Chapter 9 Hirea Juno Juseo 'Junjun' Hermana Halos hindi ako nakatulog ng maayos. Hindi na iyon nakakapagtaka lalo na't may malikot na boss sa aking tabi na kung saan-saan naglalakbay ang kanyang kamay at hita...hindi rin nakakatulong ang hubad baro niyang katawan. Katawan na pinagpala, ang batak nitong masel na halos magbigay sa akin ng labis na panginginig ng kalamnan. Tao ako, oo at hindi ako aktibo sa mga sekswal na bagay pero hindi naman ako mangmang sa mga gan'tong bagay. At isa pang labis kong ikinakabagabag ay ang banta ni Walter. Alam kong se-seryosohin niya ang banta niya. At ayaw kong mangyari iyon sa pagkat magagalit si kuya Marc. Dalawang beses ko lang nakitang magalit si kuya Marc sa tanang buhay ko. Una ay noong may nambulas kay Walter ng dahil sa sekswalidad niya.

