Chapter 11 Hell Juno Juseo 'Junjun' Hermana Tila ba hindi ako napakali sa aking kinauupuan. Maliban sa hindi ako komportable sa mga titig na ibinabato sa akin ni King... Ganoon din kay kuya Marc. Isama pa ang hampas ng hampas sa akin na si Walter na kasama ng Kuya niya. Bumulong naman sa akin ang kaibigan ko. "Grabe Bess, never kong naisip na may ganitong ganap sa buhay ko. Wow as in, wow. Narito na si King, si Garron at maski ang kuya ko. Yummyness!" Humugot ako ng malalim na hangin at saka umiling. May pabulong-bulong pang nalalaman ang bakla na 'to. Dinig naman sa loob ng buong Coffee Shop. Napatitig ako kay Garron na blanko ang mukha. Nagkatitigan kami hanggang sa magpekeng ubo si kuya Marc. "Malulusaw naman ata sa titig mo yang kaibigan mo Junjun." blanko ang boses niya.

