Chapter 8
Huwag!
Juno Juseo 'Junjun' Hermana
Inaamin ko na nakakakabang umakyat sa panghuling palapag ng Mansyon na 'to. Gamit ang isang elevator na parang gawa sa ginto ay tahimik lang akong nasa sulok at kasama sa loob si King.
"Kamahalan..." Sinubukan kong huwag kabahan ng dahil sa kanyang presensya.
"Bakit?"
"Hindi ba't galit kayo sa mga tulad ko...kasapi ng nasa ikatlong kasarian. Bakit mo naisipan na kunin akong tutor?"
Ang kanyang walang emosyon mata ay tila nakakapanlamig, pero mababakas ang pag-igting ng kanyang mga panga.
"When I didn't give you a permission to ask. Don't ask," he said.
Kinagat ko na lamang ang aking labi sa sobrang kaba. Maaaring casual lang siya sa akin. Pero sapat na iyung narinig ko sa grocery noong isang araw. May iba siyang balak.
Pagdinig ko ng metal na tunog at pagbukas ng elevator ay mabilis na hinablot ni King ang aking braso at saka ako kinaladkad. Mahigpit ang kanyang pagkakahawak kaya naman medyo napapangiwi ako.
Napahinto na lang kami ng nasa harapan na kami ng pinakahuling silid sa nasabing floor. Binuksan niya ang pinto at saka ako itinulak papasok dahilan upang mapahiga ako sa gabundok na mga damit sa kuwarto.
Napakarumi, maraming nakakalat at kung saan-saan nakasabit ang mga damit na sigurado akong ilang araw ng hindi nalalabhan.
"Clean my room," aniya sa maawtoridad nitong boses.
Isinarado na niya ang pinto dahilan upang sawakas ay makahinga na ako nang maluwag. Magmula kasi ng nagtanong ako ay tila nag-iba na rin ang pakikitungo niya.
Tumayo na lang ako at napailing. Ang ugali niya ay parang panahon, na napakahirap tansyahin.
Muli ay pinasadahan ko ng tingin ang kuwarto. Malaki sana at tiyak na pangarap ng kahit na sinong kabataan. Kasi nga naman ang laki ng espasyo ng silid, may flatscreen na telebisyon na nakasabit sa dingding sa harapan ng kama. Mayroong computer at refrigerator sa isang banda sa tabi ng study table. Pinaghalong peach black at gray ang kulay ng pader at pula naman para sa kurtina.
'Hindi naman ako katulong dito a? Tutor ako.'
Tila wala na akong ibang pagpipiliin kundi pulutin ang mga nagkalat na mga damit, maski ang isang underwear na mukhang ilang araw na hindi naglalabhan. At ang brief, napakalaki ng size.
Napailing na lang ako at inilagay lahat ito sa isang lalagyanan. Nagwalis na rin ako at nagmap ng tiles. Pinalitan ko na rin ang bedsheets at punda ng mga unan. Inalis ang mga alikabok na nasa mga furnuture at kagamitan. Maski ang banyo ay nilinis ko na.
Napaupo na lang ako sa kama na pawis na pawis. Kaya naman inalis ko na ang sando ko at binuksan ang aircon.
Habang nagpapahinga ay biglang bumukas ang pinto. Kita kong bored na nakatingin sa akin si King, ngunit ng magtama ang aming mga mata ay bigla siyang napaiwas.
"Magbihis ka, nandiyan na si Papa. Sasabay ka sa amin na kumain." 'Tsaka na siya lumisan.
Sinunod ko na lamang ang kanyang sinabi. Nagbihis na ako sa aming uniporme at lumabas sa silid, na kung saan makikita ang halos walang kamatayang kahabaan nang buong hallway. Saan na nga kasi ang elevator dito?
Napapakamot na lang ako ng ulo. Ang laki-laki ng bahay, ilang tao lang naman ang nakatira dito.
"Hi," saad niya. Isang lalaki na naka-uniporme na tila isang butler.
"A, hello sa iyo." Kumaway ako ng parang, well, napaka-awkward pala ng ginagawa ko.
