa kaniyang sinabi. Ang malakas na tikhim ni Hunter ang bumasag sa katahimikan. "I'll just pretend I misheard it." "You heard it right, Hunter," sambit ni Felix na sa kaniya nakatingin. "Mukhang inlab na 'tong founder ng DS sa sarili niyang bihag." "Get out," tanging na sambit ni Ishmael. His mind went blank. Wala talaga siya sa sarili nang sabihin niya ang mga salitang iyon kanina. He just got carried away by his anger. Hindi niya kinaya nang makitang may kahalikang iba si Kaori. "A'right. Alis na rin kami, Ish," paalam ni Hunter saka hinila si Felix. Pagdating sa pinto ay pinagalitan nito ang huli. "What the f**k, Felix! Ba't mo pinakikialaman?" "Kiss lang naman 'yon, Boss. No big deal." "G*go ka talaga." Hindi na narinig pa ni Ishmael ang panenermon ni Hunter sa kaibigan matapos isara ang pinto ng silid. Sinulyapan niya si Kaori na kalmado lang na nakaupo sa sofa habang pinapanood siyang nanggigigil ang panga sa galit. Lalo tuloy siyang nabanas. Bakit ba ang landi ng babaeng ito? Lahat na lang yata ng lalaking makikita nito ay hahalikan. Inisang hakbang niya ang pagitan nilang dalawa saka niya ito dinakma sa braso. "Aray! You're hurting me, Ishmael!" Tinulak niya ito papuntang banyo. "Mag-toothbrush ka!" "Ha? Why would I?" "Naiwan sa bibig mo ang laway ng cockatoo na 'yon." "Eh, ano ngayon?" "Mag-toothbrush ka na sabi!" Gigil na talaga siya. Ang tigas ng ulo! "Ayoko! Kaka toothbrush ko lang kanina, eh! Isa pa, ninanamnam ko pa ang matamis na laway ni Felix." "What?" Parang may kumurot bigla sa kaniya. Did she just say matamis? Matamis ang laway ni Felix?! Dang! Ba't parang ang sakit sa tainga no'n? "Kailan pa naging matamis ang laway ng hukluban na yun? Walang lasa ang laway, Kaori maliban na lang kung may kinakain siyang puro asukal kanina." "So dahil pala sakin kaya tumamis ang laway niya. Kasi kinain niya yung labi ko." Napakuyom na nang mahigpit ang kaniyang kamao. "Mag-toothbrush ka na kung ayaw mong ilipat kita sa attic!" "Ayoko nga!" Nalukot na rin ang mukha nito sa inis. Seryoso ba talaga ito na hindi magto-toothbrush?! Pero naiwan sa bibig nito ang laway ni Felix! Hindi niya kayang isipin na nalawayan ito ni Felix! "F**k!" "Bakit mo ba ako pinipilit? Eh, ano ngayon kung may laway ako ni Felix? Malinis naman ang bibig niya tsaka mabango hininga niya, okay?!" "Mag-toothbrush ka na," mariin na niyang sambit. Matinding pagtitimpi na talaga ang ginagawa niya. "Okay. Magto-toothbrush ako, pero ipapasyal mo 'ko." Hindi talaga nauubusan ng kondisyon itong babaeng ito. "Fine." Bumuntong-hininga siya. "Ano yun?" Ngumisi ito nang makahulugan. Medyo kabado naman siya. Ano kayang naglalaro sa isip nito? Ang creepy kasi ng ngiti. "Labas tayo mamaya at ipapasyal mo 'ko." "Yun lang?" Kunot ang noong tanong niya. "Yup. Tsaka, ibili mo 'ko ng flowers, yung mamahalin. Tsaka chocolate." Kumindat pa. Ano yun, date? Nagkibit-balikat na lang siya. "Fine." Madali lang naman siyang kausap. Nangislap ang mga mata ni Kaori at mabilis na pumasok sa banyo upang magsipilyo. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ito. "Nag-gurgle na rin ako. Para fresh breath!" pagmamayabang pa nito na binugahan pa siya ng hininga. Napaatras siya sabay lunok. Ang bango na ng hininga nito. Nakakatukso na naman. Nang lumapit ito sa kaniya ay napatingin siya sa mga labi nito. Bumuka iyon ngunit bago pa man ito nakapagsalita ay hindi na siya nakapagpigil, sinapo niya ang magkabilang pisngi nito at hinalikan sa paraan na parang ilang taon na niyang hindi natikman. Nabigla si Kaori pero agad ding tumugon. Kailan nga ba ito umayaw sa halik niya? Gustong-gusto pa nga nito. At gusto niya rin ang lambot ng mga labi nito sa tuwing nakikipagsabayan sa kaniya, ang bawat pitik ng dila nito at ang bawat kagat nito sa kaniyang labi dahil sa gigil. Sabay silang napasinghap ng hangin nang maghiwalay ang mga labi nila. Para silang kinapos, parehong hingal habang walang sawang nakatitig sa isa't isa. Hindi niya pinansin ang pamamaga ng kaniyang ibabang labi dahil sa pagkagat nito. Hindi naman iyon masakit, masarap pa nga. "Kaori..." usal niya. Ang daliri niya ay nakahawak na sa maliit na baba nito. "I don't want you to kiss anyone else. I don't want to share." "Ayaw mo bang mag-share ng blessing?" Sinamaan niya ito ng tingin. Ngumisi naman ito. Kita ang pantay at makikintab nitong mga ngipin. Mang Simon and Thelda are really doing their job taking good care of Kaori. She's being pampered from head to toe, from her nails to her hair. Walang galos, walang gasgas, walang