Chapter 10 Naloko Juno Juseo 'Junjun' Hermana Alas-otso ata iyon ng gabi at mahimbing na akong natutulog sa kuwarto ni Walter ng maramdaman kong may humahagod na kamay sa akin upang ako'y gisingin. "Best. Gising! Nandito na ang korte-supremo!" Agad na nagising ang diwa ko sa sinabi niya. Narito na si kuya Marc? Hindi malinaw sa akin ang aking emosyon na nadarama. Kinakabahan, masaya at may pangamba rin. Nag-ayos muna ako ng itsura bago magpasyang bumaba na upang salubungin si Kuya. Hindi nga ako nagkamali nang makita ko siya sa sala na seryosong nakatutok ang atensyon sa pinapanood niya sa kanyang laptop. Tahimik akong napakagat ng labi ng magtama ang aming paningin. Walang emosyon ang mata niya. Tumayo ito at lumapit sa akin. "Mag-usap tayo. Sa kuwarto ko Junjun." May diin an