Napahalakhak naman siya, napaka positibo niya kung titingnan at mukhang hindi naman siya ganoon may kaedaran.
"Ako pala si Butler Ikarus. Mukhang naliligaw ka."
Namula naman ako. "Oo e."
"Hayaan mong ihatid kita sa Dinning area."
Mabait itong si Ikarus tulad ng aking inaahasan. Kwela ito kung kausapin ako at tila agad ko naman siyang nakagaanan ng loob.
Nang makababa na kami sa pinakamain-floor, kung nasaan ang Dinning area ay agad naman siyang nagpaalam sa akin at nagbigay pa ng nakakalokong kindat na ikinangiti at iling ko na lamang. Sa totoo nga ay hindi ako pala-kaibigan na tao. At masasabi kong may malakas na characterization at social skills itong si Ikarus.
Habang nakatingin sa palayong bulto ni Ikarus ay napabaling naman ako ng tingin kay King na ngayon ay may masamang tingin na ipinupukol sa akin. Napaiwas naman ako agad sapagkat yumuko na siya at napakuyom na siya ng kamao.
Kinakabahan, malakas na pintig ng puso sapagkat ang kanyang presensya ay labis na nakakatakot
"Ijo."
Mabuti na lamang at narito si Mr. Kilbarchan upang ako'y batiin.
"Magandang gabi sa iyo Mr. Kilbarchan."
"James na lang ang itawag mo sa akin Ijo. Tito James."
"Sige ho," saad ko na lang at saka na tumabi kay King na itinuro ang aking magiging puwesto.
"So, kamusta ang lahat? Nagsisimula na ba kayo?" tanong ni Tito James habang hinihiwa ang karneng nasa plato niya.
Kinakabahan akong ngumiti. "Hindi pa po kami nagsimula T-Tito James, ano po kasi. Naging labis na abala ako sa araw na ito. Baka bukas po ay maasikaso ko na ang aking mahigpit na schedule."
Mas lalo akong nanginig ng maramdaman ko ang kamay ni King sa aking hita. Marahan niya itong hinahaplos na may tamang diin lamang upang magdala ng kilabot sa akin. Kita na may nagkukubling ngisi sa walang emosyon nitong titig.
"Kumuha ka na ng pagkain Junjun. Hindi kusang lalapit sa plato mo ang mga ulam."
"King. Don't use that kind of words on him," Agad na suway ni tito James kay King.
"Of course Dad."
Pansin ko lang na walang permanenteng tawag si King sa kanyang Ama. Minsan Dad, minsan Papa. Ewan.
"Ijo, balita ko ay nagta-trabaho ka sa isang carinderia. How about your tutorial work?" tanong ni Tito.
Isa rin 'yan sa aking iniisip. Maaaring mawala sa balanse ang aking mga gawain at obligasyon.
"Hindi ko rin po alam."
"You should quit," komento ni King na tila walang pakialam.
"Parang pamilya ko na sila King. Hindi ko kayang iwan ang pamilyang nag-aruga sa akin."
Nakita kong naging matalim ang tingin ni King sa kawalan. Sa aking peripheral vision ay kita ang pagkaperpekto ng kanyang mukha. Ang gwapo nito. Siguradong sasambahin ako ni Walter kung makikipagpalit ako ng tadhana sa kanya.
"Then if you are really close on that family. It is easy for you to ask for a favor. Why don't you work for them every weekends. Sabihin mo na libre na lang ang iyong serbisyo. Ako na lang ang magpapa-sweldo a iyo."
I stared at tito James' gray eyes. Gray na tulad ng akin. It was so genuine. His smile and everything.
"Kung iyun po ang makakabuti. Wala pong problema."
"Good."
Matapos no'n ay tahimik na kaming kumain. Masarap at hindi basta-basta ang mga pagkain na nakahapag pero hindi ko labis na malasap ito dahil sa mabigat na kamay ni King na nakapatong sa aking hita.
"Tito James, K-King. Maraming salamat para sa masarap na hapunan. Pero kailangan ko na pong umuwi." Magalang akong nagpaalam.
"Sige ijo. Ipapahatid na lang kita sa aming driver."
Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni tito James. Pero akala ko lamang pala ito sapagkat bumuhos na pala ang malakas na ulan at marami ng daan ang lubog sa baha ng dahil na rin siguro sa kaka-landfall na bagyo na ibinalita kaninang umaga sa radyo...
"I guess, you only left with no choice but to stay right here." Mahihimigan ang hindi mapagkakatiwalaan na tono sa boses ni King.
"Papa, excuse us. Dadalhin ko lang si Junjun sa guest room."
"Sure son."
Inakbayan niya ako nang mahigpit, dama ko ang pressure sa aking balikat sa pagpisil niya. Inalalayan niya ako papunta sa elevator 'tsaka siya bumulong.
"Mukhang close na agad kayo ni Ikarus."
"Mabait naman kasi si Butler Ikarus," paliwanag ko sa mahinahon na boses.
Tumawa naman siya 'tsaka nangumisi. "Too bad, he is my cousin on my father side or else, hindi ako mangingiming palayasin siya sa mansyon na 'to."
Kami na lang dalawa ang nasa elevator na nagpadagdag sa labis na tensyon sa aking puso.
Inilapit niya ang kanyang labi sa aking tenga. "Alam mong ayaw ko sa bakla...pero ayaw ko rin sa malandi Junjun. Or else you want to be punished."
Agad na bumalot ang kakaibang init sa aking katawan. Ramdam ko kung paano niya lamasin ang aking pang-upo habang masuyong hinahaplos ang aking balikat.
" King..."
"Call me by my name Junjun."
"Aking kamahalan," wika ko na tila kinakapos ng hangin.
Kita kong naging mapangahas ang kanyang ngiti, at sa paghinto ng elevator ay saka naman siya tumigil. Muli ay iginaya niya ako.
"Nasaan ang guest room?" nauutal kong tanong.
"Naniwala ka naman na sa guest room ka talaga matutulog?"
Iginaya niya ako patungo sa kanyang silid. Labis na kaba ang nadarama ko sa oras na ito at pilit akong tumututol sa kanyang desisyon.
Kung gaano kalikot ang isip niya at baka bigla na lang niyang maisipan na kunin ang isang una at patayin ako gamit ito.
Pagbalik namin sa silid ay agad niya akong itinulak sa banyo at pinaglinis ng katawan. Alam ng kung sinuman kung gaanong takot ang nadarama ko. Nang matapos na ako ay pinatuyo ko na lang ang buhok ko gamit ang tuwalya, dinig ang lagaslas ng tubig mula sa banyo.
Ngayon ay niluwa na siya ng pinto. Kita sa manipis at bakat na puting tela ang kanyang p*********i kaya naman napaiwas ako ng tingin at napahiga ng wala sa oras, king size ang kama kaya naman pumwesto ako sa malayo layo.
Naramdaman ko ang marahang pag-ugon ng kama. Nanghilakbot ako ng madama kong yinakap niya ako patalikod at hinila upang mapasandal sa matipuno niyang katawan. Dama ang ari niya na kumikiskis sa aking pang-upo.
"I'll let you to starve for me. But I won't let you taste my own heaven. My bitch."
Ilang oras na katahimikan at naramdaman ko na ang malalim niyang paghinga, at maski ako ay parang nabunutan ng tinik.
Nag-vibrate naman ang cellphone nabigay sa akin ni King.
'Hoy nasaan ka na?! Papatayin ako ni Kuya sa chat niya e. Want ka niyang makita at maka-skype.'
Nagtipa naman ako ng mensahe habang kagat-kagat ang labi sa kaba.
'Nasa kuwarto ako ni King. Ayaw niya akong pauwiin Walter, malakas daw ang ulan at baha na sa daan. Tulungan mo naman ako o.'
Pasimple akong kumuha ng larawan namin ni King na magkatabi sa kama at nag-send kay Walter.
'Besty, ang ahas mo. Huhu.'
'Walang nangyari sa amin a!'
'Tse! Makakarating ito kay kuya! Babush!'
'Huwag!'