sira. Flawless, perfect like an expensive porcelain in an exclusive auction. Marahan niyang hinaplos ang makinis nitong pisngi. "You're mine, Kaori." "Ba't mo 'ko inaangkin? Bihag mo lang naman ako, hindi mo ako pag-aari." Napapikit nang mariin si Ishmael. God, she's d*man right. Naturingan siyang matinik, henyo pero nagmumukha na siyang tanga... tanga sa nararamdaman pagdating sa babaeng bihag niya. Pagdilat niya ay tinitigan niya ito nang malalim. "Kahit ano'ng sabihin mo, akin ka." Hinila niya ito sa kamay palabas ng kwarto. Dinukot niya sa bulsa ng pants ang kaniyang phone at tinawagan ang tauhan sa baba. "Ikulong lahat ng mga aso at mag-utos ka ng tauhan na ibili ako ng chocolates. Yung healthy at masarap," aniya. Kaagad namang sumunod ang kausap niya sa kabilang linya. Bago pa man sila nakalabas ay naligpit na lahat ng bantay na aso. Mabilis ding nakaalis ang inutusan niya na bumili ng chocolates. Dinala niya si Kaori sa gazebo na nasa ibabaw ng nagsisilbing batis sa mansion. Napasalampak ang babae sa kahoy na upuan matapos niya itong itulak paupo. "Aray! Wala man lang bang gentleness?" "I only do that in bed," tugon naman niya. Inirapan siya nito dahil sa kahalayang naiisip niya. Inilibot nito ang paningin sa paligid. Sumilay sa mga mata nito ang paghanga dahil sa magandang kapaligiran. Malayo sa syudad ang kaniyang mansion, napaliligiran ng mga bakanteng lupa, may mga maliliit na mountains, mga punong-kahoy na nagpalamig ng hangin doon at mga ibong nag-aawitan. Mistulang paraiso ang lugar. Habang abala ito sa paligid ay inabot naman niya ang isa sa nakahilerang bulaklak ng sunflower malapit sa gazebo. Pinitas niya iyon at ibinigay kay Kaori. "Ohh, ganda! Para sa 'kin?" Natutuwa na sambit nito sabay tanggap ng bulaklak. Ngiting-ngiti ito. 'Tss. Babaw ng kaligayahan.' "Is there anyone else I can give this to?" sarkastiko naman niyang tugon. Umismid ang mapula nitong nguso. "So, ito na yun? Hindi ba sabi ko ilabas mo 'ko, ipasyal at bilihan ng flowers and chocolates?!" "And I did. Low budget nga lang." "Ang yaman-yaman mo tapos ito lang ang maibibigay mo sa akin?!" Inis nitong hinampas sa kaniyang mukha ang sunflower. "Ugh, Kaori!" Nakailag siya pero naabutan pa rin ang kaniyang pisngi. Bigla yung nangati. Ilang segundo pa lang ay namula na ang pisngi niya at unti-unting luminaw ang rashes. Napamura siya dahil sa paglala ng pangangati. "Hala, Ishmael. Allergy ka ba sa pollen?" "It's not the pollen, you freak!" Tumayo si Kaori at inabot ang kaniyang mukha. Napatigil siya nang haplusin nito nang paulit-ulit ang namumula niyang pisngi. Banayad ang haplos nito dahilan para matikom nang tuluyan ang bibig niya at mapalunok. Pakiramdam niya ay bumagal ang oras hanggang sa unti-unting tumigil sa pag-ikot ang mundo. Pinagmamasdan ni Kaori ang kaniyang mukha. Wala naman siyang ibang magawa kundi ang titigan at pag-aralan ang bawat anggulo ng magandang mukha nito. Ishmael have seen so many beautiful faces all over the world. But Kaori's beauty is different. She's more than just a pretty face, she's not just charismatic... She is something. Hindi niya alam kung dahil lang ba sa mataas na confidence nito but her presence is striking every time. "Kuya Ishmael!" Naudlot ang makapigil-hiningang sandali ng dalawa at pakiramdam niya ay saka lang din umikot muli ang mundo nila nang marinig ang pamilyar na boses. Napatingin sila pareho sa isang sasakyang nakaparada na sa tapat nila. Bumukas ang magkabilang pinto ng sasakyan at bumaba ang dalawang magagandang babae. Ang isa ay mukhang sweet at mabait, samantala ang isa na may asul na mata, bagaman maamo ang mukha ay naroon naman ang tapang sa mga mata nito. Lalo na nang mapatingin ito sa gawi ni Kaori. Nilampasan siya nito at dumiretso kay Kaori. Sinalubong naman ito ng huli at sa mismong harapan niya ay nagpapalitan ng mariin na tingin ang dalawa. "Hulaan ko..." Si Kaori. Hindi niya mapigilang mapatingin dito na matapang na nakaharap sa pinsan niya. "Ikaw ang pinsan ni Ishmael na may sakit sa puso. May taning na ba buhay mo? Nandito ka ba para hiramin yung sa'kin?" Bagaman nakangiti at kalmado ito ay ramdam ni Ishmael ang tensyon sa bawat katagang binibitiwan nito. Umangat ang sulok ng labi ng kaniyang pinsan. "Hindi ko hihiramin... Kundi, aangkinin. Are you ready to rest 6 feet below the ground, Kaori Nagamori?" Nabura ang ngiti ni Kaori, siya naman ay napalunok nang matindi. Ibig bang sabihin ng kaniyang pinsan, pumapayag na itong magpa-heart transplant?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD